Chapter 18 - Unrequited

5.4K 118 2
                                    

Gavin

Pagbaba ko hinanap ko kaagad si Yaya Beth para ipaalam sa kanya yung plano kong pag-alis ng bansa.

"Oh, anak, ang aga mo namang gumising? Wag mong sabihing pupunta ka ngayon sa opisina na hindi pa tuluyang gumagaling? Mabibinat ka niyan," sabi nito na may halong pag-alala.

"Yaya, okay na po ako. Magaling kayang mag-alaga yung Fiancee ko," ganti ko sabay kindat.

"Hay naku na bata ka. Napakatigas talaga ng ulo mo. Sinabihan na kita kahapon na wag pilitin yang sarili mo kung hindi mo talaga kaya. Buti na lang at hinatid ka ni Sophia dito sa bahay," nakapameywang na tugon nito, halatang naiinis.

"Yaya, hindi na ho ako bata. At saka hindi na uubra sa akin yang lagnat-lagnat na yan," tugon ko. Kung tutuusin dapat pa nga akong magpasalamat na nagkasakit ako dahil nakasama ko yung babaeng mahal ko. Hope I got sick all the time so that Sophie would take care of me.

"Anong gusto mong kainin?" pukaw sa akin ni Yaya. Sa kusina ko kasi to nadatnan, abala sa paghahanda ng almusal. Para ko na rin tong ina, mas naramdaman ko pa nga yung kalinga nito bilang magulang keysa sa totoo kong ina.

"I wanna have rice with any viands for my breakfast. Medyo malayo pa kasi yung bibiyahiin ko ngayon." Actually, coffee was good enough for me to liven up my day, but I needed to have more energy so I could take care of our little boy once I'll arrive there in Spain.

Hinila ko yung isang silya at umupo.

"Malayo? Teka, saan ka ba talaga pupunta ha?" nalilito nitong tanong.

"Aalis ho ako ng bansa. I'm leaving for Madrid..."

"Sa Madrid? Hindi ba't malapit na yung kasal niyo ni Sophia. Anak, ayun sa kasabihan ng mga matatanda, hindi maganda para sa mga ikakasal yung pagbibiyahe ng malayo. Alam mo bang lapitin kayo ng disgrasya?"

Napahalakhak ako bigla nang marinig ko yun. "Yaya, eh, hindi naman ho yan totoo. At saka kailangan ako ni Bast ngayon."

"B-Bakit anong nangyari sa bata?" natataranta nitong tanong nang marinig yung pangalan ni Bast.

"Ang sabi kasi ni Lav nung tumawag to kagabi mataas daw yung lagnat ng bata kaya agad nila tong dinala sa ospital. Di ko ho maiwasang mag-alala kay Bast, Yaya, kaya kailangan ko silang puntahan dun agad just to make sure that they are fine. Alam mo naman yun si Lav, pagdating kay Bast, natataranta kaagad."

"Diyos ko po! Sana magiging okay na yung bata."

"Don't worry, he'll be fine. He's a strong boy," paniniguro ko, trying to make her calm. Dahil alam ko kung gaano rin nito kamahal yung bata.

Natahimik bigla si Yaya Beth na para bang nagdadasal. Her eyes were closed while muttering some words. Hinayaan ko lang to. After a few seconds, she opened her eyes again.

"Sinabi mo na ba kay Sophia na aalis ka ngayon?" she asked in a very serious tone. Kumuha to ng plato at baso sa loob ng kabinet at inilapag sa aking harapan.

"I called her many times kaya lang ayaw niyang sagutin. Ang sabi ni Zach, natutulog pa raw." Tumayo ako para kumuha rin ng kutsara at tinidor.

"Wag kang mag-alala pag tatawag yun dito ako mismo ang magsasabi sa kanya." A small smile formed on her lips.

Hindi ako sigurado sa ideyang yan. Imposibleng mangyari na tatawag dito si Sophie. Napabuntong-hininga na lang ako at saka umupo uli.

"Alam mo, anak, gusto ko talaga si Sophia para sayo dahil alam ko na hindi ka niya iiwan at sasaktan..." Huminto to saglit sa pagsasalita, she was busy doing something sa harapan ng electric stove. Nakita kong kumuha to ng isang mangkok sa loob ng kabinet.

The Exchange Deal (TBS: Book 1)Where stories live. Discover now