Umalis muna si Kier dahil may aasikasuhin pa siya sa opisina niya. Pero babalik siya mamayang tanghali para makilala yung tatlo. Kinakabahan ako pag nagkakilala sila. May kumatok sa pinto at agad ako tumakbo para buksan iyon. Laking gulat ko dahil halos pare-parehas kami ng suot. Napatawa kaming apat. Tulad ng sinabi ko noon, marami kaming similarities. Pinapasok ko sila at dumiretso kami sa salas.
"Mag-isa ka lang ba dito?" Tanong ni Justine. "Nasaan ba ang pamilya mo?"
"Nasa bahay namin. Bahay 'to ng boyfriend ko."
"Talaga? Live in na kayo ng boyfriend mo?" Gulat na tanong ni Kendall.
"It's a long story." Sagot ko. Buti naman di sila nagtanong kung bakit. Kasi hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Nasaan ang boyfriend mo?" Sabi ni Zamantha habang paikot-ikot yung tingin niya sa paligid.
"Nasa opisina pero uuwi rin siya mamaya."
"Ano oras siya pupunta dito?" Tanong niya muli.
"Mamayang tanghali."
The usual pangbabae chikahan. Pero nakapagtaka dahil ni minsan di nila ako tinanong kung anong apelyido ni Kier. Alam na kaya nila? Hindi siguro kasi kung oo, dapat marami silang tanong tungkol sa kanya. Mabilis dumaan ang oras. Tanghali na at narinig ko bumukas yung pinto. Narito na si Kier. Bumilis tuloy yung tibok ng puso ko.
"Babe, I'm home." Tawag ni Kier.
"Na-nandito kami sa salas." Habang palakas na palakas yun footsteps niya, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Nung nakita na namin siya, lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. "Well, ayan na ang mga kaibigan ko. Wag ka na magtatampo."
"Hindi naman ako nagtatampo." Inakbayan ako ni Kier.
"Oh my gosh! K-Lee, bakit di mo sinabi na si Kier Magpantay ang boyfriend mo?" Gulat na sabi ni Zamantha.
"Sinabi ko sa inyo na si Kier ang boyfriend ko ah."
"Pero hindi mo sinabi na isa siyang Magpantay." Hindi ko alam kung bakit binibig deal ni Zamantha ang pagiging Magpantay ni Kier. Lumapit siya samin este kay Kier. "Ako nga pala si Zamantha Dela Cruz."
Nagshake hands sila ni Kier. Hindi ko gusto yung ngiti ni Zamantha. Para bang gusto niya magseduce ng tao. Lumapit na rin sina Kendall at Justine.
"Hello ako si Justine Leonen." Nagshake hands sila ni Kier. Kay Justine wala naman akong problema dahil alam kong down to earth siya. At mukha naman siyang inosente.
"Ako naman si Kendall Payumo." Nagshake hands rin sila ni Kier.
"Payumo? Kilala mo ba si Kenrick Payumo?" Tanong ni Kier.
"Oo. Kuya ko siya. Paano mo siya nakilala?" Ngiting ngiti si Kendall.
"We used to play poker together."
"Oh, you play poker. We should challenge at my family's main casino sometimes." Biglang singit ni Zamantha.
"Pasensya na pero tumigil na ako. Ayaw kasi ng girlfriend ko." Hinalikan ako ni Kier sa ulo.
"Such a waste." Umiba yung tono ng boses ni Zamantha.
"Well, I'm very happy to meet you guys. Thank you for making my girlfriend really happy and thank you for being a true friend to her. For that, I bought sushi for all of us. Tara lets eat."
Pumunta kaming lahat sa kusina. Siniguro ko na si Kier ang nasa dulo para ako lang ang katabi niya. Nagshare kami ni Kier ng isang pack ng sushi. Sinusubuan niya rin ako. Di ko gusto dahil nahihiya ako sa mga kaibigan ko. Pero mapilit si Kier kaya nakuha niya ang gusto niya.
"Ilang months na kayo magkatipan?" Tanong ni Justine.
"Dalawang buwan na and still counting." Proud na sabi ni Kier.
"Ang sweet niyo talaga. Bagay na bagay kayo." Complement ni Kendall.
"K-Lee, bakit di mo siya isama sa friday? Para mapanuod ka niya." Suggestion ni Zamantha.
"Ano meron sa friday babe?" Tumingin sakin si Kier.
"Acquaintance party namin sa Friday at magsasayaw kaming apat. Punta ka kung wala kang gagawin sa opisina sa Friday."
"Kahit may gagawin ako, pupunta pa rin ako. I wouldn't miss it for anything."
Napa-aw yung dalawa na sina Kendall at Justine sa sinabi ni Kier. Pagkatapos namin kumain, bumalik kami sa salas at nagkakwentuhan kaming lahat. Kahit papaano, nagenjoy ako. Kinabahan ako sa wala. Mapagkakatiwalaan ko naman sila. We were just people hanging out like friends. Alas-singko na nakauwi yung tatlo.
"Ang bait naman ng mga kaibigan mo."
"At mas maganda sila kaysa sakin." Humarap sakin si Kier at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Hindi kaya. Your the most beautiful young lady in the whole universe." Niyakap ako ni Kier. Him and his sweet words always makes me feel better.
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomancePaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...