Today is the day. Hapon na at magsisimula na ang Acquaintance namin. Si Kier daw ay susunod na lamang. Dahil nga may ginagawa pa siya sa opisina. Kaya si Caleb ang maghahatid sakin sa school ngayon. Hindi niya kasama ang mga kaibigan niya. Hindi ko lang alam kung bakit di niya inakit. Pero manunuod si Caleb.
"Nakita na ba ni kuya yang suot mo?" Tanong ni Caleb.
"Hindi pa." Napatingin ako sa suot ko. "Bakit? Masama ba ang suot ko?"
"Hindi ah. Maganda ka parin. Pero suotin mo 'to pagbaba natin." Inabot niya sakin yung jacket niya. Hindi pa ako nakikita ni Kier na ganito ang suot pero kutob ko magagalit siya. Masyado kasing revealing yung suot ko.
Bago kami bumaba, sinuot ko na yung jacket niya. Dumiretso kamil sa gym kung saan gaganapin ang Acquaintance namin. Sinamahan ako ni Caleb sa backstage. Nadatnan ko agad yung tatlo. Hinigit ko si Caleb palapit sa kanila. Nagbeso beso kami mga babae.
"Guys, ito nga pala si Caleb. Kapatid ni Kier at childhood best friend ko." Pagpapakilala ko kay Caleb sa tatlo.
"Hello Caleb, ako si Zamantha." Nagshake hands sila. Hindi masyadong interested si Zamantha ngayon kaysa noon nung nakilala niya si Kier.
"Hoy, kilala mo parin ba ako? Ako si Kendall Payumo. Kaklase mo noong grade two. Ako yung lagi nakajumper. Yung bata na lagi mong hinihiraman ng lapis." Napatawa kami ni Caleb. Siya pala yung kinukwento ni Caleb sakin noon na batang parang special child.
"Oo, kilala parin kita. Ikaw K-Lee, naalala mo ba ang mga kinukwento ko sayo tungkol sa kanya?" Umiling ako at mas lalong lumakas ang halakhak namin.
"Ikaw ha. Kinukwento mo pala ako sa iba noon." Kung alam lang niya kung ano yung mga sinabi ni Caleb tungkol sa kanya, hindi na siya mafla-flatter.
"Hi, ako nga pala si Justine." Ngumiti si Justine at inaabot niya yung kamay niya kay Caleb. Pero napansin ko di kinukuha ni Caleb yung kamay ni Justine. Napatingin ako kay Caleb at nakatulala siya kay Justine. Napatawa ako sa itsura niya. Love at first sight. Natamaan siya sa baby face ni Justine. Siniko ko si Caleb at nagising siya sa realidad.
"Ako si Caleb." Sa wakas kinuha niya yung kamay ni Justine. At wala ata siyang balak bitawan iyon. Lumipas na ang tatlong minuto pero hawak niya parin. Napapatawa nalang si Justine kay Caleb.
Nagsimula ang MC manawag ng mga groupo na magpe-perform. Naiwan namin sina Justine at Caleb para magkaroon sila ng oras para makilala ang isa't-isa. Kaya kaming tatlo nina Kendall at Zamantha lang ang magkausap ngayon. Pero humiwalay rin ako sa dalawa dahil nagbanyo ako.
Pagbalik ko sa backstage, nakita ko si Kier at hinahanap niya ako. Nilapitan ko siya at hinalikan ko siya sa pisngi. Tiningnan ako ni Kier mula ulo hanggang paa. Naconscience tuloy ako sa suot ko. Napatingin ako sa suot ko. Ayos lang naman ah. Umiling si Kier at nag tss. Oh no, mayroon siya di nagustuhan.
"Uhh..buti nakarating ka." Pero dinedma lang niya yung sinabi ko.
"Sino pumili ng wardrobe mo?" Seryosong wika ni Kier.
"Si..." Naputol yung sasabihin ko dahil sa biglang pagsingit ni Zamantha.
"Ako." Hinawakan niya si Kier sa balikat. "Hayaan mo na siya. Minsan lang siya magsuot ng ganyan. Let her be. Don't be such a kill joy."
He just rolled his eyes at her. Hinawakan ni Kier ang kamay ko at hinigit ako palayo kay Zamantha. Nung solo na kami, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Pagbibigyan kita ngayon. Pero huling beses na ito ha. Hindi ka na pwede magsuot ng revealing na damit. I don't want anyone else looking at your flesh. Your my property kaya ako lang pwede. Naiintindihan mo?" Tumango ako. Narinig ko tinawag ng MC yung pangalan ng groupo namin.
"Kami na ang magpe-perform."
"Sige aalis na ako. Makikipagsiksikan pa ako para mapunta sa harap. Galingan mo ha. I love you."
"I love you too." Hinalikan niya ako bago siya umalis. Hinanap ko yung tatlo. Sabay-sabay kami pumunta sa stage at formation agad.
Pagbukas ng stage light, nagsihiyawan at nagsipalakpakan na ang crowd. Mas lalong lumakas nung nagsimula na kami isayaw yung first song. Nakita ko yung magkapatid sa harap. Nakikisigaw rin sila. Ang lapad ng ngiti ko habang nagsasayaw. Nakakataba ng puso yung cheer ng audience at yung supportive kong boyfriend na kanina pang sumisigaw ng 'girlfriend ko yan! Girlfriend ko yung pinakamaganda!' Sa ending ng second song, sinakto ko pagturo kay Kier sa lyrics. At nakita ko tinuro ni Justine si Caleb. Ang bilis naman nung dalawa magdevelop. Pagkatapos ng performance namin, sumigaw yung audience ng 'isa pa' kaso yan pa lang ang napagpractisan namin. Kaya bumalik kami sa backstage at nabitin yung audience. Di nagtagal dumating yung magkapatid. Lumapit sakin si Kier at may dala siyang bouquet.
"Ang galing mo baby." Binigay niya sakin yung bouquet at hinalikan ako sa noo. "Bakit di mo sinabi sakin na magaling ka rin sumayaw? Sana nagsayaw rin tayo."
"Hindi kasi ako mayabang tulad mo, Mr. Magpantay." Sinuot ni Kier yung polo niya sakin. Binutones niya ang lahat.
"Tara, kain tayo sa labas." Inakbayan ako ni Kier.
"Sige. Tara. Nagugutom na rin ako."
Nagpaalam kami sa kanila bago kami umalis. Mukhang nagkakabutihan na yung dalawa. Well, bagay naman sila. At sa tingin ko, aalagaan nila ang isa't-isa.
"Sayawin mo ulit yung sinayaw niyo mamaya sa kwarto ko. Gusto ko up close at gusto ko suot mo lang yang polo ko." Ang pervert talaga nito.
"In your dreams Kier. Wala pa akong balak maging nanay."
"Bakit? Gusto ko na maging tatay ng mga maging anak natin." Napangiti ako sa sinabi niya.
Kier is already making plans in the future for us. Gusto na niya magbuo kami ng pamilya. So, seryoso na talaga siya sakin. Wala na siyang balak magmahal ng iba. Well, gayon rin naman ako. Seryoso ako sa kanya at wala akong balak magmahal pa ng iba.
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomancePaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...