Gavin
I couldn't believe na nasa harapan ko si Sophie. She flew all the way just to be with me, I think. Pero sa nakita kong reaksiyon sa mukha niya habang tinitigan kami ni Sab alam kong may pagdududa to. I could even feel her eyes getting teary. At pakiramdam ko ang sama-sama ko dahil nasaktan ko siya.
"Soph, please, it's not what you think," kabadong tugon ni Sab. Naguguluhan ako sa mga nakita kong reaksiyon sa kanilang mga mukha. It was more like they had known for years.
"Soph, Baby..." I tried to hold her hands but she jerked it away.
"Don't you baby me," mahinahon niyang sabi pero masakit pakinggan.
"Hanggang kailan mo ba ako sasaktan ng ganito, Sab? You did it before! Ano bang kasalanan ko sayo?" mangiyak-ngiyak nitong sabi kay Sab. Mas lalo akong nalito sa mga naririnig ko. I don't understand. I didn't see it coming either.
"Soph, please, wala akong intensiyon na manggulo... Please..." Sab tried to convince her pero mukhang walang epekto to kay Sophie.
"Soph, please, pag-usapan natin to. Believe me, please... Wala kaming ginagawang masama ni Sab kung yan man ang nag-lalaro sa isipan mo... Please, pakinggan mo naman ako..." Sumikip yung dibdib ko nang makita kong umiiling to na para bang wala na akong pag-asang ibalik muli yung masasayang araw naming dalawa.
"No, ako ba Gavin, pinakinggan mo ba yung paliwanag ko nang makita mong magkasama kami ni Seth that night? You don't even ask me if I was okay..." gumaralgal nitong sambit.
"Soph... Please, believe me, Baby... Sab and I are just friends..." I insisted.
"Friends? Nasa iisa kayong kwarto? And she's wearing... she's wearing a robe? Anong klaseng magkaibigan kayo? Friends with benefits?" Kahit kontrolado yung tono ng boses ni Sophie ramdam ko pa rin yung talas ng bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.
"S... Gavin's right. We're just friends at wala kaming ginagawang masama... Please, pakinggan mo naman ako..." Umiiyak na rin si Sab.
"Don't you ever call me S? You're not my best friend anymore! Matagal mo ng tinapos ang pagkakaibigan natin simula sa araw ng lokohin niyo ako ni Seth!"
Huminto yung pag-galaw ng mundo ko nang marinig ko ang huling sinabi ni Sophie kay Sab. Bakit wala akong alam tungkol nito? Bakit pakiramdam ko napaka-unfair ko kay Sophie? Bakit hindi sinabi sa akin ni Sab ito? Bakit paulit-ulit akong niloloko? Ang daming tanong na lumilipad sa isipan ko. Pero parang umurong yung dila ko at hindi ko kayang mag-salita.
"S, I'm sorry... I'm sorry sa lahat ng mga kasalanan ko sayo but believe me I'm trying to make things right," mahinang sabi ni Sab. Make things right, ano to? Anong klaseng laro to?
"Hindi mo na maitatama ang lahat Sabrina dahil ang pagkakamali ay pagkakamali. Wala kang kapangyarihan na ibalik muli ang nakaraan. Bakit, if you have a chance to turn back the time aagawin mo pa rin ba sa akin si Seth? Hahayaan mo ba akong lumigaya sa piling ng lalaking mahal mo? I don't think so!" Nasaktan ako sa bawat bigkas ni Sophie sa mga salitang yun dahil pakiramdam ko hanggang ngayon umaasa pa rin siya na sana hindi sila nagkahiwalay ni... ng KAPATID ko.
Nanginginig ang buo kong katawan sa galit habang iniisip na si Seth parin ang nanalo sa labanang to. Ano bang meron sa kanya na wala sa akin? Bakit hindi ako kayang mahalin ni Sophia gaya ng pagmamahal niya kay Seth? Bakit...?
Hindi ko na kayang marinig pa kahit anumang kataga na lalabas sa bibig ng babaeng mahal ko. I was about to turn my back on them when I heard her uttering my name. It was soft and fragile.
"Gavin... I flew over a thousand miles just to get here and you know why...? Because I want you to know how special you are in my heart. But I guess, you don't realize that," her words were breaking as if she was keeping her tears not to spoil.
YOU ARE READING
The Exchange Deal (TBS: Book 1)
Ficción General[THE BACHELORS SERIES - Book 1] GAVIN BERRONES When Sophia's family business turns unstable, she has to make a decision to save it. She plans to make a deal with one of the hottest bachelors in town, for the goodness of everyone. But what about her...