Chapter Thirty Four

2.6K 66 0
                                        

Binaba ako nung guard kung kailan nasa loob na ako ng kwarto ko. Tatakbo sana ako palabas kaso naunahan ako nung guard at nilock niya yung pinto. Naiwan kami ni Tatay sa loob ng kwarto ko. Humarap ako sa kanya.

"Bakit mo ko pinuntahan?" I said while crossing my arms.

"Para sunduin ka."

"Bakit hindi mo nalang hinintay akong umuwi ng kusa?"

"Tapos na kasi yung deal namin ni Mr. Magpantay. Hanggang tatlong buwan ka lang doon. And since nakalipas na ang tatlong buwan, maaari ka nang umuwi. Kaso mukhang masyado niyo ineenjoy ang presensya ng isa't-isa. But I'm very disappointed with you K-Lee. Di ko akalain na maiinlove ka sa kanya." Disappointment was evident in his voice.

"Ano naman kung inlove ako sa kanya? Wala namang masama doon." Wala akong makitang masama sa pagmamahalan namin ni Kier. Wala namang naapakan o nasasaktan sa relasyon namin. So what the hell is the problem?

"Walang masama? Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Ano ba ginawa niya sayo? Para kang nasisiraan ng utak. K-Lee, masamang tao si Mr. Magpantay. Mapangahas na tao! Wala siyang galang kahit kanino! Wala siyang puso! Wala kang mapapala sa kanya!" Halos pasigaw na sabi ni Tatay.

"Bawiin mo yang sinabi mo!" Pagtatanggol ko kay Kier.

"Bakit ba?! Tunay ang lahat ng sinabi ko!" Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya tumagal pa rito. Ang lakas niya manghusga ng tao kahit di niya kilala. Ibang iba yung Kier na nakilala ko kaysa yung sinasabi ni Tatay.

"Ibalik mo ko sa bahay ni Kier." I said furiously. "Gusto kong bumalik doon. Ayoko na dito!"

"Wala ka nang magagawa. Hindi ka makakaalis dito."

"Hindi ka sigurado. Gagawa at gagawa ako ng paraan para tumakas."

"Subukan mo. At sa oras na umalis ka, aalis rin kami ng mga kapatid mo. Ilalayo ko sila sayo at di mo sila makakapiling muli." Pagbabanta ni Tatay. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Is he that heartless? Why would he do such things.

"You wouldn't."

"Oh K-Lee, I would." Napanganga ako sagot ni Tatay. "Don't test my patience. You should know K-Lee, you should never mess with a business man. It's either your with me or against me." Sino ba yung taong nasa harapan ko ngayon? Ibang iba si Tatay ngayon kumpara noon. He's become a monster. "So ano K-Lee, gusto mo parin ba bumalik roon?"

I sighed. "Hindi na po." Umupo ako sa kama ko. I feel so devastated from defeat. Hindi ko man lang pinaglaban si Kier. Pero ayoko naman mapahiwalay sa mga kapatid ko. Kahit papaano, mas importante ang mga kapatid ko kaysa sa kanya.

"Good girl." I saw a stupid smile on his face. "By the way, don't try to trick me because I will take them away from you." Sinamaan ko siya ng tingin. I can't believe him. He's such a douchebag!

"Ate K-Lee!" Tumakbo yung dalawang bata palapit sakin. Buhat buhat ni Kaila si Kristine. Niyakap nila ako.

"Sige, I'll leave you guys to catch up." Umalis si Tatay at may binulong siya sa guard na nasa labas ng kwarto ko. That asshole!

Dapat masaya ako ngayon dahil kapiling ko muli ang mga kapatid ko. Kaso parang may kulang. At si Kier yung kulang para maging masayang masaya ako. Kailangan ko gumawa ng paraan para makausap at makita ko si Kier. Pero paano? For sure, twenty four seven ako babantayan nung guard na nasa labas ng kwarto ko ngayon. I feel like a prisoner and I'm suffocating in prison.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon