Gavin
Pagpasok ko ng bahay nakita ko si Sophie na masayang nakipag-usap sa dalawang bata. Balang araw magkakaroon din kami ng sariling little Sophie and Gavin na mag-hahabulan sa loob ng bahay na to. At pag nangyari yun, ako na ang pinakamasayang nilalang sa buong mundo.
"Kuya Gavin, magandang gabi po sayo," nakangiting bati ni Lessy nang mapansin nitong nakatayo ako malapit sa may pintuan. I smiled back.
Lumingon din si Justin at masayang bumati. "Magandang gabi po sayo, Kuya Gavin."
"Good evening din sa inyo kids." Ganti ko sa kanila. Nakita kong papunta sa direksiyon namin si Ana yung ina ni Justin, isa sa mga pinagkakatiwalaan ko dito sa hacienda.
"Sir, handa na po yung hapunan niyo," sabi nito. Tinanguhan ko lang to.
"Justin, Lessy... Halina kayo... Iniistorbo niyo pa si Ma'am Sophie," saway nito sa mga bata.
"Ay okay lang po, wala naman ho akong ginagawa eh," Sophie said with a perfect smile.
Lumapit ako sa malaking sofa kung saan nakaupo si Sophie at yung dalawang bata. "Ana, it's okay. Hindi naman masyadong makulit ang mga to." Nakapamulsa kong saad.
"Sige po, Sir. Punta muna ako ng kusina," pagkatapos magpaalam tumalikod na rin to.
"Kids, kumain na ba kayo ng hapunan?" tanong ko sa dalawa.
"Opo." Halos magkasabay nilang sagot.
"Excuse me po, Sir, Maam..." Napalingon kaming lahat nang marinig ang boses ni Robert.
"Oh, Robert, dinala mo ba yung kabayo pauwi dito?" kalmado kong tanong nito.
Tumango to sabay sabi ng... "Opo."
"Papa..." masayang tawag ni Lessy sa kanyang ama. Lumapit to at nagmano.
"Sir, nasa kusina na po yung mga ubas," sabi ni Robert.
"Salamat," tipid kong sagot.
Bumaling to sa kanyang anak. "Lessy, uwi na tayo. Masyado ng madilim sa labas. Kanina pa naghintay sa atin ang mama mo."
"Opo, Papa..." Umalis to sa harapan ng kanyang ama at lumapit kay Sophie. "Ate Sophie, uwi na po ako." At saka yumakap ng mahigpit. Gumanti din ng yakap si Sophie.
Ang sarap siguro sa pakiramdam pag ganyan kalambing at kacute ang magiging anak namin ni Sophie, ay hindi pala, mga magiging anak. Napangiti ako habang iniisip ang mga yun.
"Sama na po ako sa inyo. Mamaya pa kasi uuwi si Mama eh," sabat naman ni Justin. If I know gusto lang nitong makasama palagi si Lessy. Kahit sa murang edad alam kong gusto na nitong protektahan ang kaibigang babae.
"Mag-ingat kayo ha," tugon ni Sophie.
"Kayo din po." Napakunot-noo naman ako sa sagot ni Justin. Kanino dapat mag-iingat si Sophie? Sa akin ba? Hmmppp... He gave me such a wonderful but lustful thinking huh. Shut it down, Berrones! Ano ba tong pinag-iisip ko? Para ko na ring pinaparusahan ang sarili ko.
"Bye, Ate Sophie," halos magkasabay na sabi ng dalawang bata. Ngumiti si Sophie at tumayo na rin.
Nilingon naman ako ni Justin. "Uwi na po kami Kuya Gavin," sabi nito.
"Oh, sige mag-ingat kayo." Pagkatapos kong sabihin yun lumapit na yung dalawang bata kay Robert.
"Mauna na po kami, Sir Gavin, Maam Sophie," pamamaalam ni Robert. Tinanguan ko to. I glanced at Sophie, ngumiti naman to kay Robert.
Tuluyan na ring lumabas ng bahay ang mag-ama at si Justin. Thanks God, masusolo ko na rin ang maganda kong fiancee.
"Kain na tayo. Kanina pa kasi ako gutom eh," sabay hila ko sa kanya ng marahan.
YOU ARE READING
The Exchange Deal (TBS: Book 1)
General Fiction[THE BACHELORS SERIES - Book 1] GAVIN BERRONES When Sophia's family business turns unstable, she has to make a decision to save it. She plans to make a deal with one of the hottest bachelors in town, for the goodness of everyone. But what about her...