Sophie
When Gavin let me pick a bunch of grapes my heart jumped with joy. I was like a little girl whose eyes widened as I roamed excitedly all over.
"Ilang beses na akong nakapunta ng Spain pero niminsan hindi pa ako nakaapak mismo sa isang vineyard," masayang sabi ko kay Gavin. He just smiled at me ng nakapamulsa.
"So, itong mga grapes na to ay yung ginagamit niyo sa paggawa ng wine?" I asked while holding a bunch of grapes hanging on its tree. Actually, I already had on my other hand. Matakaw lang talaga ako pagdating sa grapes, I love strawberries too.
He nodded as our eyes met.
"Pwede ko bang pitasin? Please..." pagsusumamo ko na naman.
"Sure, Sweetheart. Go ahead." Pagkatapos niyang sabihin yun hinablot ko na to. I heard him laughing.
Kunot noong nilingon ko to. "What?"
"Wala lang. Ang cute mo kasing tignan. Ang takaw mo pala pag grapes na ang pinag-uusapan," anito.
Napangiwi ako. "Shut up!"
Humalakhak na naman to ng mapanukso. Hindi ko siya pinansin. Patuloy pa rin yung paglibot ko sa ibang bahagi.
Napansin ko na yung ibang puno ng ubas walang bunga. Nilingon ko si Gavin na nasa likuran ko pa rin. "Bakit yung iba walang bunga?"
"Summer dapat yung harvest time namin kaya yung iba walang bunga. Aasahan mong sa next summer marami ka talagang mapipitas," sagot nito.
"Ah ganun ba. Dun kasi sa hacienda nina Lolo't Lola, puro tubo yung mga tanim." Kibit-balikat kong sabi.
"Robert..." Narinig kong may pangalang tinawag si Gavin sa kanang banda. Mayamaya pa'y lumapit sa amin ang isang lalaking medyo malaki yung pangangatawan, halatang sanay to sa buhay hacienda. Nakasuot to ng tshirt and loose pants with a pair of boots.
"Sir... May ipag-uutos ho ba kayo?" tanong nito nang nasa harapan na namin to.
"Ikuha mo ng basket itong si Maam Sophie mo," utos ni Gavin sa lalaki. Agad namang umalis sa harapan namin to pagkatapos utusan ng kanyang amo.
"Gavin, kaya ko naman oh," sabay pakita ko sa kanya yung mga bitbit kong ubas.
"Bakit yan lang ba ang kaya mong kainin?" he asked teasingly.
Marahan akong umiling. Dahil ang totoo, gustong-gusto ko pang mamimitas. Tumawa siya ng marahan.
"Wag mo nga akong pagtawanan! Kanina ka pa ah!" saway ko sa kanya. Lumapit to sa akin ng konti at hinawakan ang magkabila kong balikat. Bago pa man ako makapag-react dumampi na yung mga labi nito sa mga labi kong nakaawang. Given kissed me gently but deeply. Palalim ng palalim yung halik nito. Napapikit ako sa sensasyong dulot nito.
I wanted to push him dahil hindi pa rin nawala sa ulirat ko na nasa gitna kami ng taniman ng mga ubas. Paano kung may makakita sa amin na ibang tao? But his kiss made me weaken. Then, I found myself responding to his kiss. Pagdating kay Gavin wala na talaga akong pakialam sa mundo. Hindi ko alam kung anong meron kami ngayon at kung ano man yun, isa lang ang tanging siguradong alam ko, I'm happy with him. Grab the opportunity, 'ika nga. Before it's gone in my hands or someone takes it away from me.
"Gavin..." as I breathed out.
"Mmm..."
"B-baka may makakita sa atin..." Oh man! Naputol yung sasabihin ko sana nang kagatin nito yung pang-ibaba kong labi. I let out a soft moan. Gavin was the most dangerous man I have ever known.
YOU ARE READING
The Exchange Deal (TBS: Book 1)
General Fiction[THE BACHELORS SERIES - Book 1] GAVIN BERRONES When Sophia's family business turns unstable, she has to make a decision to save it. She plans to make a deal with one of the hottest bachelors in town, for the goodness of everyone. But what about her...