Chapter Thirty

2.9K 80 2
                                    

Nagcommute nalang ako papunta sa school. Ayaw ko maistorbo yung lima. I've been such a hassle to them lately. Lagi nila ako inaalala at tinanggap pa nila ako sa dorm nila kahit na bawal ang babae matulog doon. Kaya hindi na nila kailangan ihatid pa ako sa school. Naninibago na rin ako. Dahil first time ako papasok na wala si Kier sa tabi ko. I've been receiving text and calls from him. Pero hindi ko nalang pinapansin. Walang kwenta pag pinansin ko.

Hindi ko pinapansin yung tatlo. Lumipat na rin ako ng pwesto. Ayaw ko sila makausap at kung pwede lang ayaw ko rin sila makita. Napansin ko hindi makatingin sakin si Zamantha. Well dapat lang. Mahiya siya sa ginawa niyang kababalaghan at pagtraydor sakin. Hindi ko rin pinapansin yung dalawa dahil baka kasama sila sa plano ni Zamantha na trayduhin ako. Naistorbo ang pagre-reminisce ko nang may kumuhit sa balikat ko.

"Sabay tayo kumain ng tanghalian." Aya ni Justine.

"Sorry, but I have something else to do." Tumayo ako at iniwan ko siya doon.

Masakit para sakin gawin 'to, mas lalo na sa kanya. I treated her like a sister. Hindi sapat ang isang araw para mawala yung sakit. Ganun parin yung tingin ko sa kanila kaya dapat lumayo ako sa kanila. I've been lied to, cheated on and betrayed by mostly everyone I trusted. Will I ever find someone who won't do those cruel things to me again? Because I'm getting tired being tricked on. I know I'm petite, but I wished they didn't took advantage of it.

Wala akong ganang kumain ng tanghalian kaya tumambay ako sa Park ng school. Halos lahat ng estudyante sa labas kumakain kaya medyo tahimik rito sa campus. Ganito ba nalang palagi? Lagi nalang ako mag-isa. Hindi ba ako karapat-dapat magkaroon ng kaibigan? O kahit isang companion man lang.

"K-Lee." Paglingon ko, nakita ko si Kier. Napatayo ako sa gulat. He looks like a mess. Gulong gulo ang buhok niya, halatang hindi na siya nagsha-shave ng facial hair, namamaga ang mga mata niya at medyo namumula rin. Meron siyang sugat sa kaliwang kilay, ube sa kanang pisngi at pumutok yung labi niya. "Kamusta ka na?"

"O-okay lang ako." Sabi ko nang hindi ko siya tinitingnan.

"Saan ka nakatira ngayon? Kumportable ka naman matulog? Kumakain ka ba palagi? Lagi mo ba iniinom ang vitamins mo?"

"A-anong ginagawa mo rito?"

"Gusto lang kita makita. I just want to make sure na ligtas ka, na okay ka." Hindi ako okay Kier. I'm dying each day that passes. And you're the reason why.

"Oh nakita mo na ako. Maaari ka nang umalis." I said cold-heartedly.

"K-Lee. Hanggang kailan mo ba ako hindi kakausapin? Hanggang kailan mo ba ako iiwasan? Hindi mo ba alam unti-unti ako nanghihina dahil wala ka sa tabi ko."

"Umalis ka na, Mr. Magpantay. Your presence isn't needed here". Tinalikuran ko siya.

Nagulat ako nung pumunta siya sa harapan ko at lumuhod. Umiiyak na siya sa harapan ko habang hawak hawak ang mga kamay ko. My heart aches whenever I see him like this. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko patahanin siya. Pero may pumipigil sakin. Something is telling me not to give in.

"Please K-Lee, ayusin natin 'to. Pagusapan natin yung nangyari. Hindi ko na 'to kaya. Hindi ko na kayang magpatuloy na wala ka sa tabi ko. Hindi ko na kaya wala ka sa piling ko. Pagmamahal mo ang nagbibigay lakas sakin. I need you, K-Lee. So stop saying goodbye to me." Sabi ni Kier habang umiiyak.

"I'm sorry, but I don't have time for people like you." Tinulak ko siya ng malakas upang mabitawan niya ako at maupo sa damuhan. Tumakbo na ako palayo sa kanya para hindi na niya ako mapigilan pa. Dahil sa kalampahan ko, natapilok ako. Napaluha ako sa sakit. Hindi sa sakit dahil nagasgasan yung tuhod ko kung hindi dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko.

May isang tao pumunta sa harapan ko at nag-aabot ng tissue sakin. Kinuha ko at pinahid ang mga luha ko. Laking gulat ko nung nakita ko kung sino yung nagabot ng tissue. Sa daming tao sa campus, bakit siya pa ang nakakita sakin na ganito yung kundisyon? I look so pathetic. She handed me her hand pero tinabig ko lamang. Sinubukan ko tumayo kaso nabigo ako dahil bumagsak ulit ako. Inalok niya akong tulungan pero tinanggihan ko.

"Wala kang mararating kung hindi mo tatanggapin ang tulong ko. Kaya wag kang magpakipot." Hindi ko alam kung sincere yung alok ni Zamantha o ano. Para namang hindi. "Halina. Minsan lang ako mag alok ng tulong."

Nag-isip muna ako. Pero sa huli, tinanggap ko yung tulong niya. Inalalayan niya ako pumunta sa nurse's office. Umupo siya sa tabi ko habang ginagamot ako nung nurse. Medyo naiilang ako sa presence ni Zamantha.

"Makinig ka sakin. Dahil hindi ko uulitin yung sasabihin ko. Yung nakita mo noon, walang nangyari." Naputol yung sasabihin niya dahil umeksena ako.

"Wala na akong pakialam dahil..." Siya naman yung umeksena.

"Manahimik ka. Hindi pa ako tapos magsalita. Walang nangyari sa aming dalawa ni Kier. Nung pumunta ka doon, kapwe-pwesto ko lamang. Isu-surpresa ko siya sana kaso ako yung sinurpresa mo. I'm sorry dahil nagbalak ako iseduce yung boyfriend mo. Natukso kasi ako. Wag mo nga pala idamay yung dalawa sa foolish desisyon ko. Wala silang alam at wala silang kasalanan. Wag ka na magalit sa boyfriend mo. Mahal na mahal ka niya."

"Bakit mo 'to sinasabi sakin?" Nakita ko sa mga mata niya na sincere siya.

"Because you deserve the truth. Sige, uuna na ako." Pinat niya ako sa balikat bago siya umalis.

Ginulo ko yung buhok ko. Naguguluhan ako. Nakakafrustrate naman yung sitwasyon. Pero kailangan ko huminge ng kapatawaran mula kay Kier. Hindi ko muna siya hinayaan magpaliwanag. Pinagbintangan ko pa siya ng manloloko. I feel so disappointed with myself.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon