Chapter Seventeen

4.1K 139 4
                                    

(Kier's POV for this chapter only.)

Sa wakas, masosolo ko na si K-Lee. Kanina pa ako naatat solohin siya. Naglalakad kami sa tabing dagat. Hinubad ko yung polo ko at sinuot ko kay K-Lee. Kanina pa kasi siya nilalamig. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko pero agad rin siya nagpasalamat. Nakavneck shirt naman ako kaya okay lang.

"K-Lee, alam mo ba kung bakit tayo nandirito ngayon?" Mahinahon kong tinanong.

"Dahil ihahatid mo ko sa kwarto ko." Napachuckle ako sa sagot niya. She has no clue at all.

"Hindi yan ang ibig kong sabihin. Alam mo ba kung bakit tayo narito ngayon sa dagat nagpapakasaya?" Mukhang nalinawan na siya.

"Dahil nagpa-beach blowout ang colleague mo."

"Mali." Tiningnan niya ako na parang nalilito siya.

"Ha? Pero sabi mo ah."

"Kasali kasi yan sa plano ko. Nandito tayo ngayon dahil una, isang buwan ka na nasa akin. Pangalawa, kasi birthday mo ngayon." Lumaki ang mga mata niya.

"Ano ba ngayon?"

"May 5, K-Lee. Birthday mo ngayon at sa wakas eighteen ka na. Legal ka na para magpakasal." Halatang nagulat siya sa huli kong sinabi. "K-Lee, may surprise ako para sayo. Tumalikod ka."

Sumunod siya sa utos ko. Kinuha ko yung necklace mula sa bulsa ko at sinuot ko sa kanya. Pinaharap ko siya sakin. Gusto ko makita ang expression niya. Nakangiti siya at teary eyes habang hawak hawak niya yung pendant na isang infinity na may korona.

"Salamat Kier. Napakaganda ng kwintas na 'to. Hinding hindi ko ito huhubarin." Niyakap niya ako.

"Tara na. Baka maging yelo ka na sa sobrang lamig." Inakbayan ko siya at hinatid ko na siya sa kwarto niya. Nabitin ako. Gusto ko pa siya makasama na mas matagal.

"Good night Kier. Salamat ulit sa regalo." Sinauli niya sakin yung polo ko.

"Good night K-Lee. Have a wonderful dream." Hinalikan ko siya sa noo bago ako umalis. Papunta na sana ako sa kwarto ko nang bigla akong hinarangan ni Caleb.

"Kuya mag-usap tayo." Mukhang seryoso ang pag-uusapan namin kaya pumayag ako. Pumunta kami sa tabing dagat at umupo sa buhangin. Hinihintay ko siya magsalita pero parang ineenjoy niya masyado ang view at yung hangin.

"Anong pag-uusapan natin Caleb?" I said with a serious tone.

"Mahal mo na ba si K-Lee?" Tungkol pala sa kanya ang gusto niyang pag-usapan. Buti naisipan niya akong kausapin kasi I was thinking about talking to him about this as well.

"Oo. At sa tingin ko, mahal mo rin siya. Tama ba ako?" Umiling siya. "Ayon naman pala. Ano pa ba ang pag-uusapan natin?"

"Kuya, nakikiusap ako sayo. Palayain mo nalang sakin si K-Lee." Napatingin ako sa kanya. Is he really serious?

"Bakit?"

"Kasi sa tingin ko hindi mo talaga mahal si K-Lee. Alam natin na isa kang playboy at sigurado sa huli, paglalaruan mo lang si K-Lee. Kaya wag ka na magsayang ng oras sa kanya." Nainsulto ako sa sinabi ni Caleb. Pero hindi ko pwede siyang saktan. Kapatid ko kasi siya.

"Dyan ka nagkakamali. Ilang years na tayo nagkahiwalay. Marami rin nagbago sa nagdaan na taon. Sa tingin ko, kasali na doon ang pagiging playboy ko. Kaya pasensya nalang tol dahil hindi ko magagawa ang pakiusap mo." Mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko.

"Ano ba pwede kong gawin para palayain mo siya?" Disidido talaga siya angkinin si K-Lee. Pero mas disidido ako. Hinding hindi ko papakawalan si K-Lee.

"Sorry nalang pero wala ka nang magagawa." Pumunta sa harapan ko si Caleb at lumuhod. Nagulat ako sa kanyang ginawa.

"Please kuya. Hayaan mo na si K-Lee sakin. Mahal na mahal ko siya kuya." Halos maiyak na si Caleb.

"Ever since we were kids, lahat binigay ko sayo. Lahat ng akin na gusto mo, binigay ko sayo. Pero sa pagkakataong ito, si K-Lee, hinding hindi ko maibibigay sayo. Mahal na mahal na mahal ko rin siya. I'm sorry pero ang tanging magiging desisyon mo ay pakawalan siya o kalabanan ako. Hindi ko gusto ilagay ka sa ganitong sitwasyon pero hinding hindi ko hahaayang mawala sakin si K-Lee. Hanggang dito nalang, good night."

Tumayo ako at nagsimula maglakad pabalik sa kwarto ko. Bago ako makalayo, nilingunan ko si Caleb at nakita ko umiiyak na siya. Ayoko sana kalabanan ang sarili kong kapatid pero para kay K-Lee gagawin ko ang lahat. Aminado ako naging playboy ako pero iba si K-Lee sa mga nagustuhan kong babae. Dahil sa kanya, nagbago ako.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon