Chapter 31 - Start of Good Things

4.4K 99 8
                                    

Gavin

All rights reserved. Copyright © Ladysnowdrop_elm, 2015

Still. I couldn't believe she actually said yes to me. Nakita ko yung sinseridad sa kanyang mga mata nang umuo siya. It's a good start for a wonderful days with me and Sophie. Ipapakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

In time, sasabihin ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal pero sa ngayon kailangan ko munang makasiguro kung totoo ba tong hinala ko na may pagtingin din sa akin si Sophie. Alam kong darating ang araw na matutunan din niya akong mahalin.

Nang makita kong umiiyak siya habang umuo, iba ang nakita ko sa kanyang mga mata. She was crying not because she had no choice but she was perfectly happy. I hugged her tight. Gusto kong ipadama sa kanya na masaya ako sa desisyon niya, sobrang saya.

Pagkatapos naming kumain, umakyat kaagad si Sophie sa taas. Saglit muna akong nagpaiwan sa baba para kausapin yung mga katulong tungkol sa mga pagkaing dapat nilang lulutuin habang nasa hacienda kami ni Sophie. She loves to eat pasta and of course her favorite grapes.

After few minutes, umakyat na rin ako sa taas. Pagpasok ko ng kwarto nakita kong tahimik na nakatayo si Sophie sa may terrace. Nilapitan ko to at niyakap sa likuran.

"Hindi ka pa ba inaantok?" I asked, kissing her head.

Marahan siyang umiling. "Gavin, did you really mean it?"

Alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng kanyang tanong. Dahan-dahan ko siyang pinaharap sa akin at seryosong tinitigan.

"Soph, I'm perfectly sure about this. Gusto kong magkasama tayo ng matiwasay. Sa lahat ng pinakaayaw ko ay masangkot ang pangalan ko sa isang gulo at alam kong ganun ka rin. So... I'm thinking it's the perfect time for me to start a new life with you." Hinalikan ko ang kanyang noo nang maramdaman kong huminga siya ng malalim. I lied. Dahil ang totoo wala akong pakialam kung ilang beses man masangkot ang pangalan ko sa isang gulo as long as we're together.

"I promise, I will be a perfect wife for you," she said with determination.

"No, I don't need a perfect wife, Sophie. It's enough for me to know you're always here with me no matter what happen." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Baby, sleep na tayo. Alam kong kanina ka pa pagod," tugon ko habang hinaplos ang kanyang likuran.

Sophie suddenly quivered when we heard the long growl from the outside. Alam kong natatakot na naman to. Napayakap siya sa akin ng mahigpit.

"G-Gavin, are you sleeping here with me?" nanginginig niyang tanong.

"Why? Gusto mo ba?" I smirked.

"Baka kasi pumasok dito yung mga wolves sa labas," mahina niyang sabi.

I smiled. Mukhang pumabor ata sa akin yung mga asong umuungol.

"Baby, don't be afraid. You're safe with me. Halika na, tulog na tayo. Don't worry, hindi kita iiwan," pangako ko sa kanya. I felt her sighing in relief.

Tinabihan ko si Sophie kahit nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon. Pinilit kong punitin sa aking isipan ang mga naghahalong tensiyon na bumalot sa buong katawan ko. Sino bang lalaki ang hindi mag-aalburuto ang katawan kung katabi mo ang napakaganda at napakasexy na babaeng katulad ni Sophia Campoverde?

She was right when she told me before na malaking puntos sa pagkalalaki ko o kaiinggitan ako ng mga kalalakihan pag siya ang mapangasawa ko.

I remembered when we went out the other day for our appointment with the Wedding Planner and then we decided to roam around the city for the whole day, halos lahat ng mga kalalakihang nakakita sa amin ay kumunot ang noo na para bang sinasabing napakaswerte ko dahil napanalunan ko ang pinakamalaking premyo at the same time, telling me anytime they could grab Sophie away from me. Hell no! Subukan lang nila! I'm willing to risk everything just to have her.

The Exchange Deal (TBS: Book 1)Where stories live. Discover now