Chapter Two

7.9K 173 4
                                    

"Mag-iingat kayo ha. Makinig kayo kay Tatay. Pero pag may nangyaring masama, tawagan niyo agad ako. Wag kayo matigas ang ulo kay Tatay." Hinalikan ko yung mga kapatid ko sa ulo. "Mamimiss ko kayo."

Nag group hug kami ng tatlo kong kapatid na sina Kaila, Kyle at Kristine. Mamimiss ko talaga sila. Hindi na bata ang aalagaan ko kundi batang damulag. Pinahid ko yung mga luha nila.

"Mag-iingat ka anak ha. I'm sorry ulit." Hahawakan sana ni Tatay ang balikat ko kaso umilag ako.

"Shut up and don't talk to me. You better take care of them or I'll send you to where you belong bastard." Sinamaan ko siya ng tingin.

Nagpaalam ako muli sa mga kapatid ko bago ako sumakay sa loob ng taxi. Kinakabahan ako. Hindi ako mapakali dito sa loob ng taxi. Natatakot rin ako. Baka mukhang halimaw yung pagsisilbihan ko. Tumigil yung taxi sa isang grey mansion. Walang kabuhay-buhay ang mansion na ito. May mga itim na rosas sa daan na patungo sa front door. Pakiramdam ko mga bampira ang nakatira dito.

Unang pagdoorbell ko, walang dumating. Kaya pinindot ko ng paulit-ulit hanggang may magbukas ng pinto. At mukhang gumana iyon. Dahil bumukas yung pinto at isang lalake na punong puno ng tattoo sa kaliwang braso ang bumungad sakin. Katakot naman yung aura niya. Parang mamamatay-tao siya.

"Sino ka?" Irritable niyang sabi.

"Ako si K-Lee Guzman. Panganay na anak ni Mr. Guzman." I said na walang emosyon.

"Ahh." He smiled evilly. "Ikaw pala ang alipin ko. Pasok ka sa aking kaharian."

He widened the door to let me in. Psh. Kaharian ba talaga ito o impyerno? Pumasok ako sa loob ng impyerno ko. Kung gaano kalungkot sa labas, gayon din dito sa loob. Puro white, black at grey ang gamit dito. Hindi ba uso sa kanya ang rainbow? Baka hindi niya alam na may iba't-ibang kulay bukod sa tatlong kulay na yon.

"Halika, ipapakita ko sayo yung kwarto mo."

Sumunod nalang ako sa kanya. Ang laki at ang lawak talaga ng mansion nitong damulag na 'to. Binuksan niya ang isang storage room. Ang liit ng space. May nakita akong manipis na kutson sa sahig. May mga spider webs pa sa mga gilid gilid ng kisame. Grabe ha. Mas gugustuhin ko matulog sa sofa kaysa dito.

"Dito ka matutulog. At wag kang mag-alala, di ka masu-suffocate sa loob dahil may bintana naman at binutasan ko yung pinto. Doon yung banyo mo." Tinuro niya yung pinto katabi ng storage room este kwarto ko na pala. "Mag-ayos ka muna ng gamit pagkatapos pumunta ka sa living room. But don't keep me waiting. Pag lumipas ang sampung minuto at wala ka pa sa baba, matutulog ka sa dog house katabi si Bruno. Ang aking mahal na pitbull. Kaya bilisan mo."

Nagsmirk siya bago siya bumaba muli. Walang hiya talagang lalakeng 'to. Nagmadali ako mag ayos ng gamit. Wala pang sampung minuto tumakbo na ako papunta sa living room. Akala ko swabe ang pagdating ko kaso nadapa ako at sa harap pa niya.

"What the fuck! Tumayo ka na nga dyan! Baka magasgasan pa ang tiles ko. Pambihira talaga!" Sigaw niya.

"Sorry po." I said sarcastically.

I rolled my eyes at him while getting up. Umupo ako sa sofa niya. Pero di rin nagtagal dahil tinulak niya ako at napaupo ako sa carpet niya. Walang modo talaga ang damulag na 'to! Sinamaan ko siya ng tingin. Kaso parang balewala lang sa kanya.

"Wala kang permisso umupo sa sofa ko! Mas mahal pa nga 'to kaysa sa bahay niyo. Ewan ko lang kung mababayaran mo pag nagkadumi ang sofa ko." He snickered at me. "Kabago-bago mo lang dito ginagalit mo na ako."

Buti pa sayo! Akala naman niya siya lang ang nahi-high blood saming dalawa. Konting konti na lang at sasabog na ako sa galit. Kung halimaw si Tatay, siya naman ay demonyo. Walang galang at ang sama talaga ng ugali niya! Parang wala siyang pinag-aralan.

"Ako ang boss mo kaya dapat kilala mo ko at susunod ka sa lahat ng utos ko! Alam mo ba kung anong pangalan ko ha?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Oo! Ikaw ang one and only Kier Magpantay." Inirapan ko siya.

"Mahusay! Ang unang batas dito sa kaharian ko, bawal na bawal ka pumasok sa loob ng kwarto ko. Pangalawa, dapat parati malinis ang buong bahay ko. Mula sa gate hanggang sa bubong. Dapat malinis rin ang bahay ni Bruno." Blah blah blah.

Lumipad na ang utak ko. Nabo-bored na ako. Kadadami niyang arte, di naman gwapo. Pero ang ganda ng mga mata niya. Pati ang laki ng muscles niya at ang kinis ng mukha niya. What the hell K-Lee?! Kaaway mo siya kaya dapat di mo pinupuri.

"Hey! Stupid daughter of Mr. Guzman!" Kumakaway siya sa harap ng mukha ko kaya tinabig ko ito.

"May pangalan ako!" Nagagalit kong sabi.

"Whatever. Basta gigising ka ng alas-kuwatro at magluluto ka ng agahan. Pagkatapos maglilinis ka. Alright? Siguro naman may kokote ka kaya gamitin mo. You start tomorrow. Bawal ang palpak sa kaharian ko." Diniin niya talaga ang salitang palpak.

"Yes po, kamahalan." I said sarcastically.

"You may go." Walang emosyon niya sabi.

Bumalik ako sa kwarto ko. Gustong gusto ko siyang bugbugin. Sinubsob ko mukha ko sa unan at nagsisisigaw ako. I want to murder him so all of this would end! I could already imagine a whole day following his commands. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maging alipin niya.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon