Gavin
[Dedicated to YkhashyneJimenez]
Halos sumabog yung puso ko sa sobrang sikip nang marinig ko yung gumaralgal na boses ni Sophie habang kausap ko siya sa phone. She was deeply hurt, I could feel it. I wanted to be with her, telling her that I would never stop loving her no matter what.
It was Seth Amores' deadly fault. Pagsisihan niya tong panggugulo sa buhay namin ni Sophie.
Napatiim ang bagang ko nang tumawag sa akin kanina yung binayaran kong tauhan na nagbabantay kay Sophie. Simula nung dumating ako galing Spain, I decided to hire someone to protect my woman. I couldn't be with her all the time. Ang daming puwedeng mangyari sa isang minuto. So, I had to do my best to make her safe always.
At sa tingin ko, mukhang nakakabuti yung pagkuha ko ng tauhan dahil nalaman ko agad yung panggugulo ng Amores na yun kay Sophie.
Nang makita ko yung malungkot na mukha ng babaeng mahal ko habang nakapikit ang mga mata niya, sumikip lalo yung dibdib ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Ngunit ang mas masakit, hanggang ngayon ay apektado pa rin si Sophia sa lalakeng yun. Hanggang ngayon ay kaya pa rin paikutin ni Seth yung mundo ng babaeng nararapat lang sa akin.
Sophia is mine, always mine!
Amores, you really give me a fuel to fight back and tear your world apart! Maghintay ka lang! Walang talunan sa mga Berrones! Let the games begin!
"Hey, ayaw mo ba talagang kumain ng cake?" Natauhan ako bigla nang marinig ko yung malamig na boses ni Sophie. I smiled contentedly while studying her beautiful face.
"Sayo na yan, alam ko naman na kukulangin ka pa niyan," muntik na akong matawa pagkatapos kong sabihin yun. She grimaced.
"Grabe ka naman... By the way, saan mo nga pala nabili to? Ang sarap kasi," saka nagsubo uli.
"Ahmm... Somewhere..." I slightly shrugged my shoulders. Kung alam lang niya kung anong pinaggagawa ko para lang makabili ng fruitcake na yan.
"Sir, pasensiya na po, close na po kami," saad ng babae.
"Miss, kailangan ko talagang makabili ng fruitcake, yung... yung misis ko kasi..."
"Sorry po talaga, Sir, pagagalitan ho kami pag binuksan ho namin tong pinto."
"What the hell! Hindi niyo ba ako kilala!" inis kong singhal sa kaharap ko.
Nagmatigas yung babae at pinatayan pa ako ng ilaw.
"Hoi, Miss, ano ba!" Damn it! Mabilis akong sumakay ng aking kotse upang maghanap ng ibang cakeshop.
Sa di kalayuan, nahagilap ng mga mata ko yung isang shop at mukhang bukas pa to. Agad kong pinarada yung kotse sa harapan ng gusali at nagmadaling lumabas.
Pag pasok ko, kaagad na nahagip ng dalawa kong mata yung fruitcake na naka-display sa loob ng isang aparador na gawa ng salamin.
"Magandang gabi po, Sir," narinig kong bati ng babae.
"Miss, gusto kong bilhin yang fruitcake niyo."
"Eh, Sir, hindi na po yan pwede."
My brows furrowed. "Why?"
"Naka-reserve na po yan."
"Reserve? Okay, how much is it? I'll pay you double or triple, just name it..." inis kong turan.
YOU ARE READING
The Exchange Deal (TBS: Book 1)
General Fiction[THE BACHELORS SERIES - Book 1] GAVIN BERRONES When Sophia's family business turns unstable, she has to make a decision to save it. She plans to make a deal with one of the hottest bachelors in town, for the goodness of everyone. But what about her...