Dedicated to: Un_seen miss na kita Friend...
Sophia's P.O.V
My Dear Maker, I need more strength. I need you now. Please don't leave me 'til I'm done dealing with him. Please...
I took a deep breath. Maybe, twice...? Fine, I must admit, more than ten times na ata. Kinabahan na kasi ako, eh.
Kaya mo to Sophia! Kakayanin mo para sa pamilya mo!
No! Hindi ko to kaya. Paano ko ba sasabihin sa kanya?
Okay, calm down Soph. Kailangang pag-isipan ng maigi.
Practice makes perfect!
Tama! Ahmm... Paano ko ba simulan? Ah, ganito na lang...
Halos ikinabaliw ko ang pag-iisip ng paraan kung paano ko sasabihin sa kanya yung proposal ko para sa ikabubuti ng aming pamilya.
Mr. Gavin Berrones, I have an interesting offer to you which is surely you can't turn it down... Masyado namang cold and professional.
How about this...? Mr. Berrones, I will offer my life and even my gorgeous body to you, just say YES to me... Ugh... Ayoko kasi ang landi pakinggan at saka pointless.
Kainis naman to, oh... Okay, last na to... Mr. Gavin Berrones...
Naputol yung pag-papraktis ko nang may biglang kumatok sa labas ng bintana ng aking kotse, mismo sa tapat ko. Tumingala ako.
Bumungad sa akin ang isang mamang nakasuot ng puting pulo na nakatayo sa tapat ng bintana habang nakangiti. Medyo may edad na to.
Si mamang security guard pala.
Ibinaba ko agad yung salamin ng aking kotse upang marinig ko yung sinabi nito. Napansin ko kasi na parang may sinasabi siya kaya lang di ko marinig ng maayos.
"Ma'am, good morning ho sayo," bati nito sa akin habang nakangiti pa rin.
"Good morning din sayo, Manong Guard." Gumanti rin ako ng isang matamis na ngiti. Ang sama ko naman pag-tinarayan ko pa to dahil sa pang-iistorbo nito sa akin, ang aga-aga pa naman. "Ano pong kailangan niyo?" tanong ko nito.
"Eh, ma'am, medyo nakaharang ho kasi yung kotse niyo. Mahirap na baka magka-traffic ho tayo dito sa parking area, ma'am. Ang dami na kasing nag-sidatingang empleyado." Paliwanag nito habang pakamot-kamot sa kanyang ulo.
Oh crap! Hindi pa pala ako nakapag-park ng maayos. Hay naku, Sophia, kahit kailan napakatanga mo talaga...
Lately, napaka-absent-minded ko na kasi dahil sa dami ng aking iniisip.
"Ah ganun po ba. Pasensiya na po manong. Ang dami ko ho kasing iniisip, eh..." Isa na ho yung boss niyo dun... Pabulong kong sabi.
"Ano ho, maam?" kunot-noong tanong nito.
"Po? Ah, wala... Wag niyo na lang ho akong intindihin, manong..." I retorted, stuttering. Naku napalakas ko yata yung pagsabi ko nun. "Sige po, ipa-park ko lang ho ng maayos itong kotse ko."
"Sige po, maam..." Humakbang to papalayo sa akin upang dumistansiya. Nakita kong suminyas to sa akin kung saan yung bakanteng area na puwede ko iparada yung kotse.
Sinunod ko yung itinuro nitong direksiyon at ipinarada kaagad ng maayos yung kotse ko. I decided to check myself first on the mirror just to make small changes of my make up before stepping out from my car. Ayokong magmukhang manang o haggard sa paningin ni Mr. Berrones.
YOU ARE READING
The Exchange Deal (TBS: Book 1)
General Fiction[THE BACHELORS SERIES - Book 1] GAVIN BERRONES When Sophia's family business turns unstable, she has to make a decision to save it. She plans to make a deal with one of the hottest bachelors in town, for the goodness of everyone. But what about her...