Chapter Twenty Three

3.3K 86 4
                                    

Simula nung kinausap ako nung tatlo, lagi kaming magkasama. Nung unang linggo ng pasukan, lagi si Kier ang kasama ko tuwing tanghali. Pero ngayon, silang tatlo lagi ang kasama ko. Nakakatuwa dahil may mga similarities kami sa isa't-isa. Kaso lagi nagseselos si Kier. Because I'm spending more time with them rather than spending time with him. Nababawasan rin ang bonding time namin. Ang agap ng pasok ko sa umaga, hindi na kami sabay kumakain ng tanghalian, kung hindi siya overtime sa opisina ako naman yung overtime sa pagrereview o kaya tulog na. Madalas kasi natutulog ako pag alas-otso na at ang uwi niya galing sa trabaho ay alas-nuebe. But since second monthsary namin ngayon, tinanggihan ko muna yung tatlo para makasama ko si Kier kumain ng tanghalian. Speaking of Kier, nandito na siya para sunduin ako. Sumakay ako sa kotse niya sabay hinalikan ko siya sa pisngi.

"Hello bebe, happy monthsary satin." Masigla kong bati.

"Well hello beautiful lady, you ready to eat lunch with someone handsome like me?" He smirked.

"Nawalan ako ng gana. Sige, bababa na ako." Bubuksan ko na sana yung pinto ko nang pigilan ako ni Kier.

"Walang bawian." Agad niya rin pinaandar yung kotse. Pumunta kami sa isang restaurant na di kalayuan sa school. Umupo kami sa window view. Si Kier na ang umorder para samin dalawa. Habang hinihintay namin yung order, nagca-catch up kami. Halos tatlong linggo di kami nagkakausap. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. "Kamusta ka na? Kamusta ang pag-aaral mo?"

"Okay lang ako. Medyo haggard ang pagre-review at ang mga exam. Pero kaya ko naman. Ikaw, kamusta ka na? Kamusta ang negosyo mo?" Hinawakan ko yung kamay niya na hawak yung isa kong kamay.

"Okay lang ako, okay rin ang business. Actually, our stocks are getting higher each week. Nakakagulat dahil sunud-sunod ang swerte ko. Siguro ikaw ang lucky charm ko." Napangiti ako. "Kaso lang laging walang oras ang lucky charm ko para sakin. Lagi niya inuuna ang barkada kaysa sakin. Pero naiintindihan ko naman siya. Mas mahalaga kasi ang barkada niya kaysa sakin." Nawala yung ngiti ko.

"Kier, hindi yan totoo. At alam mo naman yan. Ang dahilan kung bakit lagi sila ang kasama ko kasi first time nagkaroon ako ng tunay nang mga kaibigan. Natutuwa lang ako dahil ang sarap sa pakiramdam na tunay sila at hindi nila ako kinaibigan dahil may pera ako. My whole life was filled with people who only got close to me for my family's wealth. Do you know how that feels? It honestly sucks Kier. I only wanted to replace all my bad memories with the good memories I'm having with them. I'm sorry if you think they're more important to me than you. I'll stop hanging out with them if you don't want me too." Binawi ko ang mga kamay ko at pinatong ko lamang sa mga hita ko.

"Tss." Ginulo niya yung buhok niya. Pumunta siya sa tabi ko at tumingkayad. "I'm sorry babe. Hindi ko intensyon masaktan ka sa sinabi ko. Pero bakit kita pipigilan kung doon ka sumasaya? All I want is for you to be happy, okay? Wag ka na mag-alala sakin. Gagawa at gagawa naman ako ng paraan para makasama lang kita. Kaya magpakahappy ka habang kasama mo sila ha. Ayokong makita kang malungkot."

Bumalik yung ngiti ko. "Salamat Babe. Sorry rin dahil napakaemotional ko. Sige, upo ka na."

Pagkaupo niya, dumating na yung order namin. Bumalik rin kami sa pagiging sweet. Nagsh-share kami ng pagkain at nagsusubuan. Ganito talaga kami kumain.

"Babe, lagi kayo lumalabas ng mga kaibigan mo. Pero ni minsan hindi ko sila nakita at nakilala ng personal. Well I've been thinking since sabado bukas, bakit di kayo magtambay sa bahay?" Napamasid ako sa sinabi niya. Agad niya ako binigyan ng tubig. "Okay ka lang ba?"

"Oo, okay lang ako. Pero bakit gusto mo sila makita o makilala personally?"

"Dahil kaibigan mo sila at pinapasaya ka nila. I want to meet the people who makes my girlfriend really happy." He showed me his innocent smile. I know he is trying to persuade me.

"Ugh, busy sila bukas." Pagpapalusot ko.

"Eh sa linggo?"

"Busy rin sila."

"Sa susunod na sabado?"

"Busy parin." He looked at me skeptically then his face turned sad.

"Hindi mo naman kailangan magsinungaling sakin. Pwede ka naman magsabi ng totoo na ayaw mo. Pero bakit ba ayaw mo? Kinakahiya mo na ba ako? Hindi ka na ba proud sakin?" Malungkot niyang sabi.

"Hindi naman sa ganun babe." Sa katunayan nga, proud na proud ako sa kanya. Ayoko lang niya makita sila dahil naiinsecure ako. Ang baby face ni Justine, malaki ang dibdib ni Zamantha, at maliit ang bewang ni Kendall. Baka may magustuhan siya sa tatlo at iwan niya ako para sa kanya.

"Eh di ano?" Napabuntong-hininga ako.

"Gusto mo ba talaga sila makilala ng personally?" Tumango siya. "Sige. Papupuntahan ko sila sa bahay bukas."

"Talaga? Salamat babe. I love you." Masigla niyang sinabi.

I just showed him a faint smile. Hindi ako excited para bukas. Bakit ba ako pumayag? Pwede ba magback out? Pwede ko ba bawiin yung sinabi ko. No. Let it be K-Lee. Don't let your insecurities get to you. Mahal ako ni Kier at kailangan ko magtiwala sa kanya. Pero yung tatlo? Pwede ba ako magtiwala sa kanila na hindi sila maiinlove sa boyfriend ko? I hope so.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon