(Caleb's POV for this chapter only)
Pagkagising ko, nadatnan ko yung lima kumakain ng agahan. Nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan. Mabuti naman at tumatawa ulit si K-Lee. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni K-Lee.
"Well Good morning Caleb. Kain ka na." Binigyan ako ni K-Lee ng plato. "Anong gusto mo? Gusto mo ba ng eggplant, potato omelet o tocino?"
"Ako na. Pero salamat K-Lee." Tumango nalang siya.
Habang kumakain kami, pasimple ko pinagmamasdan si K-Lee habang nakikipagtawanan siya sa apat. Parang wala siyang problema. Parang walang nangyari kahapon. Pero alam ko nasasaktan parin siya. Ayaw lang niya ipakita sa iba na mahina siya. Sa tagal ko nakilala si K-Lee, ni minsan nagsabi siya ng problema sakin. Dahil gusto niya magmukhang matapang sa mata ng iba. Sinabihan ko na si Kuya na huwag sasaktan si K-Lee. Dapat pala di ko sinukuan si K-Lee. I should've fought for her. I think I'll pay my big brother a visit.
Hindi ko na inubos yung kinakain ko. Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Marami akong sasabihin sa kuya ko. Humanda siya dahil hindi na ako magpipigil pa. "Mga tol, aalis muna ako. Bantayan niyo ng maigi si K-Lee. Siguraduhin niyo na walang makakaalam na narito siya."
"Teka." Hinawakan ako ni K-Lee sa pulso. "Saan ka pupunta?"
"May kakausapin lang ako." Dahan-dahan binitawan niya ako. Kinuha ko yung susi ng kotse ko at nagmadali ako sumakay rito. I went full speed. Buti nalang walang pulis nagbabantay ngayon. Dumiretso ako sa bahay ni kuya. Hindi na ako kumatok basta basta nalang ako pumasok. Nadatnan ko si kuya sa sala nakahiga sa sahig habang pinapaligiran siya ng mga bote ng alak. Sinampal ko siya nang malakas dahilan ng biglang gising nito. "Get up, bastard."
Sinamaan niya ako ng tingin. Pero tumayo na rin siya. "Ano ba kailangan mo? Hindi mo ba alam nakakaist..."
Hindi niya natapos yung sinasabi niya dahil sinuntok ko siya. Napaupo siya sa sahig dahil sa lakas ng suntok ko. "Get up, mother fucker! I'm not done with you!"
Unting-unti siya tumatayo. Hindi pa siya nakakatayo ng maayos ay sinuntok ko siya ulit. At muli napaupo siya sa sahig. Hindi ko na kaya magtimpi pa. Pumunta ako sa ibabaw niya at pinagsusuntok ko ang pagmumukha niya. Nanggigigil na ako sa galit. Tumayo na ako nung nakakita ako ng dugo sa mukha niya. Dahan-dahan rin siya tumayo. Pumutok yung labi niya, dumugo yung ilong niya at may dalawa siyang pasa sa kanan mata at kaliwang pisngi.
"Ano ba talaga ang pakay mo rito?" Nanghihina niyang sabi.
"To teach you a lesson, bastard! Diba sinabi ko sayo na wag na wag mong sasaktan si K-Lee! Pinagkatiwalaan kita pero nagkamali ako. You heartless asshole! Paano mo nagawa siyang lokohin?!" Nagulat ako nung bigla niya akong sinuntok. Hinawakan niya ako sa kwelyo.
"Wag kang mangbintang kung wala ka namang alam! Wala kang karapatan pagsigawan ako ng kung anu-ano dahil wala ka naman doon! Hindi mo alam kung anong nangyari!"
"Alam ko! Kinuwento ni K-Lee ang lahat sakin! Ikaw?! May alam ka ba kung anong nangyari sa kanya kahapon?! Wala naman diba. Dahil wala kang pakialam sa kanya! Hindi mo talaga siya minahal! Wala ka sa tabi niya nung umiiyak siya at nagpakalasing sa bar!" Unting-unti binitawan ako ni Kuya.
