Naguguluhan ako kay Kier. Nung nakaraang linggo lagi siya nagpapakita sakin ng mixed emotions. Una ang sweet niya sakin tapos mamaya hindi niya ako pinapansin. Hindi ko alam kung ano gusto niyang iparating sakin. Pero napapansin ko rin, laging nagbubulungan yung dalawa. At ngayon laging may kausap si Kier sa cellphone at laging wala. Parati nalang kaming dalawa ni Caleb ang naiiwan sa bahay. Minsan ako lang ang naiwan dito. Pakiramdam ko may binabalak yung dalawa. Hindi ko lang malaman kung ano.
"K-Lee!" Sigaw ni Caleb mula sa sala. "Halika dito!"
Tumakbo ako papunta sa sala at natanaw ko si Caleb nakaupo sa sofa habang nanunuod ng tv. Akala ko kung napapano siya. Bwisit siya. Kumuha ako ng unan at binato ko kay Caleb.
"Bwisit ka. Akala ko kung napapaano ka." Naiirita kong sabi. Tinawanan niya lang ako.
"Tara, labas tayo." Nilapitan niya ako at hinawakan niya ang mga kamay ko. "Wag kang mag-alala, nagpaalam na ako kay Kuya Kier. Alam niya na magda-date tayo."
"Sabi mo yan ha. Baka mamaya pag-uwi natin papagalitan niya ako."
"Hindi yan. Magbihis ka na. Go." Pagtalikod ko hinampas niya pwet ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Kung hindi ko lang siya best friend baka nabugbog ko na siya.
***
Sumakay kami sa Chevrolet Corvette Stingray ni Kier. Ito ang pinapahiram niya kay Caleb hanggang nandito pa siya sa Pilipinas o hanggang wala pa siyang kotse. Napakaspoiled talaga ni Caleb sa kuya niya. Pumunta kami sa SM North. Pagpasok pa lang namin sa loob, halos lahat ng atensyon ng mga tao nasa amin ni Caleb. Okay, medyo awkward.
"Bakit sila nakatingin satin?" Bulong ko kay Caleb habang naglalakad kami.
"Ewan ko. Hayaan mo na sila."
"Pumunta nalang tayo sa ibang mall. Hindi ako kumportable." Hinihigit ko si Caleb paalis pero walang talab sa kanya.
"Hayaan mo na." Hinigit niya ako at naglakad muli kami. "Teka, nakalimutan ko yung wallet ko sa kotse. Umuna ka na sa Digital Theater at susunod ako."
Bago ako makaangal tumakbo na siya palabas ng mall. Freakin Caleb iniwan ako mag-isa. Naglakad nalang ako patungo sa Digital Theater kahit ilang na ilang ako dahil sa mga tao narito. Pagsakay ko sa escalator, yung mga tao na nasa kabilang escalator nagsisiabot sila ng red na rosas sakin. Hindi naman Valentines day ah. Sa dulo ng escalator, may isang babae nagabot sakin ng malaking teddy bear na kulay pink.
"Salamat ate. Pero kanino galing 'to?" Tanong ko sa babae. Pero hindi niya ako pinansin. Sumakay siya sa escalator pababa. Ang bastos ah. Di man lang ako pinansin.
On my way to the Digital Theater, may mga tao in a straight path nagsiabot ng mga daisy sakin. Sa daming bulaklak na hawak ko, mukha akong magtitinda ng bulaklak sa panabe. Pagpasok ko sa loob ng Digital Theater may mga bata nagsalubong sakin. Nakaporma sila na parang mga flower girls. May hawak rin silang basket na may mga flower petals.
"Ate sumunod ka po samin." Sabi ng isa sa mga flower girls.
Tumango nalang ako. Habang naglalakad kami, konti konti hinahagis nila ang mga flower petals. Para akong magpapakasal. May isang silya sa gitna ng pathway at doon nila ako pinaupo. Tumingin ako sa stage pero walang ilaw. At wala ring tao sa paligid. I smell something fishy. Pagkaalis ng mga bata, nagkailaw sa stage. Nakita ko si Kier sa stage at may hawak siyang mic.. Omg, kakantahan niya ba ako? Siya pala ang may pakana nito. Pigil ngiti K-Lee. Baka mahalata ka.
"Wag kang magexpect na haharanahin kita dahil hindi ako singer. Pero isa akong dancer at inaalay ko ang sayaw na 'to para sayo. Sana magustuhan mo K-Lee Guzman." Kumindat siya bago nagsimula sumayaw.
Grabe sa intro pa lamang, halatang ang galing niyang sumayaw. Ang galing niyang mag break dancing. Ang hirap talaga magpigil ng ngiti. Hinarangan ko yung labi ko gamit ang mga rosas. Pagkatapos niyang sumayaw, dumaan si Caleb at naglagay siya ng rosas sa bibig ni Kier. Napatawa nalang ako. Tumayo si Kier at pinuntahan niya ako sabay binigay niya sakin yung rosas at hinalikan niya ang kamay ko. Akala ko tapos na pero tumakbo si Kier pabalik sa stage.
"K-Lee Guzman, hindi mo alam kung gaano kalakas ang epekto mo sakin." Biglang umilaw yung screen. Isang slideshow na puro stolen pictures ko. "Noon nung wala ka pa sa buhay ko, wala akong kwentang lalake. Wala akong silbi. Laging nag-iinom, laging nagpapaiyak ng babae at laging ginagawa ang bawal. Masasabi ko talaga isa akong demonyo noon. Pero nung dumating ka sa buhay ko, nagbago ang lahat. Lahat ng nagawa ko noon, hindi ko na ginagawa ngayon. Wala na akong bisyo, hindi ko na pinaglalaruan ang mga babae at naging matino ako. Pero lahat ng yan ay dahil sayo. Nagbago ako dahil sayo. You made me a better person. And for that, I'm giving you my heart. Will you make my days happier and be my girlfriend?"
Tumayo ako at inilagay ko muna yung mga hawak ko sa silya. Naglakad ako papunta sa stage at tinulungan niya ako umakyat. Kinuha ko yung mic sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Kier Magpantay, it would be my pleasure to be your girlfriend and make your days happier." Niyakap niya ako na napakahigpit.
"I love you." Paulit-ulit niya binubulong sa tainga ko. Music to my ears and food to my heart.
"I love you too, Kier Magpantay."
BINABASA MO ANG
You're My Property
Любовные романыPaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...