Chapter Twelve

5.1K 131 0
                                        

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ayaw mawala sa isip ko yung nangyari. Nakakaleche! Kahit papaano, gusto ko makaiwas kay Kier. Ayoko siya muna makausap, makakita o makasalubong. Hindi ko alam kung anong mukha ihaharap ko sa kanya. Nasa library ako ngayon nagtatago. Madalang lang siya pumunta dito kaya sigurado ako na hindi ko siya makakasalubong.

"Hoy!" Napatalon ako sabay hawak sa dibdib ko.

"AYPEPENGLIBRARY! Ano ba Kier?!" Tumawa nang tumawa si Kier. "Hala pagtawanan mo ko. Bahala ka nga dyan!" Aalis na sana ako kaso hinawakan niya kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin at agad-agad kumawala ako sa hawak niya. "Ano ba kailangan mo, Kier?" I crossed my arms.

"Magbihis ka dahil paalis tayo." Seryoso niyang sabi. "Hihintayin na kita sa pathway." Sabay umalis na siya. Biglang nagiba ang mood niya. Kanina lang maligaya siya tapos ngayon biglang seryoso. Ang bilis niya magshift ng moods.

***

The whole ride to the airport was very weird. Ang tahimik naming dalawa. Yung radyo lang ang tanging maingay sa loob ng kotse. Pero sinubukan niya naman akong kausapin. Matipid lang ako sumagot kaya siguro hindi na siya nagtry ulit. May susunduin ata si Kier dito sa NAIA. Gusto ko sana magpaiwan nalang sa loob ng kotse kaso di siya pumayag. Baka daw masuffocate ako. Mas gusto ko iyon kaysa makalanghap ng polluted air.

"Dito ka muna. Babanyo muna ako." Pagpapaalam ni Kier. Tumango nalang ako.

Sino kaya susunduin namin dito? Tatay siguro o kaya Nanay. Baka nga kamag-anak. Paano pag isa lang sa mga chicks niya? Maawkwarduhan talaga ako pag isa sa mga chicks ni Kier ang kasama namin. Ano kaya ang mga tipo ni Kier? Sa tingin ko, gusto niya ang mga wild and sexy. Napatingin ako sa katawan ko. Hindi ako sexy pero hindi rin ako mataba. Bakit ba ako naiinsecure sa sarili ko?

"K-Lee? Ikaw na ba yan?" Lumapit yung lalake sakin. Parang familiar siya sakin. Parang nakita ko siya dati. Hindi ko lang matandaan. "Ikaw nga! K-Lee, ako 'to. Ako si Caleb. Childhood best friend mo. Naalala mo pa ba ako?"

"Caleb? Oh my gosh Caleb!" Niyakap ko siya. "Grabe! Namiss kita."

"Namiss rin kita K-Lee." Humiwalay kami. "Anong ginagawa mo dito? Sino hinihintay mo?"

"Well actually..." Di ko natapos yung sasabihin ko dahil dumating si Kier at nagfist hug sila.

"Sa wakas nandito ka na utol." Utol? Magkapatid sila? Kaya pala familiar sakin yung apelyido ni Kier. "Caleb, ito nga pala si K-Lee. Kasama ko siya."

"Kilala ko na siya kuya. Childhood best friend ko siya." Inakbayan ako ni Caleb. "Teka, paano kayo magkakilala?"

"Uhh...tara na. Nagugutom na ako." Hinigit ko si Caleb pabalik sa kotse ni Kier at umupo kami sa backseat.

Sumunod rin samin si Kier pero umupo siya sa driver seat. Sino pa ba ang magmamaneho kundi siya lang diba. Hindi ko alam kung paano ko masasabi kay Caleb na alipin ako ng Kuya niya. Parang nahihiya ako. Baka kung ano pang isipin niya tungkol sakin.

"So paano nga kayo nagkakilala? I'm so interested to find out." Shit!

"Well...ano kasi." Napakamot ako sa ulo.

"Alipin ko siya." Seryosong sagot ni Kier.

Tumingin sakin si Caleb at napayuko nalang ako. Nahihiya ako ipakita ang pagmumukha ko sa kanya. The little girl who used to play family with him is now her brother's slave. Twisted plot huh.

"P-paano?" Shock was evident in his voice.

"Naglaro sila ng poker ni Tatay. Ako yung pinusta ni Tatay at alam mo na. Natalo siya kaya ayon. Alipin ako ng kuya mo." I said with full of shame.

"For how long?"

"Three months."

"Saan ka ba natutulog? Sa bahay ni Kuya?"

"Oo." Nagitla ako dahil inangat ni Caleb yung baba ko.

"Okay ka naman?"

"Oo." Sinusubukan ko itago ulit ang mukha ko pero lagi niya inaangat.

"Bakit ka ba umiiwas?" I heard sadness through his voice.

"Nahihiya kasi ako." He cupped my face and showed me a sweet smile.

"Don't be. Hindi naman magbabago ang tingin ko sayo. Ikaw parin ang piggy mommy K-Lee ko." I chuckled.

"Piggy mommy? Psh. Gay." Bulong ni Kier pero narinig ko parin. Pero hindi ata narinig ni Caleb.

"Sira ulo ka talaga." Hinampas ko si Caleb sa balikat. "Bakit pala naisipan mo bumalik dito sa Pilipinas?"

Si Caleb at ako ay magbest friend mula prep hanggang grade six. Lagi kami magkasama, lagi kami magkaklase, at lagi kami naglalaro ng bahay-bahayan kahit ako lang ang may gusto. Pero nagbago ang lahat dahil umalis siya sa bansa kasama ang pamilya niya. Ayaw niya sana akong iwan pero ayaw na rin niya mapahiwalay sa pamilya niya. Kaya family first. Hindi naman ako nagalit sa kanya. Kasi yan din ang pipiliin ko kung ako ang nasa sitwasyon niya. Ang mahalaga naman ay bumalik siya.

"Kasi dito na ako mag-aaral. Kasama ka. Di na muli tayo magkakahiwalay." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Let's see about that." Bulong muli ni Kier. Lagi nalang may sinasabi.

"Anong sabi mo Kier?" Nagtaas ako ng kilay.

"Wala!" Naiirita niyang sabi.

"Hindi. Alam ko may sinabi ka. Kaya sabihin mo na." Naiirita na rin ako.

"Tss. Sabi ko nakakarindi kayo. Kaya kung maaari, manahimik kayong dalawa." Nilaksan niya yung radyo.

"Hayaan mo na si Kuya. Lagi siyang hot-headed." Bulong sakin ni Caleb and he patted my knee.

Tumango nalang ako. Nakakainis naman si Kier. Ilang taon di kami nagkita ni Caleb at hindi niya nalang kami hayaan magcatch up. Such an insensitive jerk. Ano bang problema niya. Hindi ko siya maintindihan. Napakagulo niyang tao! Teka! Bakit ko ba siya pinoproblema? Ano bang paki ko sa kanya? Ayon tuloy, naguguluhan na ako sa sarili ko. Leche ka Kier Magpantay.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon