Chapter Twenty Six

3.1K 90 4
                                    

Nasa kwarto ako ngayon at kasama ko si Kier. Pinapanuod niya lang ako habang nag-iimpake. May business workshop kasi kami. Mawawala ako ng tatlong araw. Pero kung makapagreklamo itong lalake na nasa harapan ko ngayon parang mawawala ako ng dalawang buwan. Gustong gusto ko makaattend ng workshop dahil may matutunan ako at pili lamang yung kasama rito. At swerte ako dahil napili ako. Kasama rin naman yung tatlo.

"Kailangan mo ba talagang umalis? Hindi ba pwede dito ka nalang." Tinanggal niya yung short na kalalagay ko lang sa loob ng bag ko.

"Hindi pwede babe. Besides, tatlong araw lang ako mawawala. At pwede ba, wag kang makialam sa pag-iimpake ko. Baka biglang dumating sina Kendall." Kinuha ko yung short na tinanggal niya at pinasok ko ulit sa loob ng bag ko. Kaso tinanggal niya ulit.

"Bawal ka magshort doon. Dito lang pwede." Di na ako nagreklamo pa. Baka mas lalong humaba yung pagtatalo namin at lalo lang ako malalate. "Wait may kukuhanin ako."

Lumabas si Kier. Tinapos ko na ang pag-iimpake ko. Hindi naman sobrang layo ng workshop namin. Sa Davao lamang. Ilang oras lang ang biyahe. Hindi ko lang alam kung bakit masyado binibig deal ni Kier. Naalala ko, hindi pa nga ako bihis. Nakabathrobe pa ako. Nagmadali ako nagbihis. I'm almost gonna be late. Sinuot ko na yung bag ko at umalis.

"Everything ready?" Tanong ni Kier.

"Oo."

"Sapat ba yung dala mong damit? Baka naman magkulang. Mas mabuti pa ang sobra kaysa sa kulang."

"Sapat na yung dala ko. May isa pa akong extra."

"May dala kang toothbrush? Toothpaste? Shampoo at conditioner? Deodorant? Baka maamoy nila ang putok mo."

"Oo may dala ako. Grabe ka naman. Wala akong putok." Inamoy ko yung kili-kili ko. Wala namang amoy.

"Dala mo yung passport mo?"

"Opo. Nasa bag."

"Dala mo ba ang cellphone mo at charger?"

"Opo. Tara na, malalate na ako." Umalis na kami at sumakay na sa kotse niya. Tumingin ako sa relo ko at malapit na ang meeting time namin. Binilisan niya ang pagtakbo ng kotse. "Aalagaan mo ang sarili mo habang wala ako ha. Bawal ang junk foods pag walang laman ang tiyan mo. Kanin muna bago junk foods. Wag ka masyado magpupuyat. Tandaan mo ilock yung pinto pag matutulog ka at pag aalis ka nang bahay. Lagi magsi-sipilyo pagkagising sa umaga, pagkatapos kumain ng tanghalian at bago matulog. Maglagay ng petroleum jelly sa paa mo at magsuot ng medyas bago ka matulog."

"Opo Mommy Baby. Gagawin ko po lahat ng iyon." Ngiting ngiti pa yung loko. Lagi siya natutuwa tuwing nag-aalala ako sa kanya o may pinapaalala ako sa kanya para maging malusog siya. Nakarating na kami sa University at hindi pa ako late. "Eto nga pala. Nagbake ako ng cookies para may makain ka sa flight mo. At nagdala ako ng jacket para hindi ka lalo lamigin."

Inabot niya sakin ang isang supot at yung jacket. Nakashirt ako at nakasweater pa. Pero tinanggap ko parin yung jacket. Ayoko masayang ang effort niya. Bumaba si Kier at pumunta siya sa side ko at binuksan yung pinto ko.

"Salamat babe." Niyakap niya ako.

"Mag-iingat ka doon ha. Tawagan mo agad ako pag nakarating ka na doon. Mamimiss talaga kita."

"Mamimiss rin kita, Kier. I love you."

"I love you too." Hinalikan niya ako sa noo at sa labi.

Hinintay niya ako pumasok sa loob ng main building bago siya umalis. Dumiretso ako sa Faculty Office dahil doon ang hintayan namin. Nakita ko agad yung tatlo at nilapitan ko sila.

"Buti pinayagan ka ng boyfriend mo na sumama ka sa workshop." Sabi ni Zamantha.

"Oo nga. Napakasupportive niyang boyfriend kahit pinilit niya ako magstay kanina." I chuckled at Kier's silliness.

"Sino nalang kasama niya sa bahay?"

"Wala. Siya lang."

"Wala ba kayong katulong? Sino nalang mag-aalaga sa kanya habang wala ka?" Nakapagtaka ang pananalita ni Zamantha.

"Wala. Kaya naman niya ang sarili niya. Hindi na siya bata." Medyo naiirita ako.

Kinausap ko nalang si Justine para mawala yung inis ko. Naikwento niya sakin na si Caleb ang naghatid sa kanya rito. Nagexchange sila ng mga numbers at lagi sila magkatext at magkatawagan. Tinanong ko siya kung may feelings na at umoo siya. Magkakalovelife na ang best friend ko. Sana magiging masaya sila tulad namin ni Kier.

Nang makumpleto na kami, umalis na kami at pumunta na sa airport. Excited ako sumakay sa airplane. First time ko kasi makasakay sa airplane. Kaso lang ang katabi ko ay si Zamantha. Wala naman kaming problema at hindi kami nag-aaway. Pero tuwing si Kier ang pinag-uusapan namin parang iba ang aura niya. Speaking of Zamantha, may biglang tumawag sa cellphone niya at mukhang hindi good news.

"Sir, I'm sorry pero kailangan kong umalis. Nasa ER ang lola ko ngayon at kailangan ko siyang puntahan." Pagpapaalam ni Zamantha sa head professor na kasama namin.

"Sige Ms. Dela Cruz. I hope your grandmother gets well."

"Thank you sir." Tumingin si Zamantha samin. "Sorry girls, ikwento niyo nalang sakin pagbalik niyo."

Niyakap niya kami. Pero ako talaga yung hinuli niyang niyakap.

"Sorry K-Lee, ikwekwento ko nalang sayo pag may nangyari." Bulong ni Zamantha.

Hindi ko naintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Bago ko matanong, tumakbo na siya palabas ng airport. Ano ba ibig niyang sabihin na ikwekwento niya sakin pag may nangyari? At bakit ba siya nagso-sorry? Bakit parang may masama akong kutob sa sinabi niya? Why do I have the urges to go home?

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon