(Kier's POV)
Nasa opisina ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Mr. Guzman. "Hello Mr. Guzman, ano po kailangan niyo."
"Maaari ka bang pumunta rito sa hospital? Kailangan ka ng anak ko." Hospital? Anak? Shit! Si K-Lee!
Nagmadali ako umalis at dumiretso sa hospital na sinabi ni Mr. Guzman. Tumigil ako sa front desk. "Nurse saan ba kwarto ni K-Lee Guzman?"
"Room 103 sir." Wika nung nurse.
Tumakbo na ako papunta doon. Pagpasok ko sa Room 103, parang binagsakan ako ng mga malalaking bato sa balikat. Shit K-Lee. Ano ba nangyari sayo? Lumapit ako sa kanya. I held her bare face. And I felt a tear fell on my cheek. I could see my hands shaking.
"Mr. Magpantay." Lumingon ako sa nagmamay-ari nung boses na tumawag sakin. "Maaari ba kitang makausap sa labas?"
Tumango ako. Sinulyapan ko si K-Lee bago ako sumunod kay Mr. Guzman papasok sa isang private meeting room rito sa hospital. "Mr. Guzman, ano pong kundisyon ni K-Lee?"
"She's in a coma." Nagulat ako sa balita ni Mr. Guzman. Nanghina bigla ang mga tuhod ko at napaupo sa isang upuan. "Its all because of starvation."
"Ano?! Hindi mo ba siya pinapakain?!" Nagagalit kong sabi.
"Pinapakain ko syempre! Anak ko parin siya! Siya ang may ayaw kumain. She kept ignoring her food. She would only lay down. Nothing else. She wouldn't even drink water." Mr. Guzman said hysterically.
"I'm sorry, Mr. Guzman. I shouldn't have snapped." I calmed myself down. "Any estimate day when she'll wake up?"
"The doctor says she'll probably wake up in about two to three months. But he isn't quite sure." He sighed. "Mr. Magpantay, I have something to give you."
Inabutan ako ni Mr. Guzman ng kontrata. I looked at him confused. "Para saan 'to?"
"It's a contract, Mr. Magpantay. I'll allow you to be with my daughter while she's in a coma. But the day she wakes up, you shall never see her again."
Napalaki ang mga mata ko. Napatayo ako sa sobrang galit. "Seryoso ka ba sa kontrata na 'to?! Diba dahil sa stubbornness mo ay kung bakit nasa ganitong sitwasyon si K-Lee ngayon. Bakit kasi di mo siya hayaang sa kagustuhan niya? You're only hurting her even more!"
"Wait! Let me finish. You shall never see her again. But after five years, I'll allow you to date my daughter. I'll even approve for marriage. Basta five years from now."
"Bakit pa?! Bakit di nalang ngayon? Mas kailangan niya ako ngayon?!"
"Kaya nga pumayag ako na bantayan mo siya habang nasa coma pa siya. Please Mr. Magpantay, makicooperate ka naman sakin."
"No. I disapprove your contract." Pupunitin ko na sana yung kontrata nang pigilan ako ni Mr. Guzman. Bigla siyang lumuhod sa harapan ko.
"Please Mr. Magpantay, I'm begging you. Gusto ko five years from now para makapagtapos siya ng kolehiyo. Sa tingin mo ba, magfo-focus siya sa pag-aaral niya pag nandoon ka. Hindi dahil iisipin ka niya. Sabihin natin may event ka at gusto mo na kasama siya. Pero may exam siya kinabukasan? Sino sa tingin mo ang pipiliin niya? Ikaw diba. Kasi handa siyang iwan ang lahat para lang sayo. Alam ko kaya mo siyang sustentuhan pero kahit papano, gusto ko maging successful siya sa buhay niya. Gusto ko may maachieve siya. Kaya nagmamakaawa ako sayo, Mr. Magpantay. Please, pumayag ka sa kontrata. Paglipas ng limang taon, hindi na ako makikialam sa pagmamahalan niyo ni K-Lee. Please." There was sincerity in his voice and in his eyes.
Nag-aalinlangan pa ako. Pero lahat ng sinabi niya ay totoo. Kilalang kilala ko si K-Lee. Mas uunahin niya pa ako kaysa sa anumang bagay. Gayon rin naman ako sa kanya. Handa akong ibigay ang lahat sa kanya. Siguro kailangan ko siya pagbigyan ngayon. She needs to focus on her studies.
Napabuntong hininga ako. "Saan ako peperma?"
Tumayo si Mr. Guzman at tinuro niya. Pinermahan ko yung kontrata. "Maraming maraming salamat Mr. Magpantay."
"Sige." Iniwan ko siya doon at bumalik sa kwarto ni K-Lee. Sana mapatawad mo ko K-Lee. But its for your own good. Maiintindihan mo rin yung desisyon ko.
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomansPaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...