Hindi maganda ang simula ng umaga ko. Umagang umaga iniinis ako ni Mr. Guzman. Nag insist pa ihatid ako sa University. Hindi ako makatanggi dahil baka iisipin niya na may tinatago ako sa kanya. Pero kinakabahan ako. Baka makita niya si Kier doon. Laking gulat ko nung biglang tumunog yung cellphone ko. Shit! Akala ko sinilent ko.
"Ibigay mo sakin, K-Lee." Nakalahad na yung palad ni Mr. Guzman. Dahan-dahan inilabas ko yung cellphone at nilagay ko sa palad niya. Binuhay niya yung screen at lumaki ang mga mata niya. "Cinocontact mo parin si Mr. Magpantay?! Saan ba galing ang cellphone na 'to?!"
"S-sa kanya po."
Binuksan ni Mr. Guzman yung bintana at hinagis yung cellphone ko sa labas. "Saan kayo nagkikita?!"
"H-hindi na po kami nagkikita." Buti nalang narito na kami sa school. "Sige po, aalis na ako. Mag-usap nalang tayo mamaya sa bahay." Nagmadali ako bumaba at naglakad papasok sa Main Building. Pagdating ko sa likod, tumakbo na ako papunta sa Girl's Restroom sa second floor. Sakto pagdating ko, kararating lang din niya. Hinigit ko siya papasok at nilock ko yung pinto.
"Napaagap ang punta mo rito ah." Lumapit siya sakin sabay binalot ang mga kamay niya sa bewang ko. "Shall we go into the fifteenth round?" Hahalikan niya sana ako kaso tinulak ko siya palayo. At halata sa mukha niya na nagulat siya sa ginawa ko. "Bakit babe? Nagsasawa ka na ba sakin?"
"Hindi naman sa ganun pero may problema tayo." I said panicking.
"Bakit? Anong nangyari?" He said full of anxiousness.
"Nalaman ni Mr. Guzman na mayroon pa tayong komunikasyon. Kinuha niya yung cellphone ko at tinapon niya. Anong gagawin natin, Kier?" Bago makapagsalita si Kier, biglang bumukas yung pinto. At si Mr. Guzman yung bumungad samin. Sabay lumaki ang mga mata namin. Pero agad nagkaroon ng furiousness yung mga mata ni Mr. Guzman "Dad."
"Ikaw!" Lumapit siya kay Kier at sinuntok niya si Kier sa mukha. It was a hard blow since Kier fell to the ground and you could really hear a thug sound.
Lumapit ako kay Kier at lumuhod sa tabi niya. "Wag mo siyang sasaktan, tay!" Tumingin sakin si Mr. Guzman at kinaladkad niya ako. "Teka! Si Kier! Kailangan ako ni Kier!" Pagpupumiglas ko.
"Guard, buhatin mo siya." Utos ni Mr. Guzman. Tulad ng dati, binuhat ako nung guard na parang sako. Hindi na ako nakapasok sa klase ko dahil inuwi nila ako. Binaba ako ni Guard sa loob ng bahay. "Iwan mo kami mag-usap." Lumabas yung guard.
"Kailangan kong bumalik! Si Kier. Kailangan ako ni Kier! Kailangan kong balikan si Kier! Ibalik mo ko doon!" And boom! Bigla akong sinampal ni Mr. Guzman.
"Get a hold of yourself, K-Lee! Look what he turned you into! Go back to your senses!" Hinawakan ko yung pisngi na sinampal niya. "Hindi ko ginusto saktan ka pero you need to get slapped back to your senses! Wake up, K-Lee. Don't go gaga over him! Hindi lang siya ang lalake sa mundo. Maraming lalake na mas mahigit pa sa kanya. Na mas mahigit pa yung maibibiay nila sayo kaysa sa kanya. Wag ka na magsayang ng panahon sa kanya. Dahil wala kang mararating pag pinatagal mo pa."
"Bakit ako makikinig sayo? Ikaw! Kailan ka nakinig sakin? Diba sinabi ko sayo na tigilan ang paglaro ng poker dahil wala kang mararating. Pero ano ba ginawa mo? Nakinig ka ba sakin? Hindi diba! Naglaro ka parin ng poker kahit sinabihan na kita! Siguro kung nakinig ka lang sakin, hindi tayo aabot sa ganitong sitwasyon! Kaya kung may dapat ka sisihan, yun ay ang sarili mo! Kasalanan mo ang lahat ng 'to!" I shouted back at him.
"Kaya nga inaayos ko diba! Tinatama ko yung pagkakamali ko! Kaya makinig ka sakin!"
"Ayoko! Kahit kailan hindi ako makikinig sayo! You're dead to me!"
Nagulat siya sa sinabi ko pero agad niya rin binawi. Pinapasok niya ulit yung guard. "Take her to her room and change the locks. Make sure the locks our outside. I'm gonna be out for a while. I'm just gonna fix her school papers to transfer into home schooled."
Tumango yung guard sabay kinaladkad niya ako papunta sa kwarto ko. "You lousy asshole! Your not my father! You're dead to me! You're dead to me, Mr. Guzman!"
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomantikPaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...