Chapter Thirty Eight

2.7K 71 3
                                        

Masayang masaya ako kahit isa lang akong prisoner dito samin. Dahil lagi ako pinapasaya ni Kier kahit hindi kami nagkikita. He knows how to say the right things to make me feel better. Nasa salas kami ng mga kapatid ko ngayon. Nagbobonding at nanunuod ng tv. Gusto ko sana itext si Kier kaso baka mahalata ni Mr. Guzman na lagi ako nasa kwarto ko. He might suspect something. Nabigla kaming lahat nang may kumatok sa pinto. Pinagbabawalan kami ni Mr. Guzman buksan yung pinto. Tanging siya lang ang pwede. Kaya siya yung nagbukas ng pinto habang kami inaabang kung sino yung kumatok. To my surprise, it was Caleb.

"Magandang hapon po Tito Andrew." Bati ni Caleb.

"Hoy Caleb, kamusta na? Akala ko nasa States ka pa." Mr. Guzman's remarks. What a surprise kilala pa ni Mr. Guzman si Caleb. Ilang taon na rin sila di nagkita.

"Okay lang po ako. Bumalik po ako sa Pinas para mag-aral ng kolehiyo."

"Talaga? Saan ka nag-aaral? Ano pati course mo?" Ano bang problema ni Mr. Guzman at parang interesado na interesado siya kay Caleb.

"Sa UP Diliman po. Bachelor of Science in Electrical Engineering."

"Engineering student huh. I'm impressed. Nahihirapan ka ba sa course mo?"

"Syempre naman po nahihirapan. Walang course na madali. Pero dahil gusto ko yung course, kakayanin ko po." Ngumiti si Caleb na parang naiilang. "Nandyan po ba si K-Lee?"

"Ah, oo." Nawala yung ngiti sa mukha ni Mr. Guzman. "Teka, nililigawan mo ba si K-Lee?"

"Ha?" Nanlaki ang mga mata ni Caleb. "Hindi po. Parang kapatid ko na si K-Lee. Actually, hipag ko na nga si K-Lee." Binulong lang ni Caleb yung huling sentence, pero naintindihan ko dahil sa movement ng labi niya.

"Wag kang mag-alala, botong boto naman kita para kay K-Lee." Nagulat kami pareho ni Caleb. Paano kaya pag nalaman ni Mr. Guzman na kuya niya si Kier? Ganun parin kaya yung trato niya kay Caleb. "Halika hijo, pasok ka. K-Lee, nandito si Caleb." Pumasok si Caleb at sinarado ni Mr. Guzman yung pinto.

"Tay, sa kwarto na kami mag-uusap ni Caleb." Tumayo ako at hinigit ko si Caleb papunta sa kwarto ko. At pagkapasok namin, nilock ko agad yung pinto. Just to make sure walang mangingialam. Pagharap ko kay Caleb, may hawak siyang plastic bouquet. "Para saan yan?"

"Galing kay Kuya. Inutusan niya ako ibigay sayo." Binigay niya sakin yung bouquet. Napatawa nalang ako sa bouquet.

"Taghirap na ba yung kuya mo kaya plastic na yung binigay sakin?" Napatawa na rin si Caleb sa sinabi ko. Sabay kami umupo sa kama ko.

"Tama nga pala yung sinabi ni Kuya. Isa ka ngang prisoner dito sa inyo. Buti buhay ka pa." Caleb laid down on my bed.

"Syempre. May nagpapalakas sakin. Habang kapiling ko pa si Kier, kaya ko pang magtiis." I said while observing the plastic bouquet.

"Bakit ba ayaw ng tatay mo kay Kuya? Ano ba kasalanan niya sa tatay mo?" Napaisip ako sa tanong ni Caleb.

"Hindi ko rin alam eh. Pero sabi niya ayaw niya kay Kier dahil masama siyang tao at hindi daw siya karapat-dapat sakin." I stood up and hid the flowers beside my bed. "Pero kutob ko, may mas malalim na dahilan. Hindi ko lang alam kung ano."

Napaupo si Caleb. "Kutob ko rin. Ang babaw ng galit niya kung yun lamang ang dahilan. Pero ano kaya yung tunay na dahilan. Bakit di mo siya tanungin?"

"Sa tingin mo pag tinanong ko siya, sasabihin niya yung totoo. I don't think so, Caleb. He doesn't like telling secrets to us."

Nag-isip si Caleb. "Paano kung tanungin ko siya?"

I laughed at his question. "Mas lalo na hindi niya sasabihin sayo. At baka magsuspect pa siya kung ikaw ang magtatanong sa kanya."

"Eh di anong balak mo?"

"Wala pa. Nag-iisip pa ako. Pero gagawa rin kami ni Kier. We just need time." Alam ko makakaisip si Kier ng plano. He always finds a way. I just need to be patient. Malalampasan din namin ito. We always do.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon