Chapter Twenty Two

3.5K 104 0
                                    

Napakaconservative ni Kier. Kahapon nung pinaalala ko sa kanya na first day ko na bukas at magsho-short ako dahil wala akong pantalon, kinaladkad niya ako sa mall. Halos lahat ng damit na pinipili niya ay pangmanang. Mga maluluwang na pantalon at turtlenecks. Pero syempre hindi ako pumayag sa mga gusto niya kaya iba ang binili namin. Kaso walang short, strapless at kita ang likod. Sabi niya para walang mambastos sakin o magbalak na ligawan ako.

Hinahatid ako ngayon ni Kier sa AIM. Gusto ko sana magcommute nalang para di siya maistorbo kaso di siya pumayag. Gusto niya makasiguro na ligtas ako. Natouch naman ako sa effort niya. Sumasakit ang tiyan ko sa kaba. This is what I really hate during first day of school. Yung kinakabahan ako at sumasakit tiyan ko. Napatingin ako sa schedule ko. First subject ay sa Room105. Ilang rooms kaya mayroon doon? Dapat pala nag-uli ako sa campus nung nagenroll ako. Malalate ako sa first class ko sigurado.

"Okay ka lang ba?" Hinawakan ni Kier ang kamay ko. "You seem tense."

"Kinakabahan lang ako. Kutob ko, papagalitan ako nung professor ng first subject ko." Napayuko ako. Ang ayoko talaga ay yung pinapahiya ako sa harap ng maraming tao. Parang minamaliit nila ang pagkatao ko.

"Wag kang mag-alala. Sasamahan kita. Pag nalate ka man, ako na makikiusap sa professor mo." Nabuhayan ako sabay tumingin kay Kier.

"Anong idadahilan mo?"

"Para namang di mo ko kilala, K-Lee. I'm the best in sales talk." Pagmamayabang niya na tinawanan ko lamang. Pero tama siya. He's really a persuasive person. Nakukuha niya lahat ng gusto niya sa pamamagitan ng sales talk. Habang palapit kami nang palapit sa campus ng AIM, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. I can feel my palms sweating. Nagpark si Kier sa loob ng campus. Seryoso pala siya na sasamahan niya ako. Bumaba siya at binuksan niya yung pinto ko. "Tara na. We have fifteen minutes to find your classroom."

Bumaba agad ako. Hinawakan niya kamay ko at hinigit papunta sa main building. Ginagamit din ni Kier ang utak niya. Tuwing may nadadaanan kaming estudyante na nakauniform, tinatanong niya kung saan namin mahahanap ang Room105. Ang mga bagong estudyante lang tulad ko ang nakafreestyle. Pero pag hindi, nakauniform sila. In no time, nahanap namin yung Room105 at hindi ako late. Humarap ako kay Kier at hinawakan niya ang mga kamay ko.

"We made it on time." Masayahin niyang sabi. "Diba sinabi ko sayo. Magtiwala ka lang kasi sakin. Hinding hindi kita pababayaan, K-Lee. Sasamahan kita palagi. Hindi ko hahayaang harapin mo ang mga bagay bagay na mag-isa lang. I will always be here for you. Well, good luck and behave. Susunduin kita mamayang tanghali para sabay tayo kumain. I love you so much." Hinalikan niya ako sa noo.

"Mag-iingat ka palagi. Magbehave ka rin sa trabaho. I love you." Niyakap ko siya bago siya umalis ng tuluyan.

Pumasok ako sa loob ng classroom. As usual, nakatingin sila sakin. I tried my best to isolate myself from the rest. Pumwesto ako sa likod ng classroom. Halos lahat ay nasa harap. Marami pang bakanteng upuan sa kalapit ko. Ang awkward dahil ako lang ang nakafreestyle. May pumasok na tatlong anghel este mga magagandang babae na mukhang anghel. Laking gulat ko nung umupo sila sa tabi ko. Dumating yung professor at nagintroductory pa kami dahil may bagong kaklase at ako yun. Bukas daw ang simula ng klase at nagbigay lang siya ng mga requirements niya. Kaya nagchi-chikahan silang lahat. Yung tatlong babae na katabi ko ay sabay-sabay silang tumingin sakin.

"Ang ganda ng pangalan mo. Paano ba ispelling?" Tanong nung babae na nasa harapan ko.

"K dash l e e." Tumingin sila sakin na parang naamaze sa sinabi ko.

"May dash talaga pag sinusulat mo ang pangalan mo?" Umiling ako. "Kakaiba. I like it! Ako nga pala si Zamantha Dela Cruz." Sabi muli nung babae na nasa harapan ko.

"Ako si Kendall Payumo. I really like your name, K-Lee." Sabi nung babae na katabi ni Zamantha.

"Ako naman si Justine Leonen. Ang ganda ng fashion taste mo. Saan ka nagsho-shopping?" Sabi nung babae na katabi ko.

Kilala ko ang mga pamilya nila. Ang Dela Cruz Clan ay more in Casinos and Hotels. Sabi rin ng iba, madalas nagdadaya ang mga Dela Cruz para lang makuha ang gusto nila. Alam ko masama manghusga pero kutob ko na isang brat itong si Zamantha. Just stating from her family background. Ang Payumo Clan ay more in furniture and department stores. Hindi masyado silang kilala sa business industry pero isa rin sila competitor kaya kilala ko. At ang mga Leonen Clan. More in fast food chains sila. May nakilala akong Leonen noon sa isang business opening pero ewan ko lang kung kilala niya.

"Salamat. Actually, boyfriend ko ang nagpili ng outfit ko." Muli, naamaze sila sa sinabi ko. "By the way, may kakilala ka bang Leonardo Leonen?"

"Oo naman. Tatay ko yun. Paano mo siya nakilala?" Nacurious si Justine.

"Sa isang business opening." Ngumiti ako.

"Balik tayo sa sinabi mo. Boyfriend mo talaga ang pumili ng outfit mo? Bakla ba siya noon?" Gulat na tanong ni Kendall. Napatawa nalang ako. Sa laki ni Kier ay naging isang bakla noon? Malabo!

"Hindi siya bakla. Conservative lang. Ayaw niya kasi may mambastos sakin." Napa-aw sila. Alam ko namang napakasweet ng boyfriend ko. At nagpapasalamat ako dahil naging boyfriend ko siya.

"Anong pangalan ng boyfriend mo?" Tanong ni Zamantha.

"Kier." Matipid kong sagot. Hindi ko na sinabi ang apelyido niya dahil kilalang kilala siya sa business industry at isa siya sa mga Top 10 Eligible Bachelors ng Pilipinas. At pag binanggit ko yung apelyido niya, alam ko pipilitin nila ako makilala siya. Selfish na kung selfish pero may karapatan ako. May karapatan ako dahil girlfriend niya ako. Pwede ako magdamot dahil akin siya.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon