"Maraming salamat Caleb sa pagkupkop sakin. Salamat na rin sa inyong apat. I appreciate everything you guys have done for me." Isa-isa ko hinawakan ang mga kamay nila. "Sabihin niyo nalang sakin kung paano ako makakabawi sa inyo."
"Basta dadalaw ka pag minsan minsan. Mga dalawa o tatlong beses sa isang linggo. Hindi pwede hindi." Pabebe sabi ni Denver.
"Oo nga. Dapat pag dadalaw ka rito, mago-overnight ka." Pagsang-ayon ni Vince.
"Subukan mo lang hindi dumalaw, kami ang pupunta sa inyo at kikidnapin ka namin. Hindi kami nagbibiro K-Lee." Pagbabanta ni Chris.
"Mamimiss ka talaga namin Prinsesa K-Lee. Wala na mag-aalaga at magpapatawa samin." Niyakap ako ni Jasper. "Ingatan mo ang sarili mo. Basta pag sinaktan ka niya ulit, hindi na kita ibabalik sa kanya. Tandaan mo, may naghihintay sa pagiging single mo muli."
"Salamat Jasper. Mamimiss ko rin kayo." Isa isa ko sila niyakap at nagkaroon pa ng iyakan. Masyado naging emotional yung atmosphere. "Ano ba kayo. Ayon tuloy umiyak na ako. Nakakainis kayo."
Nagtawanan pa kami kahit umiiyak na kami. Ang weird talaga namin. Mamimiss ko talaga ang mga lalakeng na 'to. Sila ang naging lakas ko nung nanghina ako sa misunderstanding noon. Maninibago ulit ako.
"Tara na, K-Lee. Baka pigilan ka pa nila." Kinuha ni Caleb yung mga gamit ko at umuna na sa kotse. Nagpaalam ulit ako sa apat bago ako umalis. Hindi ko alam kung bakit tahimik si Caleb sa biyahe. He's not usually like this. "Bakit ganyan ka makatingin sakin?"
"Alam ko kasi may gumugulo sa isipan mo. Kaya sabihin mo na." I sighed.
"Ikaw kasi. Ginugulo mo na naman yung isip ko."
"Bakit ako? Ano ba ginawa ko?" I looked at him confusedly.
"Wala. Basta pag sinaktan ka niya, magdalawang isip ka muna bago mo ko tawagan. Kasi pag sinundo kita, di na kita ibabalik sa kanya kahit anong pilit niyo." Medyo natakot ako sa tono ng boses niya. Bakit napakaseryoso niya ngayon? "Iingatan mo ang sarili mo ha. Ayokong mapahamak ka."
Hinawakan niya ang kamay ko. Even though he is scaring me with his serious tone, I could tell he is very sincere. Siguro sobrang nag-aalala sakin si Caleb kaya gayon siya magsalita ngayon. Malaki ang pagpapasalamat ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad ni Caleb. Since day one, he's been true and sincere to me. Siguro siya na ang nag-iisa kong tunay na kaibigan.
Nagpahatid ako hanggang kanto. Medyo nag-aalinlangan pa ako dahil natrauma ako. Kaya habang naglalakad ako papunta sa front door, nanginginig ang mga paa ko. Sana hindi ako yung masurpresa ngayon. Dumiretso ako sa kwarto ni Kier since hindi ko siya nadtnan sa sala o sa kusina. Nanginginig yung kamay ko habang dahan-dahan ko binubuksan yung pinto. To my relief, wala akong nakita sa kama ni Kier. Nakita ko bukas yung pinto sa banyo niya, kaya doon ako dumiretso. Nakita ko siya, nakita ko ang Kier ko. Binaba ko yung bag ko.
"K-Lee." Halata sa tono ng boses niya na nagulat siya makita ako. "Anong ginagawa mo dito?"
Walang alinlangan, nilapitan ko siya at niyakap nang napakahigpit. My tears fell smoothly down my face. The same goes for Kier since I could feel his tears on my shoulder. We were longing for each other. Namiss ko 'to. Namiss ko siyang yakapin. Namiss ko yung presence niya. Namiss ko siya.
"I'm sorry Kier. I'm sorry for not letting you explain. I'm sorry for not listening to you. I'm sorry for judging you. I'm sorry for not trusting you. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for everything that I have done. It's all my fault. I'm so hopeless." I said in between my sobs.
"Ssh. It's not your fault so don't blame yourself. Just promise me you won't leave me again. Because I swear, I'll die if you leave me K-Lee." Hinaploas niya ang buhok ko.
"I promise, Kier.
He cupped my face and kissed my forehead. "I'll take a shower then I'll help you unpack your things. Okay?"
I nodded. "Okay."
"I love you K-Lee."
"I love you too, Kier."
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomancePaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...