Magkakasama kaming tatlo sa sala habang nakaupo sa sofa. Ako ang nasa gitna nung dalawa. May kanya-kanyang kaming ginagawa. Si Kier nagtetext, si Caleb nanunuod ng tv habang ako nagbabasa ng libro. Wala kaming pakialaman sa isa't-isa. Pero nakikiramdam kami.
"Guys, mag-impake kayo." Biglang sabi ni Kier.
"Bakit? Anong meron?" Tanong ni Caleb.
"May beach blowout kasi yung colleague ko at gusto niya pumunta ako. Gusto ko naman kasama kayo. Kaya tara na." Tumayo siya at hinigit niya kaming dalawa ni Caleb.
Sabi ni Kier doon kami matutulog mamaya kaya nagimpake ako ng tatlong damit. Isa para pagkatapos magswimming, isang extra baka madumihan ako, at isa para bukas ng umaga. Hindi masyado marami ang dadalhin ko kaya nagdala nalang ako ng tote bag. Saktong sakto lang sa mga dala ko. Pumunta na ako sa labas at nandoon na yung dalawa. Pareho sila nakashades. Napatawa nalang ako sa itsura nila.
"Ang tagal mo ah. Daig pa ang pagong." Panloko ni Kier.
"Ha-ha-ha. Tara na nga." I rolled my eyes. Sumakay na kami sa van na inutos ng colleague ni Kier na sunduin kami. Since tatlo naman yung mga upuan sa van, tig-isa kami. Si Kier sa harap, si Caleb sa gitna at ako sa bandang huli. Nagreklamo pa yung dalawa pero wala silang laban sakin. Kaya wala silang magawa kundi sumunod sa kagustuhan ko.
***
Tumigil yung van at binuksan ni Kier yung pinto. Nagmadali ako lumabas. Finally! Fresh air! I could finally stand up! Namamanhid na kasi ang pwet ko. Halos tatlong oras kami nasa biyahe. Ang sarap sa pakiramdam yung buhangin sa paa ko. Ang sarap rin sa tainga pakinggan yung waves ng dagat. Ang sarap ng hangin. I opened my arms wide while closing my eyes to feel the wind.
"Hoy K-Lee, wala ka sa titanic." Natatawang biro ni Kier. Nilingunan ko siya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Wag kang ingget! Gumaya ka rin." Mataray kong sabi.
"Alohaaa!" Sigaw ng isang babae palapit samin este kay Kier lang pala. "Buti nakarating ka. Ipakilala mo naman ako sa mga kasama mo."
"Amber, ito ang kapatid ko si Caleb. At ito naman si K-Lee." Inakbayan ako ni Kier. "Someone special...to my butt."
Binatukan ko siya. Akala ko sweet ang sasabihin niya. Hindi pala. Nakakaasar talaga siya. Tumawa siya sabay ginulo ang buhok ko.
"Halika na, ihahatid ko na kayo sa mga rooms niyo. Para makapagswimming na tayo." Masiglang wika ni Amber.
Ayon nga sa sinabi niya, sinamahan niya nga kami sa mga rooms namin. May kanya-kanyang kwarto kami. Nagbihis na ako at naglagay ng sunblock. Nagmadali ako pumunta sa dagat. Excited na talaga ako magswimming. Pumunta agad ako sa malalim. Maalam naman ako lumangoy. Dumating si Caleb at grabe ang hot niya. Nakaswimming trunks siya na may matching vest. Tumingin ako sa bandang tiyan niya at pucha ang hot ng pandesal! Tumingin siya sakin at ngumiti. Babatiin ko sana si Caleb nang biglang dumating si Kier at pritong butiki shit! Mas hot si Kier. Nakaswimming trunks lang siya. Mas halata pa ang abs ni Kier kaysa kay Caleb. Tumingin siya sakin at nagsmirk. Ikamamatay ko ata ang katawan nila.
"K-Lee!" Nadistract ako nung tinawag ako ni Amber. "Halika magvolleyball tayo."
"Sige. Papunta na ako." Lumangoy ako palayo sa malalim na parte. Naglakad ako nung malapit na ako sa shore. Tumingin ako sa magkapatid at mukhang nagulat sila sakin. Parehas pa sila nakanganga. Nagsmirk ako sa dalawa. "Mag-ingat kayo baka may pumasok na langaw."
Nagkampi-kampihan kami. Kami ni Caleb ang magkakampi at sina Amber at Kier naman ang magkakampi. Nagbato bato pik kami para malaman kung sino ang una magse-serve. Sa kamalasan namin ni Caleb, sila ang una magseserve. Pero kahit di kami una nagserve, kami ang una nagkapuntos. Maganda kasi ang teamwork namin ni Caleb. At ang resulta, 8-5. Nanalo kami!
