Hindi ako nakatulog ng maayos pagkatapos nung araw na nagkwento si Mr. Guzman tungkol sa past nila. Hindi kasi mawala sa isip ko kung paano kaya pag isang araw nagsawa si Kier sakin. Parang di ko kaya. Mahal na mahal ko si Kier. Kutob ko talaga na siya na talaga ang para sakin. Pero dahil sa kwento ni Mr. Guzman, parang nagdududa na ako. Wala nga akong kain, wala pa akong tulog. Buti hindi pa ako nahihimatay.
"K-Lee." Familiar sakin yung tinig na yan. Nagmadali ako buksan yung pinto. Si Caleb ang sumalubong sakin at may hawak siyang bouquet at dalawang lobo. Nakawacky pa yung loko-loko. Binigay niya sakin yung bouquet at pinapasok ko siya sa loob ng kwarto ko. "Kamusta ka na?"
"I'm fine." Even though it hurts so bad. Even though the scar is so deep. Even though it's killing me inside. Even though I can't handle this shit anymore. Even though I feel like dying. Even though I want to cry and scream out loud. Even though I want to give up. "Yes, I'm fine. I'm totally fine. You got nothing to worry about. By the way, bakit napadalaw ka, Caleb? Pati bakit may dala kang bouquet at mga lobo?" Binaba ko yung bouquet sa nightstand ko at sabay kami umupo sa kama ko.
"Napadalaw ako dahil tinawagan ako ni Tito Andrew. Hindi ka raw kumakain. Kaya pinapunta niya ako rito para kausapin ka. At yung mga dala ko, galing kay Kier yun. Sabi niya get well."
"Kamusta na si Kier? May pasa ba sa mukha niya? Okay lang ba siya?"
Umiling siya. "Okay lang siya. Ginamot na niya yung pasa niya. Basta ang mahalaga magpagaling ka, K-Lee."
"Caleb, may itatanong ako sayo. Tatay mo ba si Matthew Magpantay?" Gusto ko lang malaman kung tunay nga yung kwento ni Mr. Guzman. Baka may alam si Caleb tungkol sa nakaraan ng tatay niya.
"Oo ah. Sinabi ko kaya sayo noon. Siguro nakalimutan mo na."
"Mayroon ba siyang binanggit na Katherine Mendez sa inyo noon?" Hindi alam ni Caleb na nanay ko yung binabanggit ko. Ang pagkakilala niya kasi sa nanay ko ay si Tita Kate.
He looked at me confused. "Meron. Bakit mo naitanong?"
"Basta. Ano ba mga sinabi niya tungkol sa kanya?"
"Si Katherine Mendez daw ay true love ni tatay. Nung kinuwento ni tatay 'yon samin ni Kuya, naawa talaga ako sa kanya. Noon, playboy talaga si tatay. Pero nung nakilala niya si Katherine, nagbago ang lahat. Naging matino na siya. Kaso mapaglaro talaga ang tadhana. Isang araw lumapit yung nanay namin ni kuya kay tatay at sinabi sa kanya na buntis siya. At walang nagawa si tatay kung hindi panagutan si nanay. Dahil doon, nagkahiwalay sila ni Katherine. Dad entitled his past: Right Love, Wrong Time."
So nagkamisunderstanding lang pala sila. Minahal talaga ni Tito Matthew si nanay. "Pero bakit hindi niya nalang sinabi kay Katherine na may anak siya. Malay niya, maiintindihan ni Katherine yung sitwasyon."
"Hindi niya sinabi dahil mas nakabubuti kung hindi malaman ni Katherine. At manatili nalang siyang playboy sa paningin ni Katherine. Hindi daw siya karapat-dapat kay Katherine. Kaya pinalaya niya si Katherine sa best friend niyang lalake." Natouch naman ako sa kwento ni Tito Matthew. Matapang siya para palayain yung mahal niya. I could imagine how much it would hurt. "Teka, bakit interesadong interesado ka sa dalawang 'yon? Paano mo nalaman tungkol kay Katherine?"
"Kasi si Katherine Mendez ang nanay ko at yung best friend niya ay si Mr. Guzman. Nasabi ni Mr. Guzman sakin yung tunay na dahilan kung bakit ayaw niya kay Kier."
Nanlaki ang mga mata ni Caleb. "Ano? Akala ko ba Kate ang pangalan ng nanay mo. Pero teka, ano nga ba yung dahilan?"
"Nickname lang niya yung Kate. Ayaw niya daw kay Kier dahil isa siyang Magpantay. Nangako siya sa sarili niya na hindi niya hahayaang mainlove ang mga anak niya sa isang Magpantay. Baka matulad ako sa nanay ko. Baka naimana ni Kier ang pagiging manloloko ng tatay niyo."
"Namana niya talaga. Si Kuya ay parang teen version ni tatay ngayon. At ikaw yung Katherine sa kwento niyo ni Kuya. Ikaw yung nakapagbago kay Kuya. Kaya sana naman hindi matulad yung ending niyo sa ending nila."
"Hinding hindi yan mangyayari. I can feel it that we were made for each other. Gagawa at gagawa ng paraan ang Tadhana para magkita kami ulit." I just know it. Meant to be kami ni Kier. Nararamdaman ko. Hinding hindi ko hahayaang mawala si Kier sakin.
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomancePaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...