Chapter 45 - Beautiful Girl

3.9K 101 1
                                    

Sophie

Ilang beses ko siyang pinagtulakan but he didn't bother to give up. Instead, he stayed with me. Even though, pinapahirapan ko siya.

We stayed there for three days. At sa loob ng tatlong araw na magkasama kami hindi ko siya kinausap o binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa kasalanang nagawa niya sa akin. Sa tuwing sinusubukan niyang mag-explain I shut him down. I told him na iiwan ko siya if he insisted his lies. I even pretended like he didn't exist.

Kahit saan ako magpunta palagi siyang nakasunod at minsan naisip ko na takasan siya pero nahanap pa rin niya ako sa isang park.

Pero sa tuwing masisilayan ko yung malungkot niyang mga mata walang atubiling bibigay naman yung puso ko sa kanya. Hindi ko talaga siya kayang tiisin kaya pag tulog na siya sa gabi I covered his body with the blanket. Ramdam ko kasi yung pagtitiis niya kahit sobrang giniginaw na siya. Marahil gusto nito na kaawaan ko siya. Surely, he wanted my attention. And yes, he won for that but the pain was still here in my heart. The love I felt for him was vanished and shattered all of a sudden. Only the heartache remained.

"Iha, are you okay? Kanina pa kita napapansin na napakatahimik mo ngayon. You're supposed to be happy. It's your wedding day," Mom drew a small smile on her beautiful lips.  But I could still feel the confusion on her tone.

I forced myself to smile. Though, I was holding my tears not to burst out. "Mix emotion lang po," tangi kong sagot.

"Sophia, I am your mother. Naramdaman kong may problema ka. Simula nang dumating kayo ni Gavin galing Italy hindi ko na nakita yung mga matatamis mong ngiti diyan sa mga labi mo."

"Ma, pagod lang po ako. Ang dami kasing nangyayari sa buhay ko ngayon," I lied and I hated it. Pero hindi ko naman puwedeng sabihin kay Mommy yung tungkol sa nangyari dun sa Italy. Magkasama kaming umuwi ni Gavin galing Italy para hindi mahalata ng pamilya ko yung problema sa aming dalawa ng mapapangasawa ko.

I decided to marry him for my family. Kahit masakit kakayanin ko. Kahit nadudurog yung puso ko sa tuwing sinusuyo niya ako nang makauwi na kami dito sa Pinas kinaya ko pa rin alang-alang sa mga mahal ko sa buhay.

Gavin agreed that no one else would ever know about what really happened back there in Italy except me and him. Kakayanin kong pakisamahan siya sa loob ng tatlong taon kahit alam kong wala ng pag-asa na magkasama kami habambuhay.

"I saw you and Gavin one night sa harden natin na parang nagtatalo. May problema ba kayong dalawa na tinatago niyo lang sa amin?"

Kinabahan ako sa tanong ni Mommy. Gavin confronted me about Seth that night. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nakausap ko si Seth sa airport at pati yung pagtulong nito sa akin na makahanap ng hotel.

I told Gavin it's none of his business and that he had no right to act like an angry boyfriend. Hindi na ako nagulat nang mas lalong umusok yung ilong nito sa sobrang galit pagkatapos kong sabihin yun. I broke his ego. Pero ako dapat ang magalit sa kanya at hindi siya.

I heaved a sigh. "Ma, pareho lang po kaming pagod nun. Wag po kayong mag-alala, Gavin and I are trying to settle our differences," pagsisinungaling ko na naman. Ang buhay ko ngayon ay puno ng kasinungalingan. At hindi ko na alam kung hanggang kelan to.

She held my hands and pressed it gently. "Naiintindihan ko anak. Alam kong maraming nangyari sa pamilya natin ngayon. Maaaring nagdulot to ng pangamba sayo. Ganyan din ako noon nung araw ng kasal namin ng Daddy niyo. Ang dami kong iniisip noon but I love him at alam ko na lahat ng pangamba kong nararamdaman ay kayang pawiin dahil magkasama naming harapin anuman ang pagsubok na darating sa amin. He is the best thing ever happened to me because he gives me two beautiful angels. Ikaw at si Zach ang dahilan kung bakit mas lalong tumatag ang pagsasama namin ni Antonio."

The Exchange Deal (TBS: Book 1)Where stories live. Discover now