Chapter 9 - Love Story

6.9K 147 16
                                    

"Stop it Berrones! Andito tayo sa harapan ng pamilya ko!" pabulong kong saway sa kanya.

Bahagya namang lumuwag yung pagkadampi ng kanyang palad sa likod ko. Medyo nakaramdam ako ng maluwag at unti-unti na rin akong nakahinga ng mabuti.

Wala na talagang ibang ginawa ang lalakeng to kundi ang pahirapan ako! Ugh. Kaasar!

"Hey, Guys, are you just gonna stand there and watch us?" Narinig kong tanong sa isa sa mga pinsan kong lalake na si Chad.

I took a deep breath. If you only know guys...

"Come, Darlin', he's right. Para tayong mga tuod na nakatayo dito. Hindi mo man lang ba ako ipakilala sa pamilya mo?" ani Gavin. I just rolled my eyes on him as response.

But he was right, we were standing like human mannequins. Kaya nagpasya akong lapitan ang mga to.

Huminga muna ako ng malalim bago tinungo yung mga mahahalagang tao sa buhay ko. I smiled at them. Grabe, ang saya nila tingnan. Yung malalapad na ngiti na gumuhit sa mga mukha nila ay nakakagaan sa pakiramdam kahit alam ko na ito ay panandalian lamang dahil walang pag-ibig o kahit anong klaseng emosyon ang namagitan sa amin ni Gavin kaya sa kaloob-looban ko ito ay isang malaking trahedya na nangyayari sa buhay ko ngayon.

Gusto ko ng maluha sa saya at sa lungkot...

Ito na ba yung simula sa bagong kabanata ng buhay ko?

Hindi pa rin bumitiw si Gavin sa pagkahawak sa beywang ko habang naglalakad kami. I looked at him. Tinitigan ko yung mga mata niya, they were shining. It seemed that he was happy.

Masaya ba talaga siya o talagang pinagbubutihan lang nito na makuha yung loob ng aking pamilya? He is such a great actor! And I hate it!

Dahil hindi ko kayang magkunwari...

"Sophie! Kaya pala iba na yung tinahak mong career ngayon dahil may bago ka ng inspirasyon sa buhay... Siya ba talaga yung dahilan?" Bigla akong napalingon sa kanang banda nang marinig ko ang boses na yun dahil kilala ko yung may-ari nito.

"Ivanna?" gulat kong tanong sa babaeng papalapit sa akin.

Ngumiti to. "Yes it's me!" Lumapit siya sa akin at nagbeso.

Ivanna became my friend, simula nung naging girlfriend to noon ng kapatid ko. Kasama ko din to dati sa trabaho bilang fashion model. Pero ang ipinagtaka ko lang kung bakit nagkalakas ng loob to na pumunta sa party na ito gayung alam naman niya na maaring mapang-abot pa sila ng aking kapatid. They never had a beautiful ending.

"Kelan ka pa dumating?" excited kong tanong nito. Balita ko kasi sa Europe na to nagmomodelo.

"Just yesterday... Actually, your fiance told me about this thing. I mean, this engagement thing of yours, and the idea of surprising you with me as part of it? It made me come home, Soph. He's really amazing, isn't he?" anito habang kinikilig. I was so shocked when I heard those lines.

Tiningnan ko si Gavin na nakatayo pa rin sa tabi ko. But he just gave me his beautiful smile that could melt an iceberg.

Quickly, I looked away dahil hindi ko kaya na makita yung mga mata niyang nangungusap.

Magsasalita pa sana ako nang marinig ko yung boses ni Daddy na nag-wewelcome sa lahat ng mga kaibigan namin na dumalo sa kunwaring espesyal na gabi namin ni Gavin. Kaming lahat ay nakatuon sa kanya at nakinig sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.

Ngunit walang niisang kataga ang rumestro sa aking utak, lahat yun ay lumabas sa kabilang tenga ko. Inisip ko pa rin kasi yung surpresang ibinigay sa akin ni Gavin.

The Exchange Deal (TBS: Book 1)Where stories live. Discover now