Chapter 40 - He is amazing

3.9K 89 0
                                    

Sophie

Anong klaseng tanong yun? Subukan niya lang ipakita sa akin na kasama niya kahit sino sa mga malalanding ex-gfs niya malilintikan talaga siya sa akin. Ugh. Bakit ito ba ang pinoproblema ko ngayon? Oh God, I'm torn. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Gavin, I need you here... Please come back for me...

I shook my head, crying. I felt so bad. I'm losing my mind. Ayokong saktan si Gavin. I must admit, it was my fault. He was right about everything. Ni hindi ko man lang sinabi sa kanya kanina nung andun pa kami sa opisina ni Franz. I even forgot to call him kahit nung nakarating na ako dito kanina. Hindi ko man lang naisip na baka sobra siyang nag-alala para sa akin.

He's part of my life now and soon to be my husband. Kung anuman ang magiging desisyon na gagawin ko sa problemang ito dapat kinunsulta ko muna sa kanya, lalo pa't yung mommy ni Seth ang binalak naming hingan ng tulong. This was a terrible idea.

Bakit di ko man lang naisip na si Gavin yung dapat hingan namin ng tulong? He could do better than them, I'm sure. Sigurado din ako na malaki ang maitutulong niya sa amin. Tama, I don't need Tita Athalia's help. Makakayanan ko to with the help of my family and with my love. Ayokong iparamdam uli kay Gavin na si Seth ang pinili ko sa pagkakataong ito dahil hindi naman talaga. Surely, it would break his heart, over and over again....

But, wait...

Mahal ba talaga ako ni Gavin o sadyang naiinis lang to dahil natapakan ko na naman yung pride niya? It doesn't matter anymore... I love him, anyway.

I wiped my tears and ran off towards where Emy was. Nadatnan ko sa sala na nakikipag-usap yung mga magulang ko sa mga pulis. I looked everywhere to find where she was. Pero hindi ko to nakita kaya napagpasyahan ko na hanapin to sa iba't-ibang parte ng bahay, hindi ko pa rin siya mahagilap.

Tuluyan na rin akong lumabas ng bahay at nakasalubong ko yung isa kong tauhan na lalaki. I asked him if he had seen Emy. He told me that Emy was checking some flowers on the barn. Pagkatapos kong makipag-usap sa tauhan ko mabilis kong tinungo yung kamalig kung saan nakalagay yung mga bulaklak na naka-stock and ready to deliver to all shops I have.

"Emy..." tawag ko sa kanya pagpasok ko ng kamalig. Nakita kong abala to sa pagbibilang o pagsusuri ng mga bulaklak.

Bahagya tong lumingon sa kinaroroonan ko. "Miss, may ipag-uutos ho ba kayo?" tanong nito.

"Did you already call T-Tita... I mean, Mrs. Amores?" kinabahan kong tanong. I was hoping I still have the chance to back out the plan.

I felt her heaving a sigh. "Hindi pa po..." she answered, shaking her head.

Oh goodness! Medyo gumaan yung pakiramdam ko. I was thinking na ginawa ko to para maibalik ko uli yung tiwala ni Gavin sa akin at iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa puso ko.

"Miss, may problema po ba?" nagtatakang tanong ni Emy.

A small smile appeared on my lips. "Nothing... Ahm... Emy, tawagan mo si Monna. Tell her that we're going to hold those flowers we still have on the three shops. Hindi muna tayo tatanggap ng kahit anong malalaki o maramihang order. We need all those flowers out there at lahat ng mga bulaklak dito para kay Mrs. Crisostomo."

Kumunot yung noo nito. "Pero Miss, paano po yung isa pa nating kliyente, yung anak ng Gobernador, next week na po yung kasal ng anak nito? Ta's meron pa tayong tatlong kliyente para sa kasal din po yun at kung hindi ako nagkakamali lahat po yun ay sa susunod na linggo..."

"Emy, calm down... Let's figure it out later, okay? But for the meantime, iisipin muna natin yung event na pinakamalapit and it would be Mr. Crisostomo's birthday. That would be tomorrow, right?"

The Exchange Deal (TBS: Book 1)Where stories live. Discover now