Chapter 2 - Tasteful

9.5K 245 55
                                    

Dedicated to:ShielaOliveras13

Marahan kong itinulak yung pinto nung narinig ko yung boses ng babae na nagbigay sa akin ng permiso na maaari na akong pumasok sa opisina ni Gavin Berrones.

Bumungad sa akin yung nakangiting babae na medyo may halong pagtataka yung mukha nito. I stared at her. She had a beautiful face, long black hair and slender body. Medyo matangkad din to, lalo pa't nakasuot to ng heels. Bagay din sa kanya yung suot niyang black blazer with pink blouse underneath and black miniskirt. Good taste!

"Good morning, Maam! What can I do for you?" tanong nito habang nag-pafile ng kung ano-anong folder sa table nito. Abala to. Pabalik-balik ng lakad papuntang shelf sa isang corner then pabalik naman sa table nito.

"Miss, gusto ko sanang maka-usap yung boss mo," sagot ko nito.

Bigla tong tumigil at tumitig sa akin. "Okay, pero may appointment po ba kayo?"

My brow arched.

Appointment? Wala... Eh, ano ngayon? "Do I have to?" Kunot noo kong tanong nito.

"Kailangan po, Maam. Masyado po kasi siyang abala ngayon. Maraming kliyenteng kailangang imi-meet."

"I'm sorry but I don't think na kailangan ko pang magpa-set ng schedule just to meet him... Excuse me." I turned away and walked towards the other door ahead. I knew it was his damn office.

"Miss Campoverde, hindi ho kayo pwedeng basta-bastang na lang pumapasok diyan.." saway nito sa akin.

See? Everyone knows who I am, so why the heck I'm not allowed to enter on his damn office!?

I just ignored her. Nagpatuloy ako sa paglakad patungo sa isang pinto and when I was already in front of it, I took a deep breath.

This is it Soph! You can do it!

Binuksan ko yung pinto at bumungad sa akin yung malaking opisina. Maganda yung desinyo nito, moderno yung dating, talagang pang-lalake yung tema.

May malaking couch na kulay itim sa kaliwang banda. Yung kisame naman simple lang but it looked so elegant with the oval silver-color design at the center. May malaking mesa, a glass table to be exact, malapit sa dingding na salamin.

Actually, salamin ata yung buong dingding na nakaharap sa labas. Halos kitang-kita kasi yung buong siyudad at yung ibang nag-tataasang gusali.

Ang lamig ng buong opisina, sobrang lamig talaga. Para bang sinadya ata. Well, desisyon niya yun, sa kanya naman tong opisina na to.

Walang gaanong gamit sa loob. At napa-kalinis. Lahat ng books na nakalagay sa shelf sa kaliwang banda ng table niya ay naka-organize by its spine colors.

I'm impress! After all, this man has a good taste.

He was sitting on his black swivel chair which was placed in front of the glass table while typing something on his laptop. He never even bothered to check kung sino yung pumasok.

Tinanggal ko muna yung sunglasses ko bago tumungo sa kanyang table. I walked firmly towards him. Humugot ako ng malalim bago nag-salita as I was already standing in front of his table.

"Mr. Berrones, we need to talk." Oh, I forgot to greet him. Bahala na!

He never said a word. What the heck! Do I have to stand here for the whole day just to wait kung kelan di ka busy?

Biglang bumukas yung pinto, napalingon ako. Nakita kong pumasok yung babaeng sumaway sa akin sa labas kanina. Executive Secretary role!

"Pasensiya na po, Sir Gavin, hindi ko siya napigilan..."

The Exchange Deal (TBS: Book 1)Where stories live. Discover now