Chapter 34 - Promise

4.1K 94 5
                                    

Sophie

Unti-unti na ring lumiwanag yung mukha ng kapatid ko. Pagkatapos kasi naming kumain umakyat muna ako sandali sa kwarto ko. Iniwan ko muna yung magkakaibigan. Kailangan ni Cary ng kausap. He needed a friend.

Pagbaba ko, nadatnan ko silang dalawa na nagtatawanang nakatambay sa mini bar namin. Gumaan na rin yung pakiramdam ko, seeing my brother's smile.

"Ahm. Excuse me, guys..." putol ko sa masaya nilang usapan. They both turned their heads on me. "Shall we?" tanong ko kay Gavin.

"Pare, alis na kami," Gavin said, tapping my brother's shoulder.

Cary nodded. "You take care my sister," seryoso nitong tugon.

My fiance smiled at him. "I will," His words even filled with assurance. Lumapit ako kay Cary at humalik sa pisngi nito.

"You'll be fine," bulong ko nito. I felt him sighing hardly. After a brief conversation, tuluyan na rin kaming umalis ni Gavin.

"Sa tingin mo ba magiging okay sina Cary at Ivanna?" tanong ko kay Gavin habang binaybay namin ang daan papuntang flowershop ko. I saw him shrugging his shoulders.

"Maybe yes, maybe not... But I know your brother so well, alam kong hindi siya susuko hangga't hindi niya makuha ulit ang puso ng kaibigan mo," he answered, facing straight ahead.

"Kahit kapatid ko pa si Zachary, I wouldn't tolerate his mistakes. Kung gusto niyang makuha ulit yung tiwala ni Ivanna dapat paghihirapan niya. Madali lang naman sabihin ang salitang yan pero mahirap gawin. It's not easy to gain trust from anyone," I uttered, taking a deep breath.

Kinuha ni Gavin yung kamay ko at dinala sa kanyang bibig para hagkan. "You're right, Sweetheart. Kaya hinding-hindi ako magloloko," he glanced at me and smiled sweetly. I sighed in relief. Kahit papaano may hinahawakan akong kasiguraduhan na namamagitan sa aming dalawa. Namayani ang saglit na katahimikan sa loob ng kotse.

"Susunduin kita mamaya. May pupuntahan tayong dinner," basag ni Gavin.

"Dinner? A-anong... I mean, family dinner ba yan?" Kinabahan ako sa iisiping makikipag-dinner ako sa pamilya niya. Hindi ko pa kasi nakilala yung mga magulang niya. Wala din akong ideya tungkol sa kanila. Paano kung hindi nila ako magugustuhan para kay Gavin? Paano kung sinabi na sa kanila ni Gavin yung tungkol sa usapan namin noon? Oh God...

Umiling siya. "No. It's... a friend's birthday." Nakahinga ako ng maluwag sa sagot niyang yun. But deep inside, gusto ko rin naman makilala yung buong angkan niya. Di ko lang talaga maiwasang kabahan. Natural lang naman to, diba? Totoo na kasi to eh. Our deal had already been ripped off from the book.

"Pupunta din ba si Cary?"

He shook his head again. "No. Alam mo naman yung kapatid mong yun simula ng ma-brokenhearted hindi na sumasama sa mga lakad namin."

"Maybe, he's trying to prove something to Ivanna," makahulugan kong tugon.

"Wait a minute... Lady, are you trying to say we're not good influence to your brother, aren't you?" kahit nakatingin to sa harapan kita ko pa rin yung nakalukot nitong noo. I held my laughter. Ang sarap niya kasing inisin. Mas lalong gumwapo.

"Bakit, totoo naman ah! What do you call yourselves? Casanovas' Toxic?" patawa kong tanong.

Naramdaman ko yung paghugot niya ng malalim. "Bakit nabibighani na ba kita? Do you find me attractive, Sweetheart?" I found him smirking when our eyes met.

His sharp but lustful words made me shaken. Pakiramdam ko bumikig yung lalamunan ko. Parang ako ata yung natamaan o nahuli sa sarili kong patibong. This man is really dangerous.

The Exchange Deal (TBS: Book 1)Where stories live. Discover now