Ala-una na at tapos na kaming lahat magbihis. Naatat na ako pumunta sa House of Mirrors. Dumating si Mr. Guzman at umalis na kami para pumunta sa Amusement Park. Sumunod si Mr. Guzman sa usapan. Hindi niya pinasama yung Guard ko. Medyo crowded nung pumunta kami sa Amusement Park. Napakaraming tao naririto.
"Saan niyo gustong pumunta?" Tanong ni Mr. Guzman
"Tay, hihiwalay ako sa inyo. Magkita nalang tayo sa kotse mamaya." Pagpapaalam ko kay Mr. Guzman. Nagdalawang isip muna siya. Pero sa huli, pumayag na rin siya.
"Sige, basta uuwi tayo mamayang alas singko." Tumango ako. Nagpaalam ako sa mga kapatid ko.
Naglakad muna ako sa tabi tabi para hindi sumunod si Mr. Guzman. Nang mawala ako sa paningin nila, tumakbo na ako papunta sa House of Mirrors. May dalawang clown nagbabantay sa labas.
"Pasensya na nene pero sarado ang House of Mirrors." Sabi nung clown na may kulay asul na buhok.
"Pero kailangan ko talaga pumasok sa loob. May tatagpuan ako dito. Sige na po." Pagmamakaawa ko.
"Ikaw ba si K-Lee?" Tanong naman nung clown na may kulay pula na buhok.
"Opo. Bakit?"
"Hala, pumasok ka sa loob. Naroroon na si Kier." Binuksan niya yung pinto at pinapasok ako sa loob. Pagkapasok ko, sinarado niya yung pinto. Nagsimula na ako maglakad para hanapin si Kier. Medyo creepy yung paligid dahil tahimik at punong puno ng mga salamin.
Natanaw ko si Kier sa gitnang parte ng House of Mirrors. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko siya na napakahigpit. Niyakap niya rin ako. Nakaramdam ako ng malamig na tubig sa balikat ko. Lumayo ako ng konti at tinitigan ko siya. I cupped his face and whipped his tears with my thumb.
"Salamat at nakipagkita ka sakin. Miss na miss na kita K-Lee." Niyakap niya ako ulit. By our actions, you could tell we were longing for eachother. Humiwalay siya ng konti and he cupped my face. He leaned closed to me and kissed me gently. I responded to his kiss. I missed his kisses, his embrace and him.
Umupo kami sa isang sulok. Nakasandal ang mga likod namin sa pader. Hinihintay ko na siya yung mauuna magsasalita pero parang hinihintay niya na ako yung mauuna. Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula. Kakamustahin ko muna o sasabihin ko agad kung anong nangyari. Ayoko rin magsayang ng oras dahil we don't have the whole day to talk. Gusto ko sulit ang pagkita namin. Sige na nga, ako na yung mauuna. Umupo ako sa harapan niya.
"Kamusta ka na?" Pagsisimula ko.
"Ngayon, okay na. Ikaw kamusta ka na?"
"Nahihirapan pero kaya ko naman." I said. "Kier, kailangan mong malaman na hindi ako yung nagsulat nung letter. At nung araw na pumunta ka samin, pinilit ako ni Mr. Guzman sabihin sayo na hindi kita mahal. Pero yung totoo mahal na mahal parin kita. Hindi ako umalis dahil gusto ko kung hindi dahil binuhat nila ako paalis sa bahay mo."
"Eh di tama yung hinala ko. Alam ko na hindi ikaw yung nagsulat. Alam ko mahal mo parin ako. I knew something was wrong."
"Pasensya na dahil nagsinungaling ako sayo at sinaktan kita. Pasensya na rin dahil hindi ako nagparamdam sayo. Eh kasi kinuha ni Mr. Guzman yung cellphone ko. Nakapagtext ako dahil wala si Mr. Guzman nung tinext kita. Pasensya na talaga Kier ha."
Kier held my face and stared straight into my eyes. "Okay lang. Basta ang mahalaga nandito ka sa piling ko at mahal na mahal parin natin ang isa't-isa."
"Pero paano na yun? Paano tayo magkikita o makapagusap? Wala akong cellphone at parati may nakasunod na guard sakin."
"Thats why I brought this with me." May inilabas siyang cellphone mula sa bulsa niya. "Ito oh. Itago mo 'to. Wag mo nang alalahanin ang load dahil may plan na ito. Basta wag kang magpapahuli ha. At ang pagtagpo natin, ako na bahala doon. Okay?" Binigay niya sakin yung cellphone.
"Salamat Kier." Niyakap ko siya. Naiiyak ako sa sobrang tuwa. This man never fails to make me happy. I playfully slapped his arm. "Ikaw talaga. Lagi mo ko pinapaiyak." Sabay kami tumawa. Pinahid niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.
We spend the rest of our time catching up. Nalaman ko na may balak siya magbukas ng ibang branches sa ibang bansa at hindi lang dito sa Pinas. I'm so proud of him. Sinabi ko sa kanya kung bakit hindi ako pwede bumalik sa bahay niya. At buti naiintindihan niya. We told each other stories that were funny and sad. It felt like I had no more problems and no more to worry. Until my watch beeped and it was five o'clock.
"Kailangan ko nang umalis." Sabay kami tumayo.
"Sige, itetext kita mamaya ha. Nakasilent na yan. Mag-iingat ka, K-Lee." Niyakap niya ako. "I love you."
"I love you too, Kier." Hinalikan niya ako sa noo. Tumakbo na ako paalis sa House of Mirrors. Dumiretso ako sa parking lot at natanaw ko sina Mr. Guzman at ang mga kapatid ko. Umuwi na kami na walang naeexpect si Mr. Guzman. Sa gabing iyon, magkatext kami ni Kier na buong magdamag. Malalampasan ko ang lahat na 'to dahil kasama ko si Kier.
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomansaPaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...
