Nagising ako nang may maramdaman ako na malamig na tubig sa noo ko. Pagmulat ng aking mga mata, mukha ni Sir Kier ang bumungad sakin. May nilagay siyang malamig na face towel sa noo ko. Uupo sana ako kaso pinigilan ako ni Sir Kier.
"Sir Kier, bakit po kayo nandito? Ano po nangyari?" Tanong ko.
"Tatawagin sana kita para gawin ang mga chores mo kaso pagdating ko dito nakita kita nanginginig sa lamig. Pagkahawak ko sayo, umaapaw ka sa init. Kaya nilagyan ko ng malamig na basahan yung noo mo. Wag kang mag-alala, sa lamesa ko yun nakuha."
Sweet sana kaso sumablay sa pamunas. I rolled my eyes at him. Hindi ko alam kung dapat ba ako magpasalamat o mainis dahil ginamit niya yung basahan.
"Okay na po ako Sir. Sige po gagawin ko na ang mga tungkulin ko." Babangon sana ako kaso pinigilan niya ako ulit.
"Magpahinga ka nalang ngayon. Bukas ka nalang magtrabaho." Seryoso niyang sabi.
"Pero Sir..."
"K-Lee!" Suway niya sakin.
"Sige na nga." Binaliktad ko yung basahan.
Bigla nalang lumabas si Sir Kier sa kwarto ko. Nabored na siguro. Nung akala ko di na siya babalik, bumalik siya at may dala pa siyang hawong. Pinaupo niya ako at akmang susubuan niya ako ng lugaw. Pero pinigilan ko siya. Medyo awkward kasi.
"Sir Kier, kaya ko po kumain mag-isa." Kahit hindi ako sigurado kung kaya ko pa magbuhat. Nararamdaman ko pa kasi yung kirot sa braso ko.
"Ako na. Baka bumalik pa yung sakit mo. Magpahinga ka nalang okay." Mahinahon niyang sabi.
Tumango nalang ako at ngumanga tuwing palapit yung kutsara. Medyo naiilang ako. Di ako sanay sa pakikitungo niya sakin ngayon. Halos isang linggo niya ako tinotorture tapos ngayon inaalagaan niya ako. Ano kaya nakain niya?
Pagkatapos niya akong pakainin, kumuha siya ng ice bag at nilagay niya sa mga pasa ko. Napasigaw ako dahil sa sakit. Pero sabi niya tiisin ko nalang dahil sign yun na gagaling ako. Pero dahil sa biglaan niyang lagay ng ice bag sa mga pasa ko, may mga kalmot siya sa mga bisig niya. Nagsorry naman ako. Tahimik lang kaming dalawa. Ngayon ko lang narealize malungkot pag mag-isa lang dito.
"Sir Kier, nasaan ba ang pamilya mo?" Bigla kong tanong.
"20 na ako. I don't live with them anymore. Pero nasa Manhattan sila ngayon."
Nagulat ako dahil sinagot niya ang tanong ko. Inexpect ko kasi pipilosopohin niya lang ako o dedma lang. Kaya nakakagulat din. For a 20 year old, he is very wealthy. And very wise at playing poker. Alam kaya ng mga magulang niya kung anong pinaggagawa nito sa buhay niya?
"Mahal na mahal mo talaga ang mga kapatid mo huh." Nagulat ako sa sinabi niya. "Naikwento kasi yung secretary ni Mr. Guzman sakin kung bakit ka pumayag sa kalokohan ng iyong ama."
"Well sila ang buong mundo ko. Gagawin ko ang lahat para lang sa kanila. Even though it means risking my life." Di ako makapaniwala nago-open ako sa kanya.
"Alright. Tama na ang drama. Baka ako pa ang magkasakit. Ito nga pala, gamot para sa mga pasa mo. Gamitin mo ito araw-araw at mawawala yan paglipas ng isang linggo." Nilagay niya yung gamot sa night stand ko.
"Salamat po Sir Kier." Ngumiti ako.
Nakita ko nagulat siya pero agad niya rin binawi. "Sige magpahinga ka na. Aalis na ako."
"Salamat po ulit Sir Kier."
Tumango nalang siya at lumabas sa kwarto ko. Kahit papaano pala, may puso rin ang halimaw na yan. May good side rin. At may kunsensya. Can you believe it? Isang Kier Magpantay ang nag-alaga sakin. Di parin ako makapaniwala. It's like a beautiful nightmare.
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomancePaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...