Chapter Eight

5.7K 152 3
                                        

Pagkagaling ko sa sakit, si Sir Kier naman yung nagkasakit. Syempre inalagaan ko rin siya bilang pagpapasalamat. Buong magdamag ako nasa tabi niya. Mabuti naman mabilis siya magrecover. At mas mabuti dahil wala na yung mga pasa ko. Tumalab sakin yung gamot na binigay sakin ni Sir Kier. Paglipas ng isang linggo, walang wala na yung mga pasa ko. Maganda ulit ang kutis ko.

Pero simula nung lumipat ako sa bagong kwarto ko, nagbago rin ang pagtrato ni Sir sakin. Inuutusan niya parin ako pero hindi kasing harsh tulad noon. Di na niya ako sinisigawan o sinasaktan. Pero lagi niya ako pinagsasabihan at lagi rin kami nag-aasaran. Medyo naninibago pa ako sa kanya. Pero mas mabuti yung ganito. Para di na ako masaktan muli. Mas masaya pati yung ngayon. Para bang magtropa lang kami.

"Hoy K-Lee." Biglang sulpot ni Sir sa likuran ko. "Mamaya ka na magdilig. Maligo ka na dahil sasama ka sakin."

"Ano po? Saan naman po?" Nagtataka kong sabi.

"Pupunta tayo sa photoshoot ko."

"Eh bakit po kailangan kasama ako?"

"Because the last time I left you alone in my house, you slept on my couch without my permission." I rolled my eyes.

"Sige na po. Opo kamahalan, maliligo na ako." Tumungo ako papunta sa kwarto ko.

***

Halos tatlong oras kami nakaupo dahil ang haggard ng traffic. Kangalay naman sa pwet. Pumasok kami sa isang abandon storage shack. Yung totoo magpho-photoshoot ba talaga siya o magkikita sila ng cliente niya para bumili ng shabu? Kasi diba usually sa mga palabas, ang mga photoshoot ay nasa magandang lugar. Bakit siya? Parang wala lang.

"Kier! Mi Kier! Mi guapo Kier!" Sigaw ng isang lalake palapit samin sabay bineso niya si Kier. Ngiting ngiti siyang hanggang pumunta sakin yung atensyon niya. "Sino siya? Girlfriend mo?"

I bursted into laughter. "Nako ho, nakakatawa po yung joke niyo. Hindi po ako pumapatol sa halimaw."

"Oo nga. Hindi rin ako pumapatol sa bakulaw." Pagganti ni Kier at sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Halika na Kier at magbihis ka na." Hinigit nung lalake si Kier.

Inassist ako ng ibang tao rito sa mga bakanteng upuan malapit sa shoot. Di rin nagtagal lumabas si Kier mula sa dressing room. Ang suot niya ay isang plain na puting tshirt, isang leather jacket at simpleng jeans. Kahit simpleng simple lang yung suot niya, parang ang laki ng effort. Mukha niya talaga ang nagdala. Ang mukha niyang drug addict.

For a monster, magaling siya magpose. Alam niya kung saan ang good side niya at kung paano magdala ng damit. Para bang walang pangit sa kanya. Such a blessed person, pero sumablay sa ugali niya. Napansin niya na nakatitig ako sa kanya kaya nagsmirk siya sakin. Inirapan ko nalang siya. Psh. Wag siyang feeling.

"Sir Donatello! Sir Donatello!" Lumapit yung babae sa lalakeng nagbeso kay Kier kanina. "Nagtext po si Felisha at sabi niya di siya makakarating dahil may dalaw siya ngayon."

Napakamot yung Sir Donatello sa ulo niya. "Dios mío! Paano yan?! Sino nalang magco-cover sa kanya?!"

"May kakilala ako." Sabi ni Kier sabay lahat sila tumingin sakin.

My eyes widened when I realized why they were looking at me. "Oh no. No way! No freakin way."

"Come on, please mi asistente mono. We need you, I need you." Pagmamakaawa ni Sir Donatello. "Babayaran naman namin ang Talent Fee mo. Magkano ba? Sapat na ba yung twenty five thousand?"

Napatahimik ako. Ang laki naman ng binabayad nila para lang sa model.

"What about fifty thousand?" Napanganga ako. "Fine one hundred thousand pero hanggang doon na lang."

"Deal!" Tumayo ako. "Where do I dress up?"

"Fantastic! Can someone dress her up pronto!" With that, may mga babae lumapit sakin at dinala sa dressing room.

Medyo naiilang ako kasi hinuhubad pa nila ako. I'm still pure and a virgin. This is the first time someone saw my bare body that isn't a family member. It feels awkward having someone dress me up. Pagkatapos nila akong bihisan, nilagyan nila ako ng eye liner at lipstick. Nagtaka ako kung bakit yun lamang pero sabi nila mas bagay sakin ang natural look. Nafla-flatter ako sa mga sinasabi nila. Ang sexy ko raw, ang ganda, perfect body at pwede daw ako maging a Victoria's Angel.

Paglabas ko mula sa dressing room, napanganga lahat ng tao sa labas. Si Kier napatayo at napatitig sakin. Then it was my turn to smirk at him. Si Sir Donatello tuwang tuwa naman sakin. Bineso pa niya ako sa sobrang tuwa. Pero ang pinoproblema ko lang ay mga poses ko. Baka naman pangit ang mga kuha ko. Wala pa man din akong experience sa mga ganito. Pinuwesto na ako ni Sir Donatello.

"Relax and just have fun. Pero remember fierce!" Nagsimula na siyang kumuha ng litrato.

Just with a snap natapos agad ang photoshoot ko. Boom boom boom lang. Bawat pindot, bagong pose. It went by so fast. Nabitin pa nga ako. In the end, binayaran kami ni Sir Donatello at binigay niya pa sakin yung dress. And get this, kinuha niya pa ang number ko. Ang sabi niya it would be his pleasure to be my photographer. I never knew being a model would be this fun. Ngayon pauwi na kami ni Kier.

"Had fun?" Tanong ni Kier kahit di nakatingin sakin.

"Yup. Had fun drooling over me?" I smirked and I heard him chuckle.

"Well, you are stunning today."

"Thank you." I smiled. "By the way, ano ba ibig sabihin ng mi asistente mono?"

He chuckled again. "It means my monkey assistant."

Nagulat ako pero agad ko rin binawi. "Yae na basta ang mahalaga may pera ako ngayon."

Makakapagipon na ako para sa susunod na pasukan. Sobra pa nga 'to para sa isang semester. Siguro dalawang photoshoot mababayaran ko ang buong semester. Mabuti pa iyon kaysa huminge pa ako sa magaling kong ama.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon