"Sophie, anak, are you okay? Kanina ka pa tahimik diyan. May problema ba?" pag-alalang tanong ni Mommy sa akin. Kakagaling lang namin sa isang Designer na gagawa ng gown ko. Mas pinili kong dun magpagawa ng wedding gown ko sa isang sikat na couture na pagmamay-ari ng aking pinsan.
Francesca, my cousin, is a great and famous designer. So, why pick other one when she already knew my taste?
"I'm fine, Mom..." matipid kong sagot.
"Nagugutom ka na ba? Ang tagal ba naman kasing iseserve yung order natin," medyo iritang sabi nito habang patingin-tingin sa paligid.
"Ma, hindi po ako gutom. Siguro, puyat lang..."
"Puyat? Ikaw kasing bata ka, ang sabi ko sayo na hayaan mo na lang yung mga tauhan mo dun sa farm at sa mga flowershops na mag-aasikaso sa lahat ng mga gawain."
"Ma, alam mo naman na hindi ako mapalagay hangga't hindi ko po nadadalaw yung farm ko," paliwanag ko nito.
"Alam ko... That is why I asked your fiance to come with you anytime you will decide to visit your farm."
"Ano? Nakikiusap po kayo kay Gavin? Ma, alam mo naman na busy yung tao..." Napatigil ako nang mahagip ng dalawa kong mata yung presensiya ni Gavin na kakapasok pa lang ng restaurant. Oh no...
Almost two weeks na pala ang nakalipas simula nung huling punta ko dun sa opisina niya.
"Oh, andito na pala yung knight in shining armor mo, Anak!" Nakangiting saad ni Mommy.
Napabuntong-hininga na lang ako. Kinawayan to ni Mommy at agad naman siyang tumungo sa mesa kung saan kami naghihintay ng ino-order naming pagkain.
"Hi... Mom..." bati niya kay Mommy at saka humalik sa pisngi ng ina kong abot tenga kung makangiti.
Talagang ipinagkalandakan pa niya sa buong mundo yung pagtawag ng Mom at Dad sa mga magulang ko. Kaasar!
"Hi... Hon..." Bumaling siya sa akin at humalik sa noo ko.
"H-Hi..." I forced my lips to curve a smile.
He shifted his attention to my mom again. "Pasensiya na po kung medyo natagalan ako sa pagpunta dito. May meeting pa po kasi ako sa isa sa mga kliyente namin."
Gavin. Gavin. Gavin. Ganyan ka naman talaga, mas inuuna mo pa yung negosyo mo keysa sa mga ibang bagay. It won't surprise me anymore if my name listed on the last priority.
"Oh, I'll always understand, Gavin. Actually, kararating pa lang namin," ganti naman ni Mommy.
What? Eh, halos twenty years na nga kaming nakaupo dito!
"Oh, mauna na ako sa inyo..." ani Mommy. Wait...
"Mom, saan po kayo pupunta," nalilito kong tanong.
"Sophie, may aasikasuhin pa kasi akong importante... And besides, andito naman si Gavin, so, I guess, you don't need my presence here anymore."
"Mom..." I tried to convince her dahil ayoko pa munang makaharap ang lalaking kinaiinisan ko.
"Soph, hinihintay na kasi ako ng Lola Mathilda mo. Sasamahan ko muna siya dun sa isang Designer kung saan siya gustong magpapagawa ng damit na susuutin niya sa kasal niyo. She wanted your cousin to do it, but Francesca is very busy with your gown. We decided not to bother her, so she could focus her work. After all, it will be your special day, Sweetie." Pagkatapos nitong magpaliwanag kaagad namang binalingan yung lalaking nakatayo sa gilid ko. "Gavin, you take care of my daughter, okay?"
I felt him smiling. "Wag po kayong mag-alala, iuuwi ko ho siya ng buong-buo. Pangako po..." paniniguro niya. Ugh. Inis akong humugot ng malalim.
YOU ARE READING
The Exchange Deal (TBS: Book 1)
General Fiction[THE BACHELORS SERIES - Book 1] GAVIN BERRONES When Sophia's family business turns unstable, she has to make a decision to save it. She plans to make a deal with one of the hottest bachelors in town, for the goodness of everyone. But what about her...