Isang linggo na ang nakalipas at di ako makapaniwala na nakatagal ako rito. Sa pagtrato niya sakin at sa mga pinapautos niya, buti't di pa ako nagpapakamatay. But he is killing me slowly. Ang harsh niya kasi mangutos. Nung isang araw, may konting dumi sa pathway, pinalinis niya sakin. Di niya ako pinapapasok sa loob hangga't di pa ako tapos sa trabaho ko. Nung linggo, pinatulog niya ako sa tabi ni Bruno dahil lang nakalimutan kong plantsahan yung polo niya. For a scary guy like him, ang arte arte niya. Daig pa ang babae.
"K-LEE!" Sigaw ni Kamahalan mula sa baba. Pinuntahan ko siya at tinaasan ko siya ng kilay. "Aalis ako. May laro ako buong magdamag. Uuwi ako mamayang alas dos ng madaling araw. Ingatan mo bahay ko! Pag balik ko at may mali, makakatikim ka talaga sakin! Maliwanag?"
"Opo kamahalan." I said boredly.
"Go get my keys to the Jaguar XKR." He said impatiently.
Kinuha ko sa key hanger at binigay ko iyon sa kaniya. Hinatid ko si Sir Kier hanggang sa kotse niya. Inulit niya sakin yung pinahabilin niya at tumango nalang ako. Pinagmasdan ko yung kotseng unting-unti nawawala sa aking paningin. Pumasok ako sa loob at umupo sa sofa ni Kamahalan. Bahala siya. His house is mine for a good 11 hours. I'll just clean later. Inilabas ko yung cellphone ko at tinawagan ko si Kaila.
"Hello ate." Masayang bati ni Kaila.
"Hello Kaila. Kamusta na kayo?" Masaya kong sabi.
"Mabuti naman po kami ate."
"Inaalagaaan ba kayo ni Tatay?"
"Opo ate. Alam mo po, dinala niya kami sa Amusement park kahapon. Tapos mamaya sabi niya po magswi-swimming kami. Sayang wala ka dito. One happy family sana tayo. Bakit po kasi kailangan niyo magtrabaho sa ibang lugar? Namimiss ka na po namin."
"Sorry Kaila." Malungkot kong sabi. "Konti lang kasi ang kinikita ni Tatay kaya kailangan ko siyang tulungan para magkapera tayo. Babalik din ako paglipas ng tatlong buwan." Masakit sa kalooban ko magsinungaling sa kanya. Pero kailangan para hindi magmukhang masamang tao ang ama namin.
"Sana po makaabot ka sa birthday ko. Gusto ko kasi po kumpleto tayo."
"Susubukan ko Kaila."
"Sino yan Ate Kaila?" Rinig ko sa kabilang linya. "Si Ate K-Lee ba yan? Gusto ko kausapin si Ate K-Lee."
"Ate, kakausapin ka daw ni Kyle."
"Sige."
Narinig ko binibigay ni Kaila yung telepono kay Kyle. Narinig ko rin may nagsarado ng pinto. Napatawa nalang ako. Gusto niya ata akong kausapin ng solo.
"Hello Ate K-Lee!" Masiglang bati ni Kyle. "Namimiss na kita Ate Ganda."
I chuckled. "Namimiss na rin kita Kyle. Good boy ka ba dyan? Baka pinapasakit mo yung ulo ni Tatay."
"Ano ka ba Ate K-Lee. Good boy ako dito. Pakiramdam ko nga po paborito ako ni Tatay. Pero wag kang maingay ha. Baka magselos sina Ate Kaila at Kristine." Pagmamayabang ni Kyle.
"Ang yabang talaga nito. Manang mana kay Tatay."
"Bakit? Kasing gwapo ko na ba si Daniel Matsunaga?"
"Hindi. Dahil mas gwapo ka pa doon." Narinig ko kinilig siya. "Hala hala. Kinikilig si Kyle. Bakla ka ba?"
"Si Ate naman. Lalakeng lalake ako. Pag laki ko, magiging ultimate playboy ako. Maraming babae magkakandarapa sakin."
"Oo nalang Kyle. Libreng mangarap." Natatawa kong sabi.
"Hoy Kyle overtime ka na dyan. Si Kristine naman oh." Pagrereklamo ni Kaila.
"Kahit kailan talaga epal ka Ate Kaila."
"Kyle, wag ganyan. Ate mo siya dapat nirerespeto mo siya. Magsorry ka." Suway ko.
"Sige po. Sorry Ate Kaila." narinig ko umokay si Kaila. "Bye bye Ate K-Lee. Tawag ka ulit bukas."
Next thing I heard was a baby sound. Napangiti ako. "Hello baby. Kamusta ka na? Namimiss ka na ni Ate K-Lee."
Narinig ko tumawa si Kristine. Tahimik lang ako nakikinig sa mga mumbling sounds ni Kristine. Namimiss ko na talaga sila. Biglang tumulo yung mga luha ko. Ang hirap pala pag malayo ka sa pamilya mo. Hindi ako sanay na wala sila dito.
"Ate K-Lee, paalis na po kami." Biglang paalam ni Kaila.
"Sige sige. Mag-iingat kayo."
"Bye bye na Ate K-Lee. Miss na miss ka na namin. Mahal na mahal ka namin." Sabay nilang sinabi.
"Mahal na mahal na mahal ko rin kayo." Nakangiti kong sabi habang pinapahid ang mga luha ko. Binaba na nila yung tawag.
Si Kaila ay 13. Si Kyle ay 7 at si Kristine naman ay magdadalawang taon pa lang. Ang babata pa ng mga kapatid ko. Kaya hindi ko dapat sila pabayaan. Kailangan nila ako. At alam ko gusto ni nanay alagaan ko sila para sa kanya.
Wala na nga pala ang nanay namin. She was murdered a few days after giving birth to Kristine. Hindi ko lang alam kung sino ang nagpatay sa nanay namin. Pero how sad dahil di nakilala ni Kristine kung gaano kabuti ang aming nanay.
Magpapahinga muna ako. Mamaya na ako maglilinis. I'll just take a nap for two hours. Humiga ako sa sofa at pinikit ang aking mga mata. In no time, nakatulog ako ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomansaPaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...