Chapter Four

5.5K 145 5
                                    

Ginawa ko na yung mga tungkulin ko. Nagluto, nagdilig at naglinis. The same old routine in the mansion of the devil. Nagpapahinga ako sa porch ngayon. Pinagmamasdan ang harden ng demonyo. Maganda sana kaso pangpatay yung tinatanim niya.

"K-LEE!" Sigaw ni Kamahalan mula sa loob.

Tumakbo ako papasok sa loob at natanaw ko si Kamahalan sa kusina kaya doon ako dumiretso. Nakapamewang pa ang walang hiya.

"Ano 'to?!" Tinuro niya yung tocino na niluto ko. "Anong shit yan?!

"Tocino po kamahalan. Hindi ba familiar sayo? Pagkain po yan para malaman mo." Sinamaan niya ako ng tingin at ginantihan ko rin siya.

"Lumalaban ka na ha! Sige, hindi ka makakain sa araw na 'to! Sinusubukan mo ako. Tingnan nalang natin kung saan ka makakarating dahil sa katapangan mo." Umalis siya at dala niya yung tocino.

Pinanindigan niya talaga yung sinabi niya. Tuwing may niluluto ako either kakainin niya o ibibigay kay Bruno. Para sigurado siya na hindi ako makakakain, nilagyan pa niya ng padlock yung ref.

Tuwing nagugutom ako umiinom nalang ako ng tubig. Pero dahil di ako nakakain, naliliyo ako ngayon. Medyo umiikot ang paningin ko.

Nagpapahangin ako muli dito sa porch. Nasu-suffocate ako sa loob ng bahay ni demonyo. Just thinking about sharing the same air as him makes me choke. Tulad kanina, muli sinigaw niya yung pangalan ko. Kaya pumasok ako sa loob at hinanap ko siya. Nahanap ko siya sa sala at nakapamewang siya ulit. Yung totoo, bakla ba siya?

"Ano po malilingkod ko sayo demonyo?" Tumingin siya sakin. "Este kamahalan."

Binato niya ako ng unan sa mukha. Medyo masakit yung pagbato niya dahil tumama yung zipper sa labi ko. Mas lalong umikot yung paningin ko.

"Wag na wag mo kong babastusin! Halika dito!" He gritted his teeth.

Dahan dahan ako lumapit kay Kamahalan dahil pakiramdam ko any minute babagsak ako. Pagkalapit ko sa kanya, hinawakan niya ako sa balikat at pinilit maglupasay. Medyo harsh yung pagpilit niya dahil kumikirot yung balikat ko.

"Nakikita mo ba 'to?!" Tinuro niya yung sahig.

"Ano ba dapat kong makita?" Mataray kong sabi.

I made a wrong move. Hinawakan niya yung likod ng ulo ko at pinalapit sa sahig. Akala ko nung una isusubsob ako sa sahig. Buti nalang tumigil siya. Konting konti nalang didikit yung ilong ko sa sahig. Tinuro niya yung gasgas na ngayon ko lang nakita. So ano ba meron sa gasgas?

"Ikaw ba ang may gawa nito?!" Sabi niya habang hawak hawak parin yung ulo ko.

"Hindi ko alam." Inosente kong sabi.

"Sino pa ba ang makakagawa nito?! Malamang ikaw lang! Tanggalin mo yan! Hindi ka makakaalis dyan hangga't nandyan pa yan." Lumipat yung kamay niya sa noo ko at tinulak ng malakas. Kaya napaupo ako.

Sinamaan ko siya ng tingin habang naglalaho siya sa paningin ko. Inuutusan nga ako, kailangan niya pang manakit. Kumuha ako ng basahan at nagsimula na ako magkuskos.

Inabutan ako ng siyam siyam kakapunas ng gasgas. Namumula na yung mga tuhod ko, kumikirot yung balikat ko, nahihilo ako at pagod na pagod na ako. Madaling araw na pero ayaw parin matanggal yung gasgas. Umupo ako ng saglit para makapagpahinga. Pero sa kasamaang palad, biglang tumulo yung mga luha ko. I'm really tired. Sumosobra na yung stress, sakit at pagod. Ano ba nagawa ko para mangyari 'to sakin? Wala naman akong ginawang masama para maranasan ang mga ganitong pangyayari. Sa lahat ng tao sa mundo, bakit ako pa?

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon