It has already been three months since K-Lee was in a coma. But earlier this morning, she finally woke up. Its a good and bad thing. Its a good thing because she finally woke up and she is still alive. But the bad thing is, its my time to leave. Kailangan ko sumunod sa usapan namin ni Mr. Guzman. Bumalik ako sa hospital nung gabi. Magpapaalam na ako kay K-Lee. Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni K-Lee, nakasalubong ko si Mr. Guzman.
"Mr. Guzman, tulog na po ba siya?" Tanong ko.
"Oo. Pero anong ginagawa mo dito?"
"Magpapaalam lang po ako." Tumango nalang siya ay nilampasan niya ako. Dahan-dahan ko binuksan yung pinto sa kwarto ni K-Lee. Natanaw ko siya natutulog ng mahimbing sa kama niya. Umupo ako sa tabi niya at hinahaplos ko ang buhok niya.
"Salamat dahil nagising ka na. Salamat dahil buhay ka pa. Wag ka na magpapagutom ha. Gusto ko pag nagkita tayo ulit, malusog ka na at malaman ka na. Ayoko na makatanggap ng tawag na nasa hospital ka. Dahil babalikan talaga kita at pepektusan kita sa leeg."
Naiimagine ko yung magiging reaction ni K-Lee kung sinabi ko yan sa kanya habang may malay siya. Sigurado tatawa siya at hahamunin niya ako kung kaya ko talaga. Pero syempre hindi ko kaya. Mahal ko eh. Bakit ko siya sasaktan.
"Mag-aral ka ng mabuti ha. Wag mong aatupagin ang mga lalake. Bawal makipagtext sa lalake, bawal makipagskinship sa lalake, bawal manghiram ng kahit ano sa lalake at bawal makipaglandian sa lalake. Bawal ang boyfriend. Dahil you're my property! Akin ka parin kahit sa tingin mo wala na tayo."
Alam ko para akong obsessed sa kanya pero mahal ko talaga siya. Madamot talaga ako pagdating sa kanya. Napakaclingy ko sa kanya. Ayoko nang may kahati. Kasi nga akin siya.
"Pasensya na dahil wala ako sa tabi mo nung nagising ka. Balita ko, pangalan ko ang una mong binigkas. Nakakaproud naman babe. Hinahanap-hanap mo parin ako."
Gumalaw siya kaya nagtago agad ako. Buti nalang false alarm lang. Kinabahan tuloy ako. Bumilis yung tibok ng puso ko. Umupo ako ulit at pinagpatuloy ko ang paghaplos sa buhok niya.
"Pasensya na dahil mawawala ako ng limang taon. Hindi ko gusto pero kailangan natin tiisin kung gusto mo tanggapin ako ng tatay mo. Kahit napakatagal, titiisin ko dahil mahal kita. Pero wag kang mag-aalala, babalik naman ako. Babalikan kita. Hindi maaaring hindi."
Nagsimula tumulo ang mga luha ko. Ngayon pa lang, nahihirapan na ako. Nahihirapan ako magpaalam at iwan siya. Pero kailangan namin 'to. Hinawakan ko yung kamay ni K-Lee.
"Wag ka sanang magagalit sa desisyon ko. Dahil pumayag ako para sa ikabubuti mo. Maiintindihan mo rin balang araw. Basta hihintayin mo ko ha. Wait for me to come back. Wait for me and let us continue our love story. Wag kang mag-alala dahil hindi ako maghahanap ng iba. Hindi rin ako magmamahal ng iba. Dahil kuntento na ako sayo K-Lee. Mahal na mahal na mahal kita. But for now, I need to say good bye. Or better yet, see you soon."
Hinalikan ko yung kamay niya at yung noo niya. Pinagmamasdan ko ng mabuti yung mukha niya. Baon ko para sa limang taon. Umalis na ako bago magbago ang isip ko. See you soon, my love.
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomantikPaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...