Sophie
Gusto sanang pumasok ni Gavin saglit sa shop ko kaya lang biglang tumawag yung secretary niya at sinabi nito na may kailangan siyang i-memeet ngayon na kliyente galing ibang bansa. Nakita ko yung pagkadismaya ng kanyang mukha bago pumasok ulit sa kotse niya. Namiss ko na naman siya.
Nasa labas pa rin ako ng shop habang minasdan yung kotse nito na papalayo sa paningin ko. Nang hindi ko na to matanaw tuluyan na rin akong humakbang papasok. Bukas na yung shop dahil yung isa kong susi ay ipinagkatiwala ko sa isa sa mga tauhan ko. May tatlo na akong branches ng Sophie's Garden at balak kong magbukas ng isa pang flowershop within this year. Itong shop na nasa harapan ko ay ang pinakauna kong nabuksan at ang simula ng pagbago ko ng career noon. May sarili din akong farm sa ibang bayan.
Pagpasok ko ng shop, nadatnan ko yung mga tauhan ko na abala sa mga kani-kanilang trabaho.
"Good morning po..." biglang tumigil yung tauhan kong babae sa pagsasalita at nanlaki ang mga matang tumitig sa akin.
"Shiela, are you okay? Para ka atang nakakita ng multo diyan," patawa kong saway sa kanya. Alam ko na kung bakit ganyan ang reaksiyon niya. Nagulat to sa aura ko ngayon. Kadalasan kasi jeans at shirt lang ang sinusuot ko sa tuwing pumupunta ako ng shop.
"Eh, Miss, ang ganda niyo po ngayon at napaka-blooming pa," nakangiti nitong sabi.
I smiled.
"Inlove kasi eh," sabat ng isa pang babae kong empleyado habang nag-aarange ng mga bulaklak.
"Bagay talaga kayo ni Sir Gavin, Miss," ani Shiela.
"Kayo talaga, wala na kayong ibang nakita kundi ako," sabi ko habang kinuha yung isang puting rosas at inamoy to. Kaugalian ko ng gawin na amuyin ang mga bulaklak naming display pagkarating ko ng shop. Nakakagaan kasi ng pakiramdam yung mabangong amoy nito. Nakakawala ng stress.
"Good morning po sayo, Miss Sophie," bungad ng delivery boy namin pagpasok nito ng shop.
"Good morning..." ganti ko.
"Good morning po, Miss. Tumawag nga po pala si Mrs. Crisostomo kanina. Ang gusto po nitong concept para sa kaarawan ng kanyang asawa ay mala paraiso raw. Gusto nito na maraming bulaklak ang nakapaligid sa buong reception area," seryosong saad ng assistant kong si Monna.
"Okay. Walang problema. Ibigay natin sa kanya yung gusto niyang mangyari," nakangiti kong sabi. "Kelan nga pala yung kaarawan ng asawa nito?"
"Sa makalawa na po."
I nodded, heaving a sigh. "Okay. Tawagan mo yung mga tauhan natin sa farm at nang bukas na bukas ay mai-dedeliver na nila yung mga bulaklak."
"Okay po," matipid na sagot nito.
"Maiwan na muna kita dito. I'll have to check my email. Baka kasi may nag-email sa akin na regular customer natin."
"Sige po, Miss. Ahm... Miss, Sophie, bagay nga po pala sayo yang suot niyong damit," ngumiti to ng mapanukso.
"Salamat, Monna." Pagkatapos kong sabihin yun umalis na rin ako sa harapan nito at tinungo yung opisina ko sa dulo. Noon pa man kasama ko na si Monna. Pagdating sa financial at sales talk ng Sophie's Garden, I trusted her that much.
Pagpasok ko ng opisina, nagulat at napamangha ako. Ang dami kasing bulaklak na nakalagay sa iba't-ibang klaseng vase. Nakapalibot to sa iba't-ibang bahagi ng silid. At sa gitna ng mesa ko ay may nakapatong na malaking bouquet ng pink tulips.
From that moment, I knew it was him who wanted to make me smile. Muntik na akong maiyak. Lumapit ako sa mesa at ipinatong yung bitbit kong bag. Kinuha ko yung bouquet at inaamoy yung mga bulaklak. I loved the smell. It smelled like Gavin. Fresh and unresistible.
YOU ARE READING
The Exchange Deal (TBS: Book 1)
Ficción General[THE BACHELORS SERIES - Book 1] GAVIN BERRONES When Sophia's family business turns unstable, she has to make a decision to save it. She plans to make a deal with one of the hottest bachelors in town, for the goodness of everyone. But what about her...