"Wooh! Nanalo kami!" Niyakap ako ni Caleb sabay binuhat at umikot-ikot pa. Nadala siguro sa sobrang tuwa. Nung binaba ako ni Caleb, mukhang di nagustuhan ni Kier ang nakita niya.
"Tara na nga. Magswimming na tayo." Masungit na sabi ni Kier. Umuna na siya pumunta sa dagat.
Nagkibit-balikat nalang kami at sumunod sa kanya. Naglaro kaming tatlo habang si Kier nagsosolo sa malalim na parte. Pero sa huli, nakisama rin siya samin. Binabasa namin ang isa't isa at naglaro pa kami ng chicken fight. Si Kier naman ang kakampi ko nun. Pero dahil isa akong mahinang babae, natalo kami. Pero ang oa makareact yung magkapatid tuwing nahuhulog ako sa balikat ni Kier.
Naisipan na namin magbanlaw nung dumidilim na ang paligid. Sinabi samin ni Amber may comedy bar sa hall mamaya. Pupunta kami kasi sa tingin namin masaya iyon. At doon din daw kami kakain ng hapunan. Nagsuot ako ng maluwang na blouse at itim na short. Yung magkapatid parehas sila nakafloral na polo at kaki shorts.
"Iba nalang suotin mo K-Lee. Baka lamigin ka mamaya." Alalang sabi ni Kier.
"Hindi yan. Kaya ko na ang sarili ko." Ngumiti ako.
Dumating si Amber at dumiretso na kami sa hall na sinasabi niya. Marami ngang tao rito. Halos puno na. Buti nalang may nireserve si Amber. Umorder kami ng makakain namin at isang bote ng wine. Ang naghohost ay dalawang bakla. At super sila nakakatawa. Havey na havey ang mga jokes nila at the best ang pangasar nila. Gusto ko tuloy magkaroon ng kaibigan na bakla.
"Sino ang mga single ladies dyan? Magtaas kayo ng kamay!" Masiglang sabi nung payat na bakla.
Nagtaas kami ni Amber at nagcheer. Proud to be single! Kokonti lang ang nagtaas ng kamay. Siguro lilima lang kami nagtaas ng kamay.
"Ikaw! Ikaw na nakaputing blouse." Tinuro ako nung chubby na bakla. "Halika, akyat ka sa stage!"
"Ha? Ako?" Gulat kong sabi.
"Malamang ate! Halika na!" Ayoko sana pero tinulak ako nung tatlo. Napakabuti nilang kaibigan. "Anong pangalan mo teh?"
"K-Lee po." Nahihiya kong sabi.
"May boyfriend ka ba K-Lee?" Tanong ni payat.
"Wala po."
"Eh mayroon ka bang nagugustuhan?" Tanong ni chubby.
Mayroon nga ba? Hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko. "Wala po."
"Proud to be single ka ba?" Tanong muli ni payat.
"Oo naman ho. Proud na proud!" Masigla kong sabi.
"Dahil dyan, magsasayaw ka. A round of applause for K-Lee." Biglang banat ni payat.
Pumunta sila sa tabi. ANO DAW?! Magsasayaw ako? Wala naman silang sinabi na ipapasayaw nila ako. Bigla nagsimula ang tugtog. Nagsipalakpakan ang mga tao. Here goes nothing. Nakiramdam nalang ako sa beat at basta basta ako gumawa ng steps. Sobrang nakakahiya yung ginagawa ko. Nung gumiling ako, nagpalakpakan ang mga tao pero mas malakas kaysa sa una. Wala na akong maisip kaya tumigil na ako. Bumalik yung dalawang bakla at ngiting ngiti pa sila. Nagpasalamat sila at pinabalik nila ako sa upuan ko. Sa wakas!
"Ang galing mo pala sumayaw. Dapat sumali ka sa Pilipinas Got Talent." Asar ni Caleb.
"Turuan mo ko sumayaw K-Lee. Ang galing galing mo gumiling." Tuwang tuwa sabi ni Amber.
Hindi ko alam kung dapat matuwa ako o mainis sa mga sinasabi nila. Pero di na yan mauulit. Inenjoy namin ang natitirang oras. Sa huli, di ko na kinaya yung sobrang lamig ng hangin.
"Kier, uuna na ako. Nagiginaw na ako." Bulong ko sa tainga ni Kier.
"Sabay na tayo. Inaantok na rin kasi ako." Tumango nalang ako. Parehas kami tumayo at napatingin samin yung dalawa. "Uuna na kami ni K-Lee. Caleb, samahan mo si Amber ha. Ihatid mo siya mamaya."
Walang magawa si Caleb kundi sumunod sa utos ng kuya niya. Umalis na kami ni Kier. Hindi ko alam pero pakiramdam ko sinadya niya yun para isolo ako. Kasi kanina pa parang may gusto siyang sabihin sakin pero di lang niya nagawa dahil lagi nakadikit sakin si Caleb.
BINABASA MO ANG
You're My Property
DragostePaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...