"Nasaan siya? Nasaan si K-Lee?"
"Hinding hindi ko sasabihin sayo! Wala kang karapatan malaman kung asan siya ngayon! I hope you rot in hell!" Nagwalk out ako. Sumakay ako sa kotse ko at dumiretso pabalik sa dorm. Tumingin ako sa salamin at may sugat ako sa kanang pisngi ko. Shit! I don't want K-Lee to see me like this. Tinawagan ko si Denver. "Pare, nasaan ka ngayon?"
"Nasa club pare!" Nasa club? Sa lahat ng lugar na pwedeng puntahan, bakit bar pa. Bumaba na ako sa kotse ko.
"Sige. Salamat pare." Binabaan ko siya.
Anong gagawin ko sa mukha ko? Mayroon gamot ba na mabilis mawawala yung sugat? Laking gulat ko nang buksan ko yung pinto ng dorm dahil narito pa sila. Nagulat din sila nung nakita nila ako.
"Caleb! Anong nangyari sayo?" Nilapitan agad ako ni K-Lee. "Vince pakuha ng tissue at basahin mo ng konti, Chris pakuha ng band-aid and cotton balls, at Jasper kumuha ka ng isang basong tubig at lagyan mo ng dalawang kutsara ng asin. At ikaw, halika dine."
Yung tatlo sumunod sa utos ni K-Lee habang si K-Lee hinigit niya ako at pinahiga sa kama ko. Kung mag-alala siya parang ang laki ng sugat ko. Pero masarap rin sa pakiramdam na nag-aalala siya sakin at inaalagaan niya ako. Dumating yung tatlo at binigay kay K-Lee yung mga inutos niya sa kanila. Nilagyan ni K-Lee yung tissue sa sugat ko at diniin pa niya.
"Aray! Masakit K-Lee!"
"Ibig sabihin gumagaling yung sugat mo. Kaya wag ka na maginarte." Paglipas ng apat na minuto, tinanggal na ni K-Lee yung tissue. Sinawsaw niya yung cotton ball sa tubig na may asin at pinahid niya sa sugat ko. At mas mahapdi pa kaysa sa alcohol. Di rin nagtagal, tinanggal niya at nilagyan ng band aid yung sugat ko. "Ayan! Tapos na ako."
"Salamat K-Lee." Nginitian ko siya.
"Walang anuman Caleb." Ngumiti na rin siya.
"Doktora K-Lee, parang namamaga yung nguso ko. Pwede mo ba ako gamutin?" Pag-iinarte ni Jasper.
Tumingin si K-Lee kay Jasper. "Oo nga no. Staff kuhanin ang gunting at tissue! Puputulin natin ang nguso ni Jasper!"
Hinigit ni K-Lee si Jasper pahiga sa kama niya. Binigay ni Vince yung gunting kay K-Lee. Hinawakan nung dalawa si Jasper para hindi siya makawala. Palapit nang palapit si K-Lee sa mukha ni Jasper habang hawak hawak yung gunting. Nagwawala si Jasper at binabawi niya yung sinabi niya. Napapatawa nalang ako sa mga kalokohan nila. Biglang nagvibrate yung cellphone ko at pagbukas ko nito. May natanggap akong mensahe mula kay Justine.
[2:43pm] Caleb, busy ka ba? Bakit hindi mo na ako tinetext at tinatawagan?
Shit! Nakalimutan ko nga pala si Justine. Napatingin ako kay K-Lee. Bakit naging kumplikado ang lahat? Akala ko magiging okay sila ni kuya kaya hinayaan ko na mainlove kay Justine. Tapos ngayon hiwalay na yung dalawa at mayroon na akong pag-asa kay K-Lee. Pero hindi ko naman pwedeng iwan si Justine na ganun ganun nalang. Bakit kasi hindi ko pinaglaban yung nararamdaman ko para kay K-Lee? Eh di sana hindi kami hahantong sa ganito.
BINABASA MO ANG
You're My Property
Storie d'amorePaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...
