Paglipas ng ilang linggo, maraming bagay ang nangyari. Bumalik si Kier at sineryoso niya muli ang company niya. Nakakaimpress dahil yung company niya ay mag-isa niya tinayo. Ang dami niya naisakripisyo para lang sa company niya. Mula first year college, nag-ipon na siya. Nung third year college na siya, naitayo na niya yung business niya. And from then on, lumago ng lumago. Sa tatlong taon ng paghihirap niya, isa na siyang successful business man. His hardwork paid off. Si Caleb naman laging wala sa bahay. At pag nandito naman siya, parang ang lungkot niya. Tuwing tinatanong ko siya kung bakit, sinasabi lang niya na wala lang. May iniisip lang siya.
Nakakalungkot ang araw na 'to. Dahil aalis si Caleb, lilipat na siya sa dorm. Kahapon ko pa siya pinipilit na huwag ituloy pero disidido talaga siya tumira doon. Bakit kasi kailangan niya pang magdorm. Ilang minuto lamang ang biyahe sa mansion ni Kier papunta sa Diliman. Siguro mga 20 minutes lang. Wala naman problema yun dahil may kotse naman siya. Ayaw lang niya siguro makasama kami ni Kier dahil sobrang corny namin. Siguro naiingget siya.
"Kuya, aalis na ako."
"Sige, mag-iingat ka tol." Nagbro hug sila. Tumingin sakin si Caleb.
"K-Lee, aalis na ako ha." Ngumiti siya. Parang hindi ko matanggap na paalis siya. Umalis siya sa buhay ko noon, hindi ako papayag na aalis siya muli.
"Ihahatid ka namin. Tara." Hinigit ko si Caleb. "Babe, pakikuha ng luggage ni Caleb."
Bago ako makalabas sa bahay, narinig ko nagshrug si Kier. Pero wala rin siya magawa kundi sumunod sa utos ko. Kung noon, ako ang sunud-sunuran. Ngayon, siya na ang sunud-sunuran. Sumakay kami ni Caleb sa kotse niya. Binaba ko yung bintana ko.
"Babe sumunod ka samin ha. Pag hindi ka sumunod, hindi ako uuwi. See you there, love you." Sabay nagflying kiss ako. Umalis na kami at sumunod agad si Kier.
"Sabihin mo na." Biglang sabi ni Caleb.
"Ang alin?" Painosente kong sabi.
"Ito. Bakit gusto mo ko ihatid? Alam ko may dahilan ka. So spill it, K-Lee." Napakamot ako sabay nagpout.
"Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo." Kinirot niya pisngi ko.
"Hindi mo ko maloloko K-Lee Mendez Guzman. I've known you for so long. Kaya sabihin mo na." Tinabig ko kamay niya at minasahe ko yung pisngi na kinirot niya.
"Oo na. Sasabihin ko na. Gusto ko lang kasi masiguro na sa dorm talaga ang punta mo at hindi sa airport. Baka kasi..." Napabuntong-hininga ako. "Baka iiwan mo ulit ako."
Biglang hininto ni Caleb yung kotse. Napatingin ako sa kanya at alalang alala ang expression ng mukha niya. He tucked the strand piece of hair behind my ear and cupped my face.
"Hinding hindi na kita iiwan K-Lee. Oo malayo ako, pero hanggang doon lang yun. Pwede mo naman ako puntahan at pwede rin kita puntahan. Pangako sayo, hindi na kita iiwan tulad noon. I'm staying for good kaya wag ka na mag-alala K-Lee." He smiled and I smiled slightly. Nagitla kami nung may kumatok sa bintana ko.
"Tinatake advantage mo tol ang pagkawala ko ha." Binuksan ni Kier yung pinto ko at tinanggal niya yung seat belt ko. "Tara na para makauwi na agad tayo."
Me and Caleb chuckled. Napakaseloso talaga ni Kier. Nagtulungan yung magkapatid bitbitin ang mga bagahe ni Caleb. Nasa labas pa lang kami ng kwarto ni Caleb nang makarinig kami ng ingay mula sa loob. Ang harot naman ng mga kadorm niya.
"Shit!" Napaface palm ako. "Babe, naiwan ko yung bag ko sa kotse ni Caleb. Pwede mo ba kuhanin, please." Nagpuppy eyes ako.
Napabuntong-hininga siya. "Fine. Magpasalamat ka mahal kita."
"Salamat babe." Hinalikan ko siya sa pisnge at umalis siya para kuhanin yung bag ko.
Binuksan ni Caleb yung pinto at apat na lalake ang bumungad samin. Agad rin nila kami nilapitan at tinulungan si Caleb sa mga dala niya. Malaki rin ang kwarto nila. Kwarto para lang sa mga lalake. May limang kama, pool table at may konting posters ng mga babae na nakatwo piece lang. Boys will be boys wika nga nila. Mukhang magkakilala na silang lahat.
"Guys, ito nga pala yung kinukwento ko sa inyo na childhood best friend ko. Siya si K-Lee Guzman." Pagpakilala sakin ni Caleb sa mga kadorm niya.
"Hello K-Lee, ako si Vince Uy." Sabi nung lalake na medyo mahaba ang buhok at nakasalamin.
"Ako naman si Denver Lustado, ang pinakagwapo dito sa dorm namin." Sabi nung lalake na nakashades. Happy go lucky huh.
"Hi K-Lee, ako si Chris Joerens." Nakipagkamayan sakin yung lalake na nakagrey na polo. Tinulak siya nung lalake na nakared.
"Sa wakas nakilala ko ang aking prinsesa! Ako si Jasper Quinto. Ang hinihintay mong prince charming." Hinalikan niya yung kamay ko. Dumating si Kier at inakbayan niya ako.
"Bitawan mo ang kamay ng girlfriend ko kung ayaw mo mawalan ng kamay at ng nguso." Pagbabanta ni Kier. Agad-agad binatawan ni Jasper yung kamay ko at lumayo sakin. Tumawa yung apat. "Ako nga pala si Kier, boyfriend ni K-Lee. Kaya off limits na 'to."
Tumango yung tatlo habang si Jasper nakaupo lang sa tabi. Mukhang natakot siya kay Kier. Sinabihan ko si Kier na kausapin si Jasper. Baka mabungungot siya mamaya. Kinausap na nga niya at mukhang nagkaayos na sila. Bibong bibo muli si Jasper. Tinulungan na namin si Caleb mag ayos ng gamit niya. Alas-kuwatro ng hapon kami nakatapos. Magpapaalam na kami.
"Picture muna kayo. Halina, magsama na kayo." Inilabas ko yung cellphone ko at nagpose agad yung lima. "Okay, say Ganda ni K-Lee."
Sinabi nga ng mga uto-uto at pinicturan ko sila. Ang cute nila tingnan. Para silang mga high school boys. Nagpaalam na kami ni Kier sa apat.
"Basta K-Lee, pag sinaktan ka ni Kuya, tawagan mo agad ako at pupuntahan kita. Ako ang sasalo sayo pag binitawan ka niya." Hindi ko alam kung anong pinaparating ni Caleb.
"Dream on tol. Hinding hindi yan mangyayari Caleb." Pagtanggol ni Kier.
"Ikaw rin Caleb. Tawagan mo ko pag may problema ka. Mamimiss talaga kita." Niyakap ko si Caleb bago kami umalis. Na-teary eyes pa kaming dalawa. Humiwalay na kami bago kami tuluyan umiyak. Mamimiss ko ang kakulitan niya sa bahay. Mamimiss ko si Caleb.
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomantikPaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...