Pagkagising ko, mukha ni Caleb ang una kong nakita. Buhat niya ako na parang bagong kasal. Ano ba nangyari? Bakit ang sakit ng ulo ko? Tumingin ako sa paligid at palabas kami ng isang bar. Nag-inom ba ako? Shit! Susuka ako. Nagkawala ako sa mga bisig niya at tumakbo sa tabi upang sumuka. Nilapitan niya ako at hinawakan ang buhok ko sabay hinihimas ang likod ko. I feel like shit. Pagkatapos kong sumuka, inalalayan ako ni Caleb sumakay sa kotse niya.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko kay Caleb habang nakapikit.
"Tinawagan mo ko. Ihahatid na kita sa bahay ni Kuya." Napamulat ako bigla.
"Wag! Ayoko bumalik doon."
"Bakit? Ano ba nangyari?"
"Nahuli ko siya." Nagflashback sakin yung nangyari kanina. "Nahuli ko siya niloloko ako. Pinaglalaruan lang niya ako."
Tumulo na yung mga luha na kanina ko pang pinipigilan. Nahihiya ako sa sarili ko. I hid my face with my palms. Ayoko makita niya akong umiiyak. Nakakahiya. Feeling ko napakatanga kong tao. Tumigil yung kotse at dahan-dahan inalis ni Caleb yung mga palad ko mula sa mukha ko. Pinahid niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.
"Everything is going to be okay." Niyakap ako ni Caleb. How much I wish it was Kier who is hugging me right now. I'm such a fool. Niloko niya nga ako pero siya parin ang hanap-hanap ko. It took a while for me to calm down. "Okay ka na?"
"Medyo. Salamat Caleb." Pinunasan ko yung mukha ko.
"Walang anuman." Inistart niya muli yung kotse. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero mukhang may alam si Caleb.
"Saan mo ko dadalhin?"
"Sa dorm namin. Doon ka muna magpahinga."
Mabuti naman at siya ang tinawagan ko. Maaasahan ko talaga si Caleb. Dumiretso kami sa dorm niya. Akala ko tulog na ang mga ka-dorm niya pero nung binuksan ni Caleb yung pinto, ang nadatnan ko ay silang lahat nakaupo sa mga kama nila at mukhang hindi sila mapakali. Pumasok kami ni Caleb sa loob at sinarado niya yung pinto. Lahat sila tumingin samin at agad nilapitan kami.
"Kamusta ka na K-Lee? Okay ka lang ba?" Una nagtanong ay si Vince.
"Ano ba nangyari?" Tanong naman ni Denver.
"Masakit ba ulo mo? Gusto mo pagtimplahan kita ng juice? Gusto mo ba ng aspirin?" Tanong ni Chris.
"May nambastos ba sayo? Sabihin mo agad at bubugbugin ko sila." Sabi naman ni Jasper.
Natouch naman ako sa kanila dahil nag-alala sila sakin. Niyakap ko silang lahat. Inassure ko silang lahat na okay na ako at sober na ako. Hinayaan muna nila ako maglinis ng katawan bago sila magtanong. Pagkatapos ko maglinis, gumawa kami ng bilog. Para bang magsha-sharing kami.
"Saan mo gustong matulog cupcake?" Tanong ni Jasper. "Gusto mo matulog ka sa kama ko? Pwede ako tumabi kay Denver."
"Hindi na. Tatabi nalang ako kay Caleb. Pero salamat nalang." I smiled at him.
"So ano ba talaga nangyari K-Lee?" Tanong ni Caleb at nawala yung ngiti sa mukha ko.
I laughed so sad. "Diba sabi ko sayo kaninang umaga gusto ko isurpresa si Kier? Mukhang ako yung sinurpresa niya. Dahil pagdating ko sa kwarto niya, nadatnan ko si Zamantha nakahiga sa kama niya and she was half naked. Sabay lumabas si Kier mula sa banyo at shirtless pa siya."
"Sino si Zamantha?" Tanong ni Vince
"Kaibigan ko." Pait kong sabi.
"Holy shit! That slut and that mother fucker!" Nauusok yung ilong ni Denver.
"Ano ba gusto mong gawin namin sa kanila? Gusto mo bugbugin namin o itorture?" Napachuckle ako sa mga suggestion ni Chris.
"Kahit utol ko siya, handa akong bugbugin siya para kay K-Lee."
"Wag na. It won't be necessary."
"Hahayaan mo lang sila? Kahit na niloko ka nila." Bumalik ulit yung bad vibes ko sa sinabi ni Jasper.
"Pwede bang mamaya nalang tayo mag-usap ulit? Inaantok na kasi ako." Tumango nalang sila at nagsipunta sa kanya-kanyang kama. Humiga ako sa kama ni Caleb. Sumunod siya pagkapatay niya ng ilaw. Pagkahiga niya, niyakap ko siya agad. "Salamat talaga Caleb ha. Kung wala ka, baka nasa kalye ako matutulog ngayon."
"Walang anuman. Kasi mahal kita kaya handa akong gawin ang lahat para sayo. Sige, matulog na tayo. You've been through a lot today." Hinalikan niya ako sa noo. Salamat Caleb, you're my life saver.
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomancePaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...
