"What the fuck!"
Napagising ako sa lakas ng dabog. Bumangon agad ako dahil nasa harapan ko ngayon si Sir Kier. At mukhang hindi siya natutuwa sa nakikita niya ngayon. Shit! Napasarap ang tulog ko.
"Kamahalan, hayaan mo ko magpaliwanag. Hindi ko po..." Naputol yung sinasabi ko dahil biglang sumigaw si Kier.
"Ano ba sinabi ko sayo?! Diba off limits ang couch ko! Bakit ang dumi pa ng bahay ko?! Umalis lang ako saglit tapos pinabayaan mo ang trabaho mo! Sinusubukan mo ba talaga ako?!" Umuusok na yung ilong niya.
"Sir Kier, hindi ko naman po sinasadya. Nakatulog lang po ako."
"Ahh, so di mo sinasadya matulog sa couch ko? Nagsleep walk ka papunta rito. Ganun ba yun? Pwes! Ngayon matutulog ka sa tabi ni Bruno!"
Bago ako makapagsalita, kinaladkad ako ni Kier papunta sa likod ng bahay. Sobrang higpit ng hawak niya sakin. Sinabi ko sa kanya na nasasaktan ako pero mas lalo lang niya hinigpitan kapit niya sakin. Gusto niya ata mawalan ako ng braso. Nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Bruno, tinulak niya ako at napasubsob ako sa damuhan. Nakaramdam ako ng kirot sa tuhod ko. Sasamaan ko sana ng tingin si Kier kaso pagharap ko, nakatalikod na siya sakin pabalik sa bahay.
Umupo ako at tiningnan ko yung tuhod ko. Nagasgasan yung tuhod ko at may konting dugo. Pinindot ko at medyo masakit. Tiningnan ko naman yung braso na hinawakan ni Kier at masakit rin. Napapasigaw ako tuwing pinipindot ko. Magkakapasa ako nito. Kademonyohan talaga ni Kier. Pati ba babae pinapatulan niya. Isa siyang bakla! Gusto kong umiyak pero I don't want him to get the joy to see it. Tumayo ako at paika ika lumakad papunta sa tabi ng bahay ni Bruno. Umupo ako sa tabi at sumandal sa pader ng bahay ni Bruno. Buti si Bruno ang sarap sarap ng tulog.
Nakatulog ako na di ko namamalayan. Pagkagising ko tiningnan ko yung braso at tuhod ko. Naging pasa nga yung mga sugat ko. Ang laki ng pasa sa braso ko. Umiika ako naglakad papunta sa kwarto ko sa loob ng impyerno at naligo ako ng madali lamang. Para lang malinisan ko yung mga pasa ko. Sa kasamaang palad, hindi ko matatakpan ang mga pasa ko dahil nga sinunog ni Kier ang mga pantalon ko at wala akong long sleeve na t-shirt. Hayaan ko na lamang. Para makita niya at makunsensya siya kung meron man siya. Sinimulan ko na ang mga responsibilidad ko kahit na nahihirapan ako gawing ito.
"Good Morning Ms. K-Lee." Bati sakin ni Manong taga bukas at sarado ng gate. "Ano nangyari sayo?"
"Wala po. Nadapa lang ako kahapon." Tumawa ako ng pilit. "Ang lampa ko kasi."
"Tss." He shook his head in disbelief. "Sinaktan ka ba ni Sir Kier?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ba kapa-paniwala ang pagsisinungaling ko? Well, halata naman. Dahil ang laki ng pasa sa braso ko. Imposible na pagkadapa ang dahilan nito. Hindi nalang ako sumagot. Baka kasi isumbong ako nito o baka magalit si Sir Kier. Ayaw ko madagdagan pa ang mga pasa ko.
"Wag ka kasi matigas ang ulo. Ayaw na ayaw ni Sir Kier ng pasaway. He always gets what he wants. And if not given, he will use force."
Natawa ako sa isip ko. Lagi ko pinapaalala sa mga kapatid ko na wag matigas ang ulo tapos eto may nagsasabi sakin na wag matigas ang ulo. Nakakatakot talaga si Sir Kier. May disorder ata siya. I think he has OCD and SPD. How sad naman kung gayon nga.
"Pumunta ka dito mamayang alas syete ng gabi. Gagamutin ko ang mga sugat mo." Ngumiti sakin si Manong guard.
"Sige po. Hala, uuna na po ako. May gagawin pa po ako."
"Sige. Tandaan mo yung sinabi ko, sumunod ka nalang sa mga utos niya." Tumango nalang ako.
Dinidilig ko yung mga rosas nang tawagin ako ni Sir Kier. Umiika ako tumakbo papasok sa loob ng bahay. Nakita ko si Sir Kier nakaupo sa diner table. Tinago ko yung mga kamay ko sa likod at sinubukan ko maglakad na normal. Palapit ako nang palapit, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.
"Subuan mo ko." Walang expression sabi ni Sir Kier.
Tumango nalang ako. Sinimulan ko siyang subuan. Medyo nanginginig yung kamay ko. Di kasi ako sanay sa kaliwa. Ayaw ko naman gamitin yung kanan ko dahil makikita niya yung pasa. Nahalata ni Sir Kier. Tiningnan niya ako ng masama.
"Kung hindi ka sanay, pwede ba gamitin mo nalang yung isa mong kamay." Halata sa boses niya na nagtitimpi siya.
"O-okay lang po." Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ako yung nahihirapan! Kaya gamitin mo na yung isa mong.." Tinaas niya yung kanan kong kamay at natigilan siya nung nakita niya yung pasa. "Sino may gawa nito sayo?"
"W-wala po." Kumalas ako sa pagkahawak niya at tinago ko ulit. "Wag mo nalang po pansinin."
"K-Lee! Sabihin mo sakin kung sino may gawa nito sayo!" Pasigaw niya sabi.
"Ikaw po." Mahina kong sabi pero sapat lang para marinig niya.
Lumaki ang mga mata nito pero agad din binawi niya. Bumalik yung walang expression sa kanyang mukha. "Tama na. Umakyat ka na sa taas at magpahinga." Aangal sana ako pero sinamaan niya ako ng tingin. "Umakyat ka na sabi."
"S-sige po." Tumalikod ako sa kanya at paika ika ako naglakad. Narinig ko ang usod ng upuan kasunod ay bigla akong binuhat ni Sir Kier na parang bagong kasal. Di makapaniwala na tiningnan ko siya. Totoo ba ang nangyayari ngayon? Binubuhat ba talaga ako ng isang Kier Magpantay? Tumingin siya sakin at nagtaas ng kilay. Agad ako umiwas ng tingin. Dinala niya ako sa isang malaking kwarto at inihiga niya ako sa kama. "Pero Sir Kier, hindi po ito ang kwarto ko." Uupo sana ako pero pinigilan niya ako.
"Dito ka na matutulog simula ngayon." Full of Authority niya sinabi. "Magpahinga ka na at ako na ang magdadala ng luggage mo rito. Pagbalik ko at gising ka pa, sa tabi ni Bruno ang tulog mo muli."
Pagkarinig ko yun, pinikit ko agad ang mga mata ko. I heard his soft chuckle. Minulat ko yung aking kanang mata at nakita ko nakangiti siya habang umiiling. Marunong din pala siya ngumiti. Sinarado niya yung pinto at pinikit ko muli yung mata ko. Pumopogi siya lalo pag nakangiti siya. I wonder kung bakit gayon siya. Lagi nalang malungkot o galit.
![](https://img.wattpad.com/cover/39062149-288-k802851.jpg)
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomansPaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...