Nagpapahinga ako sa loob ng kwarto ko nang tawagan ako ni tatay. Nung unang tawag, di ko pinansin. Pero hindi talaga siya tumigil sa pagtawag ng pangalan ko. Kaya bumaba na ako at tumayo ako sa harapan niya habang nakacross arms pa ako.
"Ano ba gusto mo?" Pagtataray ko.
"Anak, umupo ka muna. May sasabihin ako sayo." Mahinahon niyang sabi.
Sumunod agad ako pero di ako umupo sa tabi niya. Pag siya ang kasama ko, uso talaga sakin ang salitang space. May galit ako sa tatay ko pero di ko siya magawang iwan dahil sa mga kapatid ko. Ako ang panganay kaya responsibilidad ko alagaan ang mga kapatid ko.
"K-Lee, kagabi natalo ako sa poker at..." Pinutol ko yung sinasabi niya.
"Lagi ka nalang nagpo-poker! Wala ka namang napapala dyan. Inuubos mo lang ang pera natin at sinasayang mo yung oras mo na dapat binibigay mo sa mga kapatid ko!"
"Hindi pa ako tapos." Napabuntong-hininga si Tatay. "Natalo ako at ikaw ang pinusta ko."
Nagulat ako sa sinabi ni Tatay. Ako yung pinusta niya at natalo pa siya! Walang hiya talaga yung tatay ko. Napatayo ako sa galit at sinampal ko siya. Wala siyang ginawa kundi hawakan yung pisnge na sinampal ko.
"Paano mo yan nagawa sa sarili mong anak?! Wala ka talagang kwentang ama! Wala ka ngang oras para sa mga kapaid ko tapos nakuha mo pa akong gawing pustahan mo! Wala ka bang tamang pag-iisip?! Alam mo punong puno na ako sayo! Kung hindi lang dahil sa mga kapatid ko, matagal na kitang iniwan! Nagtitiis ako sayo dahil sa kanila! Pero yang pinapagawa mo sakin, hindi ko yan magagawa! Ayaw ko! Bahala ka sa buhay mo!" Umiwas ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan ngayon. Nanginginig na ako sa galit.
"Pero kung hindi mo iyon gagawin, buhay ko ang kapalit."
"Ano?!" Napatingin ako sa kanya at ginulo ko yung buhok ko. "Tay naman kasi!"
Napaupo ako at pinatong ko yung noo ko sa mga kamay ko habang nakasandal yung siko ko sa hita ko. Naguguluhan ako kung anong gagawin ko. Ayaw ko namang maging alipin sa taong di ko kilala. Pero ayaw ko rin mawalan ng ama yung mga kapatid ko. Wala na nga silang nanay, mawawalan pa ng tatay. Pero paano pag may ginawang masama yung lalake sakin? Paano kung rape-in ako? Eh di mawawala lahat ng pangarap ko sa buhay. Gosh! What does a 17 year old girl have to do just to have some slack?!
"I'm sorry anak dahil dinamay pa kita sa problema ko." Hahawakan niya sana ako pero tinabig ko yung kamay niya.
"Pag pumayag ako sa kagustuhan mo, ipangako mo sakin na aalagaan mo yung mga kapatid ko at titigil ka na sa paglaro ng poker. Kung hindi, ako mismo ang papatay sayo." Pagbabanta ko sa tatay ko.
"Oo anak. Pinapangako ko." Nagkaroon ng pag-asa yung mga mata niya.
"How long will I be a slave? At sino yung pagsisilbihan ko?" I said while calming myself.
"Tatlong buwan lang anak. Ang pangalan niya ay Kier Magpantay."
Magpantay? Parang familiar sakin yung apelyido na yun. Hindi ko lang matandaan kung saan ko yun narinig.
"Kailan ang alis ko?" Tumingin na ako sa magaling kong ama.
"Three days from now anak."
"Sige. Salamat nalang Tay ha. Sa lahat ng binigay mo sakin, ito ata ang pinakapaborito ko. Sana you'll rot in hell." Tumayo na ako at iniwan ko siya doon.
Bumalik ako sa kwarto ko. Paano ko matitiis maging isang alipin sa isang lalakeng na di ko naman kilala? What has my father brought me into? Sino ka Kier Magpantay? At ano ang gagawin mo sakin?
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomantizmPaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...