Maagap kami nagpaalam kay Amber at umalis sa dagat. Mamimiss ko ang buhangin at yung lamig ng hangin. Kulong na naman ako sa kaharian ni Kier. Speaking of Kier, napatingin ako sa kwintas na binigay sakin ni Kier. Lagi nalang ako napapangiti tuwing naalala ko yung nangyari sa gabing iyon. Maybe the happiest moment of my life.
Natapos na ako magluto ng tanghalian. Tinawag ko yung magkapatid para makakain na kami kaso walang sumagot kahit isa. Nasaan na yung dalawa? Pumunta ako sa mga kwarto nila, sa garden, at sa backyard pero wala. Sumilip ako sa library at naroon sila. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. They wouldn't mind if I eavesdrop diba.
"Basta aalagaan mo siya ha. Sa oras na paiyakin mo siya, aagawin ko siya mula sayo at kakalimutan kita bilang kapatid. Naiintindihan mo?" Pagbabanta ni Caleb. Sino yung 'siya' na tinutukoy niya?
"Oo na." Inakbayan ni Kier si Caleb sabay ginulo ang buhok nito. "It's crazy what love can do to us huh."
"Oo nga. Tara na, baka hinahanap na tayo ni K-Lee." Nagmadali ako umalis at tumakbo na ako papuntang kusina.
I tried to act as natural as I could ever be. Sana di nila marinig ang tibok ng puso ko na konti na lamang at sasabog na. Dumating yung dalawa at magkaakbay parin sila.
"Ayon naman pala kayo. Saan kayo galing? Kanina ko pa kayo hinahanap." Kalmado kong sabi. "Halika na at kumain tayo ng tanghalian."
"Sige. I'm starving." Ngiting sabi ni Caleb. Umupo yung dalawa at tulad ng dati ako na naman ang nasa gitna nila. Parehas sila good mood. Bakit kaya? Sino kaya yung tinutukoy nila kanina? Sino yung babae na parehas nilang gusto? "K-Lee, pagkatapos natin kumain aalis tayo ha. May gusto akong ipakita sayo."
"Saan naman tayo pupunta?"
"Basta makikita mo rin." He said suspiciously.
***
Dinala ako ni Caleb sa dating playground na lagi namin pinupuntahan noon. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ko ang buong paligid. Namiss ko ang lugar na ito. Ang dami naming magandang alaala dito. Seven years na ako di pumupunta dito. Marami ang nagbago dito. Pero in a good way. Bumili kami ng dirty ice cream at umupo sa swing set. Namimiss ko ang childhood ko.
"Ang tagal na no." Biglang sabi ni Caleb. "Nakakamiss rin maglaro dito."
"Oo nga. Yung dalawang bata na lagi naglalaro dito noon, ngayon mga binata at dalaga na. Ang bilis talaga ng panahon."
"Kung pwede lang bumalik sa nakaraan, nagawa ko na. At sinulit ko ang mga oras na kasama kita." It felt happy and sad reminiscing about our childhood. But one thing is for sure, I'm feeling old. Inubos muna namin ang kinakain naming ice cream bago nagsalita muli si Caleb. "K-Lee, magsabi ka ng totoo ha. Mahal mo ba si kuya?"
"Huh?" Nagulat ako sa tanong niya. "Bakit mo yan naisipan itanong?"
"Bakit umiiwas ka sa tanong ko? Sagutin mo na." Sinundot niya ako sa tagiliran.
"Uhhh." Hindi ko alam kung dapat ko sabihin sa kanya. Oo best friend ko siya pero kapatid niya ang tinutukoy niya. Baka isabi niya kay Kier. Kahit anong mangyari, lagi pamilya ang lamang.
"You can trust me, K-Lee. We've been best friends for 14 years now."
"Well..." Nagflashback sakin ang mga memories namin ni Kier. "Mahal ko siya pero..."
"Pero?" Tiningnan niya ako with matching nagtatakang look.
"You know it's scary finding someone that makes you happy. You start giving them all of your attention because they're what makes you forget everything bad that's going on in your life. They're the first person you want to talk to in the morning and the last one before you sleep just so you can start and end your day with a smile." Naputol yung sinasabi ko sa biglang pagsingit ni Caleb.
"Then whats stopping you?"
"It all sounds great to have that someone, but it's scary to think about how easily they could just leave and take that happiness away too when they go."
"K-Lee." Tumayo si Caleb at tumingkayad siya sa harap ko. "Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan diba? Alam kong takot ka masaktan pero ganyan talaga pag nagmahal ka. Magkasama na yung dalawa. Its part of their nature. Also life is full of risk. You have to take a risk on things. Malay mo, hindi mo pagsisihan ang mahalin ang kuya ko. I know its scary, but life full of regrets are worst. So think about it."
"Pero hindi ko alam kung mahal rin ako ng kuya mo."
"Kung hind ka niya mahal eh di sana wala ako dito sa harap mo nilalakad ka sa kuya ko." Nagulat ako sa sinabi ni Caleb.
"Mahal ako ni Kier?"
"Wala ako sa posisyon para magsabi. On the right day and time, you'll know."
"Salamat Caleb." Ngitian ko siya.
"Halika nga dito." Niyakap ako ni Caleb. May binulong siya pero ang narinig ko lang ay mahal, masakit, paraya at sana. Lumayo siya ng konti at pagtingin ko sa mukha niya, umiiyak siya. "Promise me you'll always be happy. And always choose your happiness."
"I promise. Pero bakit ka..." Naputol yung sasabihin ko dahil niyakap niya ako muli. Sinubsob niya ang mukha ko sa balikat niya. May problema ata si Caleb. Pero sabi niya wag ko daw siya alalahanin. I hope he's alright.
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomancePaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...