All rights reserved.
Copyright © Ladysnowdrop_elm, 2015
Tumingin ako sa labas. Nakita ko ang isang mataas na gusali. Maaliwalas at maganda sa mata yung kulay nito na oak white at may halong golden brown in every corner. The concept was classic yet modernistic. Napangiti ako habang sinuri to pero hindi pa rin maiwaglit sa isipan ko yung estado ng aming negosyo.
This place is part of my life. Kaya hindi ako papayag na basta-basta to mawawala sa amin.
Teka lang, ba't ba ako dito dinala ni Gavin? Nang-aasar ba siya? Kailangan ba talagang ipamukha niya na wala akong ibang choice kundi siya lang? Na siya lang yung taong maaaring makapagbigay ng solusyon sa malaking problema na dumating sa negosyo ng aming pamilya?
Marahil alam na niya yung kondisyon ng Hotel de Victoria.
"What are we doing here?" mahinahon kong tanong sa kanya habang nakatingin pa rin sa labas. Humugot ako ng malalim.
"We have to talk about that..." Huminto siya saglit bago itinuloy yung kanyang sinasabi. "deal..." Marahan yung boses niya at hindi ko alam kung bakit. Parang may halong lungkot yung tono nito.
Ayokong lumingon sa kanya. Ayoko siyang tingnan...
"Kailangan ba talaga dito, sa mismo pang hotel namin?" Hindi na naman siya sumagot. Ano bang nangyari sa kanya? May sakit ba siya sa lalamunan at limitado lang yung salitang dapat niyang bibitawan? Weird.
"Bumaba ka na," utos niya.
Tumaas yung kilay ko nang marinig ko yun. Hindi man lang siya nag-offer na pagbuksan ako. Walang modo talaga ang lalaking ito.
Naiinis na talaga ako sa kanya!
Hindi na ako nagsalita pa dahil sumikip yung dibdib ko dahil sa sobra kong inis sa kanya. Nagmadali akong lumabas ng kanyang kotse at walang atubiling pumanhik sa loob ng hotel. Ngumiti at bumati sa akin yung dalawang guard na nakatayo sa may entrance. Gumanti naman ako kahit sira na yung mood ko. I'm good at it, hiding my emotions.
Papunta na sana ako sa dalawang receptionist na nakangiti rin sa akin nang may biglang tumawag sa akin.
Familiar sa akin yung boses nito. Kumalabog yung puso ko nang matanto ko kung sino yung may-ari ng boses. Hindi maaari. What is he doin' here?
"Sophie..." He kept calling my name.
"Hey... Soph... It's me... Seth..." Oh, yeah, I know... Seth, my stupid ex-boyfriend. Ano bang gagawin ko? Aalis ba ako dito o lilingon sa kanya? Ayoko tong makausap o makita kahit yung anino nito.
Haist... Gavin, just grab me here... Please... Take me somewhere.
Oh no... I can't believe I'm asking that man to help me.
Tanging si Gavin lang ang naisip kong hingan ng tulong.
"Hey, Darlin', nainip ka na ba at bigla mo kong iniwan sa labas? Hindi mo man lang ako hinintay na makababa ng kotse. Siguro excited ka ng kumain sa paborito mong Italian Food, ano?" malambing na sambit ng lalaking ninais kong makatulong sa akin sabay hagip sa beywang ko. Napaigting ako sa sensasyon na idinulot nito. Oh, Gavin, you save me again! Kumindat siya sa akin ng makahulugan. Hindi ko naman hinihinging lambingin niya ako. Enough na sa akin yung makita ko siya.
Okay, aaminin ko, his presence could drive Seth away from me and it was a big help for me after all.
Naisipan kong sakyan yung kalokohan niya. Humarap ako kay Gavin and smiled at him seductively.
YOU ARE READING
The Exchange Deal (TBS: Book 1)
Tiểu Thuyết Chung[THE BACHELORS SERIES - Book 1] GAVIN BERRONES When Sophia's family business turns unstable, she has to make a decision to save it. She plans to make a deal with one of the hottest bachelors in town, for the goodness of everyone. But what about her...