Ala-una na ng madaling araw pero wala parin si Kier. Nandito kami ni Caleb sa sala nag-aantay sa pagdating ni Kier. Sinubukan namin tawagan si Kier kaso hindi niya ito sinasagot. Nag-aalala kami ni Caleb sa kanya. Nasaan na kaya siya? Hindi ako mapakali dito. Paano kung naaksidente siya? Paano pag nahold-up siya? Nako, Kier nasaan ka na ba?
"K-Lee, umakyat ka na at matulog. Ako na maghihintay kay Kuya." Hinawakan ako ni Caleb sa magkabilang balikat.
"Hindi, maghihintay din ako."
"Pero marami kang gagawin mamaya. Ayokong mapagod ka."
"Wag mo na akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko." Ngumiti ako para mapanatag si Caleb. Tinititigan niya ang mga mata ko. Nagdadalawang isip pa siya kung hahayaan niya ako o hindi. "Please Caleb."
Napabuntong-hininga siya. "Fine. Pero pag hindi mo na kaya, umakyat ka na sa taas."
Magsasalita sana ako nang bumukas yung pinto at isang lasing na Kier ang bumungad samin. Agad-agad nilapitan namin si Kier para alalayan siya. Inakyat namin siya sa kwarto niya at hiniga siya sa kama. Tumakbo ako papunta sa kusina at naglagay ng malamig na tubig sa timba at kumuha ako ng face towel. Pagbalik ko sa kwarto ni Kier, nilagay ko yung timba malapit sa kama niya.
"Umalis ka K-Lee. I don't want you to see me like this." Tumalikod sakin si Kier.
"Hindi. Tungkulin ko pagsilbihan ka. At kasama na doon ang alagaan ka. Kaya sorry Kier, pero hindi ako aalis dito."
"K-Lee, matulog ka na. Ako na mag-aalaga kay Kuya. Sige na." Tinatayo ako ni Caleb. Tiningnan ko muli si Kier pero nakatalikod parin siya sakin. Nung tatayo na ako, hinawakan ni Kier ang braso ko.
"Hindi, tama siya. Responsibilidad niya alagaan ako. Kaya umalis ka na Caleb at matulog ka na." Nagulat kami pareho ni Caleb sa sinabi ni Kier.
"Pero kuya..."
"Umalis ka na. K-Lee, isarado mo na yung pinto at buksan mo yung aircon." Tumalikod muli si Kier.
"Sige na Caleb, matulog ka na." Hinatid ko siya sa labas ng kwarto. "Good night Caleb."
"Good night K-Lee." He said sadly. Sinarado ko na yung pinto at binuksan ko yung aircon.
"Fuck! Ang init!" Pagtingin ko kay Kier, shirtless na siya at nakaboxer lang. Nakaramdam ako ng init mula sa pisngi ko. He just devirginized my eyes. "K-Lee! Susuka ako!"
Nagmadali ako alalayan siya at dalhin sa banyo. Yakap yakap niya yung toilet bowl habang sumusuka. All I could do was pat and rub his back. Napapasuka rin ako dahil sa amoy pero pinipigilan ko lang. Ayoko makipagsabayan sa kanyang sumuka. Nung natapos na siya, flinush ko yung toilet at inalalayan ko siya pahiga sa kama niya.
Nilublob ko muna yung face towel sa malamig na tubig bago ko pinatong sa ulo ni Kier. Habang nakapikit si Kier, pinagmamasdan ko ang mukha niya. Ang haba ng pilik niya. Matangos ang ilong at mukhang malambot ang labi niya. Ang seductive ng jaw line niya. Napatingin naman ako sa mga tattoo niya. Ano kaya ang meaning ng bawat tattoo niya?
"Baka matunaw ako." Napatingin ako kay Kier at nakasmirk siya sakin.
"S-sorry. I was just curious about your tattoos."
"Curiosity kills the cat you know. It would be a shame if you'll be killed." Hindi ko alam kung tinatakot niya lang ako o ano. Pero hinayaan ko nalang siya. Ganun talaga ang ugali niya eh. "Aw shit!"
"Bakit Kier?" Napapikit si Kier at mukhang nasasaktan siya. Natataranta tuloy ako. "Anong masakit?"
"Yung ulo ko. Fuck!"
Umupo ako sa head ng kama and I postured myself like the eastern sitting. Naglagay ako ng unan sa mga binti ko at inihiga ko yung ulo ni Kier sa unan. Binalik ko muna yung face towel sa timba. Naglagay ako ng Vics sa dulo ng pointer at middle finger ko at minasahe ko yung temple ni Kier. It seemed to ease his pain.
"Bakit ka kasi nagpakalasing? Ayon tuloy masama ang pakiramdam mo." I said with a mix of concern and furiousness evident in my voice. Hindi ako natutuwa sa pinaggagawa niya.
"Kasi nagselos ako sa inyo ni Caleb." Napatigil ako.
"B-bakit?" Nauutal kong sabi.
"Kasi pinapasaya ka niya. Iba ang tawa mo tuwing pinapatawa ka niya. Iba ang ngiti mo tuwing kasama mo siya. Nagseselos ako sa kanya kasi mas gusto mong makasama siya kaysa sakin." Tumingin siya sa mga mata ko. "Hindi mo lang alam kung gaano ko gusto agawin ka sa kanya. Tuwing magkatabi kayo gusto ko pumagitna sa inyo. Tuwing magkasama kayo, gusto lang kita ilayo sa kanya. Kasi madamot ako. Madamot ako pagdating sayo. Ayokong may kahati sayo K-Lee. Gusto ko akin ka lang."
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Tatanungin ko siya sana kung anong ibig niyang sabihin nang itulak niya ang likod ng ulo ko palapit sa kanya. And right before my eyes, our lips met. Again. It took a few seconds before I started to response to his kisses. Hindi ko alam kung bakit lagi ako nagre-response. Bakit di ko nalang siya itulak palayo? Ibig ba sabihin gusto ko rin siyang halikan? No. It can't be. Dahan-dahan kumawala ako sa halik namin. Nakapikit parin siya pero nakangiti.
"Good night K-Lee." Dahan-dahan umalis ako at inihiga ko yung ulo ni Kier sa unan.
Binalik ko yung timba sa kusina. Kumuha ako ng isang aspirin at nagtimpla ako ng apple juice. Nilagay ko ang mga iyon sa side table ni Kier. Hinalikan ko ang noo niya bago ako umalis. Good night, Kier. Sweet dreams.
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomancePaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...