Chapter 47 - First Night

5.4K 176 7
                                    

Sophia

[This part contains strong languages. Young readers, please be guided.]

I had no choice but to go home with my husband. Gavin was right. Magtataka ang mga magulang ko if hindi ako sasama kay Gavin pauwi after our wedding reception. Kahit kinabahan pinili ko pa rin na sumama sa kanya.

Habang bumiyahe kaming pauwi binalot ng nakakabinging katahimikan sa loob ng kotse. Walang ni isa sa amin ang nagkalakas-loob na magsalita. Seryoso lang din nakatingin sa harapan si Gavin habang nagmamaneho. Pero bigla kong naisip na wala akong mga damit sa bahay nito.

"I... I have to go home first on my parent's house tonight dahil wala akong mga damit sa..."

But he cut me off. "Wag mo ng isipin yung mga susuutin mo sa bahay natin. Ipinagbili na kita," walang emosyon niyang sambit. Naka-focus pa rin yung atensiyon niya sa harapan.

"Marami na akong damit. Yung iba nga hindi ko pa nasusuot..."

He cut me off again. "Asawa kita. May karapatan akong ipagbili ka ng mga bagong gamit."

"Hindi ko kailangan ang..."

"Soph, please, I'm tired. Puwede ba wag na nating pagtalunan yan," putol na naman niya sa akin.

"Fine!" inis kong sabi.

"Oo nga pala, aalis ako bukas papuntang ibang bansa and you're coming with me," sabi nito na nakapagpagulat sa akin.

My eyes widened and I intended to raise my brow dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya sa akin. Inis akong tumitig sa kanya.

"I. am. not. going. anywhere. with. you. Mr. Berrones!" I huffed.

"Yes, you are, Mrs. Berrones. Naka ready na yung ticket natin. We're living as early as we can," kalmado niyang saad.

"Hindi mo ba ako naririnig?" Mas lalong uminit yung ulo ko dahil parang wala lang sa kanya yung pagtaas ng boses ko.

He didn't say anything and remained silent 'til we already arrived in front of his house. It was the second time around na nasilayan ko yung malaki at maaliwalas na bahay ng mga Berrones. The gate had opened with the help of Lino at umabante si Gavin para tuluyan na nitong ma-ipark ng maayos yung kotse sa malaking garage.

Suddenly, I remembered what he told me before that after we got married we're going to stay in his new house. But as far as I know, hindi ito ang bago niyang biling bahay. Siya na rin mismo ang nagsabi sa akin nun nung andun pa kami sa kanilang hacienda. Baka si Sabrina yung gusto niyang makasama sa bago niyang biling bahay? Ugh. I hate her! I hate him!

Naglaho bigla yung mga iniisip ko nang makita ko siyang nasa labas na ng kotse. Binuksan niya yung pinto at inilahad ang kamay para alalayan akong makababa. Hindi ko siya pinansin. Pero sadyang matigas at manhid siya kaya wala na rin akong nagawa pa. He won and held my hand, hanggang tuluyan na kaming nakapasok sa may double-door.

Tahimik lang ang buong kabahayan. Hindi pa din kasi umuuwi si Yaya Beth at yung mga ibang katulong. Nagpaiwan muna sa reception area at si Lino na ang bahalang bumalik dun para kunin ang mga to. Tanging ako at si Gavin lang ang nasa loob ng bahay. Biglang lumakas yung pintig ng puso ko sa iisiping no one could protect me if he would try to do something not good to me.

"You already know where's our room, Sweetheart," malumanay niyang tugon at saka binitawan yung kamay ko.

"S-Sa guestroom ako matutulog," kabado kong sabi.

Humakbang siyang papalayo sa akin at biglang huminto. "Lahat ng kwarto dito ay okupado. Kung gusto mo dito na lang ako sa living room matutulog mamaya."

The Exchange Deal (TBS: Book 1)Where stories live. Discover now