"Shit! Just great!" Pagdadabog ni Kier. Padabog niyang pinatong yung susi niya sa lamesa sabay umupo sa sofa. Ginulo niya yung buhok niya.
"Ano nangyari sayo? Ama ka na?" Pagbibiro ko.
"Are you nuts?! Hell no!" Pumuputok yung butsi niya. "Yung kotse ko kasi ayaw umandar."
"Then use another car. Karami-rami ng kotse mo tapos yan pa pinoproblema mo."
"Kung yan naman ang gusto kong gamitin ano magagawa mo. Nakakasura talaga!" Ginulo niya muli yung buhok niya.
"Ano bang kotse n'yan?" Tiningnan niya ako na parang nagtataka.
"Yung Dodge Challenger SRT8. Bakit?"
"Titingnan ko." Tinawanan niya yung sinabi ko.
"Ikaw?" Sabay tinuro niya ako. "Aayusin mo ang kotse ko? You must be kidding me." He laughed even more.
"Ayaw mo maniwala? Sige. Papatunayan ko sayo." Tumayo ako at kinuha ko yung susi sabay umalis.
Akala niya ha. Hinuhusgahan niya ako dahil sa kasarian ko. Pero nagkakamali siya. Hindi porket babae ako, di ako maalam mag-ayos ng kotse. Noon, ako lagi ang nag-aayos ng kotse ni Tatay. Tuwing may malfunction yung wiring o yung battery niya, ako yung nag-aayos. Humanda siya ngumanga sa kakayahan ko.
Pumunta ako sa Dodge Challenger SRT8 at sinubukan kong buhayin. Kaso ayaw mabuhay. Binuksan ko yung hood nito. Inobserve ko ang buong engine. Pagtingin ko sa battery, napafacepalm ako. Talagang lalakeng ito. Hindi niya ata binubuksan ang hood ng mga kotse niya. Battery Corrosion ang dahilan kung bakit ayaw umandar yung kotse niya. Dahil sa dumi ng battery connections kaya ayaw mabuhay.
Bumalik ako sa loob ng bahay upang hanapin ang mga kailangan ko. Nakasalubong ko pa si Kier at inasar niya pa ako. Maghintay nalang siya. Pag naayos ko na yung kotse niya, sisiguraduhin ko ingu-ngudngod ko ang pagmumukha niya sa engine. Bumalik ako sa kotse niya at nagsimulang linisin yung battery nito. Kumuha ako ng wrench at tinanggal ko yung mga cables sa battery terminals. Inobserbahan ko yung mga cables at yung battery para makasiguro na walang crack o sira. Nilagyan ko ng baking powder bawat terminal post at kinuskos ko gamit ang isang lumang toothbrush. Kumuha ako ng towel at pinunasan ko yung mga terminal post. Konting lagay ng petroleum jelly at ireplace yung rubber boot. And I'm finish!
"So ano Ms. Car Mechanic? Tapos ka na ba ayusin ang kotse ko?" Diniin niya pa talaga yung salitang 'ayusin'
"Oo. Why won't you check for youself?" Hinagis ko sa kanya yung susi sabay binaba ko yung hood.
"Feisty and such a tease." He said while giggling.
Sumalubong ang mga kilay ko. Ano ba gusto niyang iparating? Konting konti nalang talaga at isusubsob ko siya sa loob ng engine. Pumasok siya sa loob ng kotse niya at pagpihit niya, nabuhay yung kotse niya. Kahit tinted yung kotse niya, alam ko nagulat siya. I smirked at his shock stupid face. Pinatay niya yung engine at lumapit siya sakin.
"I'm impress." He smirked.
"Don't underestimate me, Mr. Magpantay."
"I'll keep that in mind, Ms. Guzman." Inakbayan niya ako. "Tara kain tayo. Nagugutom na ako."
"Anong kakainin natin?" Sabi ko habang naglalakad na kami.
"Yung lulutuin mo."
Binatukan ko siya. "Talagang napakatamad mo kahit kailan!"
"Oo na po. Ako na po magluluto ng merienda natin." He laughed.
Nagulat ako. He's laughing again. Hindi ko alam pero napangiti nalang ako. I could really see him changing. Pero bakit? Paano? Para kanino? Dahil kanino?
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomantikPaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...