Nagising ako ng alas-kuwatro, di dahil utos ni Kamahalan kung hindi dahil doon ako sanay. Sanay ako magising ng maagap para maghanda ng agahan para sa mga kapatid ko. Naligo muna ako bago kong gawin ang mga duties ko. Walang hiya puro ipis at gagamba ang kasama ko sa banyo. Buti na lang sanay na ako sa mga insekto. Syempre pinatay ko muna sila bago ako maligo. Ito ang uunahin kong linisin. Nagsuot ako ng mahabang button down at cycling shorts. Dito kasi ako kumportable. Bumaba ako at tumungo papuntang kusina. Ang mga kitchen equipment kulay grey at white. Pati na rin ang mga baso at pinggan. Well what did I expect?
Hindi ko alam kung ano ang mga tipo ni damulag kainin tuwing umaga. Kaya niluto ko lang yung usual. Yung eggs, hotdog at bacon. Gumawa rin ako ng fried rice. Nilagay ko sa gitna ng lamesa at tinakpan ko. Mamaya pa siguro ang gising ni kamahalan. Pumunta ako sa garden na nasa harap ng mansion at diniligan ko yung mga rosas. Maganda na sana kaso itim nga lang. Winalisan ko yung pathway at buong bahay bukod lang sa kwarto ni Kamahalan. Pumunta na ako sa likod ng bahay. Nakita ko na si Bruno. Isa siyang malaking maitim na pitbull. How the hell am I supposed to clean his house? He might bite my arm off!
"K-LEE!" Sigaw ni kamahalan.
Tumakbo ako papasok sa kusina. "Bakit po kamahalan?"
"What the hell is this?" Tinuro niya yung mga niluto ko.
"Breakfast mo. Bakit iba ba ang nakikita mo?" Pagtataray ko.
"And you expect me to eat this? Nababaliw ka ba?!"
"Malapit na." Bulong ko sa sarili.
"Ito, itong niluto mo. Para lang kay Bruno 'to. Why the hell do you expect me to eat this kind of cheap meal?!"
"Galing yan sa ref mo PO. So ibig sabihin cheap ang mga pagkain mo galing sa ref."
"Aish." Ginulo niya yung buhok niya.
"Alam mo kumain ka na lang!" Nilapitan ko siya at tinulak ko siya paupo. Kumuha ako ng kutsara at sinubo ko siya ng hotdog at fried rice. "Kakain ka lamang ang dami mo pang reklamo!"
"Psh. Bitch." Mahina niyang sabi pero narinig ko parin.
Abuso talaga ito. Baby damulag nga naman. Nagpapasubo pa kahit malaki na siya. Sarap hampasin yung kutsara sa noo niya. Inubos niya rin lahat ng niluto ko. Cheap pala ha. Arteng arte. Iniwan niya at nagdayag nalang ako.
Bumalik ako kay Bruno. May dala pa akong hotdog. Inilabas ko yung hotdog habang dahan-dahan lumalapit kay Bruno.
"Bruno oh, may hot dog ako. Halika Bruno." Lumapit sakin si Bruno at kinain niya yung hotdog. I rubbed his head. "Good boy. Dito ka muna ha. Lilinisin ko lang bahay mo."
Tumayo ako at pumasok sa loob ng bahay ni Bruno. Mas malawak ata ang bahay ni Bruno kaysa sa kwarto ko. Magpalit nalang tayo ng tutulugan. Mas mabuti pa dito kaysa doon sa kwarto ko.
Halos masuka ako habang nililinis ko yung tae ni Bruno. Yuck! Mas gugustuhin ko linisin ang pwet ng sanggol.
After a long day of cleaning, makakapagpahinga na ako. Siguro naman sapat na yung pork sisig at honey walnut shrimp na niluto ko para kay Kamahalan. Gusto ko lang maligo at matulog. I'm so freakin tired! Pagbukas ko ng pinto, naabutan ko si Kamahalan pinapakialaman ang mga damit ko.
"Anong ginagawa mo dito at mas lalong anong ginagawa mo sa mga damit ko?!" Naiinis kong sabi.
"Since you're my slave, bawal magpantalon. Dapat lagi ka nakashort o skirt. Pwede na rin ang dress. Pero mas gugustuhin ko mag panty ka nalang." He smirked.
"Manyak! Lumabas ka na nga dito!" Hinigit ko siya patayo at tinulak palabas ng kwarto ko.
Before he could say anything else, I slammed the door right at his face. Pinupuno talaga ako nito. Tiningnan ko yung luggage ko at wala na yung mga jogging pants ko, pedals, leggings at pantalon. May nakita akong usok sa labas ng bintana kaya sumilip ako roon. Natanaw ko si Kamahalan sinusunog yung mga pantalon ko. Tumingin siya sa direksyon ko at kumaway sakin habang nakangiti. Tumalikod ako at napasigaw sa galit. Minumura ko pa siya. How much I wish he would just die!
BINABASA MO ANG
You're My Property
Storie d'amorePaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...