Chapter 4 - Unexpected

7.4K 246 26
                                    

Halos tumagal ng tatlong minuto yung pagtayo ko sa harapan ng malaking salamin ng aking closet. Actually, kanina pa ako tapos sa pagbibihis. Kaso, ang bigat ng mga paa ko. Parang ayaw nito humakbang paalis ng aking unit.

Kung dito na lang kaya ako? Sa totoo lang, ayokong umuwi dun sa malaking bahay namin. Parang umuurong talaga yung mga paa ko.

Hindi ko kasi kayang magsinungaling kina Daddy. Paano ko ba sasagutin yung mga naghihintay nilang katanungan para sa akin? Ugh...

It's your fault Gavin! Ang kapal ng mukha mo na ibalita sa lahat na engage na tayo!

My answer is still no, Miss Campoverde! Nakalimutan mo na ba yun? Nakalimutan mo na ba yung pang-iinsulto mo sa akin? Well, ako, hindi! Hinding-hindi ako magpapakasal sayo! Magdusa ka! Harapin mo yung kahihiyan mo!

Tingnan ko lang kung ano ang magiging reaksiyon mo kung magpapatawag din ako ng presscon bukas at sasabihin ko sa buong mundo na hindi kita kilala...

I took a deep breath, trying to calm myself so I could think straight.

Malaking eskandalo kasi ang mangyayari pag-gagawin ko yun. Madadamay yung buong angkan ng Campoverde. Lagot ako. Ano ba tong napasok ko? Napasubo ata ako.

Humugot na naman ako ng malalim. Kailangan kong pag-isipan ng maigi ang lahat ng ito.

Think positive, Sophie...

Tiningnan ko ulit ang aking sarili sa salamin.

Okay na ba tong suot kong damit?

Well, I was wearing Erald off shoulder dress with floral accent.

Napagtanto ko na masyadong maiksi yung suot kong damit, baka mapagalitan pa ako ni Lolo nito. Bahala na nga... Sayang naman kasi pag di ko susuutin, bigay pa naman to ni Zaza last Christmas. Baka pag nakita nito na suot ko to mawawala yung tampo niya sa akin. Pinili ko ring suotin yung silver 4-inch open toe heels.

It's a family dinner as what my dad stated. Kaya sigurado ako na andun yung buong angkan ng Campoverde. Hinihintay yung sagot ko. Masisiraan na talaga ako ng bait nito. Please help me, Dear God...

Sana sinabi na lang ng Gavin na yun na break na kami instead of breaking a stupid news to the whole world, I'm engage with Sophia... Blah... Blah... Blah...

I was so worried kung ano yung naging reaksiyon ni Daddy nung nakita nito yung balita? He was so strict when it comes to my suitors.  Hindi nito tinitingnan yung estado ng pamilya ng lalaking makasama ko habambuhay, yun yung palagi nitong sinasabi sa akin but I could tell how his eyes disagreed with his mouth. He's my father kaya naiintindihan ko yun. Poor Daddy! Alam kong ikinagulat nito yung balita.

Pero pagdating kay Mommy, alam kong tuwang-tuwa to sa kalokohan ni Gavin. Nun pa kasi ako kinukulit nito kung kelan na daw ako mag-aasawa. Ba't si Kuya, wala bang kwenta? Dapat siya yung maunang mag-sesettle down. Ang bata ko pa kaya. I am just 25 years old. Bata pa kaya nun para matali sa isang sitwasyon na walang atrasan! Ang dami ko pang gustong gawin.

Bahala na nga... I will tell them the truth about me and Gavin.

I don't give a damn kung ano ang magiging reaksiyon nila!

Samu't-saring problema at sitwasyon ang nagliparan sa isipan ko. Nakakalito. Nakakabahala. I was really torn.

Handang-handa na ako. Kaya nagmadali akong lumabas ng aking kwarto with my silver purse at hand. Pinuntahan ko kaagad yung kabilang kwarto na kasalukuyang ginagamit ni Zaza.

"Zaza, are you done?" tawag ko nito habang nakatayo sa labas ng pinto. Tumagal ng sampung segundo, wala pa rin akong narinig na sagot galing sa loob. Kaya minabuti ko na lang na bigyan to ng panahon para makapag-isip ng bagay-bagay.

The Exchange Deal (TBS: Book 1)Where stories live. Discover now