Sophie
"What are you doing here?" nagtataka nitong tanong. Lumabas na to sa kanyang kotse at nasa harapan ko na. I looked away. But I felt something different for him. Mukhang wala na akong naramdamang galit kay Seth. I didn't have much time to figure it out kaya hindi ko siya pinansin. Ipinagpatuloy ko pa rin yung pag-aabang ng bakanteng taxi.
"Sophie..."
"Umalis ka na," mariin kong sabi sa kanya.
Nakita kong nilapitan nito si Mamang Driver at sinabihan na siya na raw yung bahalang maghahatid sa akin pauwi pero tinutulan ko to.
"Seth, kaya kong umuwi ng mag-isa. I don't need your help," sabat ko sa usapan nila. I felt him heaving a sigh while running a hand through his hair.
"Soph, gabi na. You're not safe here. Mahihirapan ka na ring maghanap ng bakanteng taxi sa ganitong oras dahil uwian ng mga empleyado," malumanay nitong sabi.
Seth was right but I just couldn't say yes to him. Ayokong makita kami ni Gavin na magkasama. Kahit wala kaming masamang gagawin ni Seth, hindi pa rin magandang tignan sa mata ng ibang tao na kasama ko ang dating boyfriend habang yung fiance ko naman ay naghihintay sa akin ngayon.
Naisipan kong humiram ng celphone sa driver ng taxi para tawagan si Gavin. I would rather face the complications of lying to my fiance than being with Seth alone.
Lumapit ako kay Mamang Driver at nakiusap na gamitin ko saglit yung phone niya. Pumayag naman to. Buti't namemorize ko yung number ni Gavin. I quickly dialed his number but he was out of coverage area. Napamura ako sa sobrang inis. Kung kelan nagkalakas-loob akong tawagan siya, saka naman hindi ko siya makontak. I sighed desperately.
Ilang beses kong dinial yung number niya, ganun pa rin, naka-off pa rin yung number niya. Dismayado kong ibinalik kay Mamang Driver yung phone nito.
"Salamat po..." mahina kong sabi kay Kuya. Tumango naman to. Kitang-kita ko yung awa sa kanyang mga mata habang tinitignan akong balisa. The street post was good enough to give light where we stood up.
"Soph, please, don't be stubborn. Pangako, I won't do anything stupid," pangungumbinsi pa rin ni Seth.
Malapit na akong bibigay at sasama sa kanya. If I'm not mistaken, isang oras na ang nakalipas simula nang masira yung preno ng taxi. Nakaabala na rin ako kay Kuyang Driver. Kailangan pa nitong ipasuri yung sasakyan niya.
Anong gagawin ko ngayon? Nakakalito...
"Sophie, alam kong kanina mo pa gustong umuwi. Sige na hayaan mo akong ihatid ka pauwi," hindi pa rin tumigil to sa pangungulit sa akin.
I swallowed hard to sustain my senses, to calm my heart. Pinalipas ko ang ilang segundo bago nagdesisyon. Tumingin ako kay Seth at tumango ng marahan. Nakita kong unti-unting lumiwanag yung kanyang mukha. He smiled in relief. I looked away and closed my eyes.
I'm doing this for Gavin... Hintayin mo lang ako, Mahal Ko.
Huminga ako ng malalim at binuksan ang aking mga mata. Nilapitan ko si Mamang Driver.
"Kuya, salamat po sa pagsama niyo sa akin dito," malumanay kong sabi.
"Walang anuman po, Mam. Kung tutuusin kasalanan ko to eh."
"Wala ho kayong kasalanan... Kuya, tanggapin niyo na ho yung bayad ko. Kailangan niyong ipaayos tong taxi niyo." He never left me. I think, it was the only way I could repay his kindness.
Umiling to at ngumiti. "Eh, konting problema lang to Mam."
Hindi ko na siya pinilit. He was right. Balang araw makabawi din ako kay Mamang Driver. Pero sa ngayon kailangan akong makarating agad sa shop ko. Kailangan kong makita si Gavin.
YOU ARE READING
The Exchange Deal (TBS: Book 1)
Художественная проза[THE BACHELORS SERIES - Book 1] GAVIN BERRONES When Sophia's family business turns unstable, she has to make a decision to save it. She plans to make a deal with one of the hottest bachelors in town, for the goodness of everyone. But what about her...